Chapter XXIV

55 14 83
                                    

Chapter XXIV: Silver

***

Bago pa man lumala ang sitwasyon sa kanila ay kailangan kong makausap si Blaine. Her mother was the General Director of the university. Naalala ko siya dahil isa siya sa mga naging judge sa naganap dati na sinalihan kong event.

Sinundan ko si Blaine habang palabas siya sa university. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero pumara siya ng taxi, gano'n din ang ginawa ko. Kailangan kong sabihin sa kaniya na walang balak si Ledger kunin 'yung university sa kaniya. She misunderstood things. Hindi sakim si Ledger, clumsy pero mabait siya kahit pa man nakakairita na minsan.

Alam kong importante si Blaine sa kaniya. He considered Blaine as his big sister. He loves his siblings to the point that he doesn't even care about himself. I witnessed that. The way he treats them? He was gentle. And I'm damn feeling guilty.

Dumiretso ang sasakyan sa subdivision nila Ledger. Anong plano niya? Bakit kung kailan pa ako magpapaalam kay Ledger saka pa siya napunta sa ganitong sitwasyon?

Pagbaba sa kotse ay pumasok agad siya sa gate nila. Rinig ko ang pagkatok bago siya pagbuksan ng pinto. It was Ledger's mom.

"What are you doing here, Blaine?" Tanong ng nanay ni Ledger, nanatiling nakatayo sa may pinto.

"Nasaan po si Ledger?" Tanong ni Blaine.

I was just sitting in a taxi across the road. Kailangan ko rin na makita si Ledger.

"Do you and your mother still hope that you will get the university after taking it from Assetrina?" She smirked.

"Kailangan ko lang pong kausapin si Ledger, Tita Criselda." Paliwanag ni Blaine na sumisilip sa loob ng bahay nila Ledger. Humarang naman ang nanay nito.

"Sabihin mo sa nanay mo, tigilan na niya ang pangangarap. Amin ang university na 'yon." Pagdidiinan naman niya sa kaniya.

"Sinong kausap mo?" Singit naman ni Tito Barry sa labas. "Oh Blaine, anong kailangan mo?" Dagdag niya. Pilit din niyang pinapasok sa loob ang asawa nitong nakataas ang kilay kay Blaine.

"Gusto ko lang po kausapin si Ledger. Alam ko po kasing umalis siya after makita ang mga media sa university."

"Criselda, alam mo ba ang tungkol do'n?" Tanong ni Tito Barry sa asawa. Nagkibit-balikat lang siya habang nakangisi. Huminga nang malalim si Tito bago tignan muli si Blaine. "Kadarating ko lang kasi kanina bago siya umalis. Maybe that's why he was so furious with his mom," he answered.

"Salamat po, Tito."

"You don't know how to stop, do you?" Sambit ulit ng nanay ni Ledger pero hinayaan na lang iyon ni Blaine.

Damn! This is mess!

Akmang lalabas na rin ako sa sasakyan no'ng mabilis siyang sumakay sa taxi na kanina pa siya hinihintay.

Hanggang kailan ka ba tatakbo, Ledger? We are all worried about you.

Sinundan pa rin namin si Blaine sa kung saan man siya pupunta. Kumunot ang noo ko nang patungo ito sa university. Hindi na ba niya hahanapin si Ledger? Sumuko na ba siya o natakot siya sa nanay ni Ledger?

Wait—nilagpasan niya ang university.

"Ma'am, susundan pa rin po ba natin?" Tanong sa akin ng driver.

"Yes, I will pay." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa sasakyan na nasa harap namin.

Lumiko ito sa kung saan kaya gano'n din kami. Alam ko na kung saan siya patungo, sa kung nasaan nakalagay ang abo ni Assie. Sa private property ng mga Alderidge. Pero wala masyadong bahay do'n, abandunado nga lang ang meron.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon