Chapter XIX

295 34 113
                                    

Chapter XIX: Other side

***

Ano pa ang hindi ko alam tungkol sa kaniya? We both seem to have a ton of secrets. But I believe mine is the worst. Hindi matanggal sa isip ko ang mga nalaman ko. Guilt devours me to what happened to his sister. Anong gagawin ko para mapatawad niya ako?

For damn sake, Avyri! It was all your fault! Hindi ka na mapapatawad ni Ledger kapag nalaman niya ang dahilan ng pagkamatay ng ate niya.

"I hate you, Assie! Why didn't you inform me?!" I shrieked, for the tenth time.

Napaawang ang bibig ko nang makita ang mga punong natumba sa kinatatayuan ko. Nilibot ko ang paningin upang tignan kung may iba pa bang nandito maliban sa akin. I can't be caught to what I did. Agad kong inayos ang mga natumbang puno sa iisang tabi na parang may nagputol nga at kukuha mamaya. Ano na naman bang ginawa ko?

Pagkatapos ay agad na akong umuwi sa bahay nila Miss Quilliana. We have a lot to talk about. Is she playing with me? Dahil hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya.

"Quila," bungad ni Nisha. "Bakit ngayon ka lang? Gabi na oh," she added.

"I know," I answered. "Asan si Miss Quilliana?" I asked.

"Nasa office niya. Kanina ka pa raw niya tinatawagan pero hindi ka niya macontact." Sagot niya habang sumasabay sa paglakad ko.

"I'll talk to her."

"Mukha nga..." she whispered. "May nangyari ba? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ulit niya.

"Do I look fine?"

"Mukha nga..." Sambit niya ulit.

Sinaraduhan ko siya ng pinto nang makapasok sa opisina ni Miss Quilliana.

"Bakit ngayon ka lang?" Bungad naman niya sa akin habang nakatayo siya sa tapat ng mesa niya.

"Alam mo bang magkapatid si Ledger at Assetrina?" Agad na tanong ko sa kaniya.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Hindi na ako natutuwa sa mga nalalaman ko tungkol kay Ledger na hindi man lang nila sinasabi sa akin.

"What?" She reiterated.

"I won't ask you twice. If this is your way of toturing me, fine."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," she defended.

"Spencer," I said.

"Sa dinami-rami ng Spencer sa mundo hindi ko alam na related sila."

"Impossible."

"Hindi ka naniniwala? Okay, I'll tell you." Umupo siya sa couch at tumikhim. "We accepted Ledger dahil kaya ka niyang ipasok sa Alderidge University. He also told us na willing siyang maging tutor mo para maka-adjust ka do'n. Hindi na kami nag-abalang magbackground check." She explained.

"How can I trust you?" 

"Trust your instincts."

"Ilalabas ko na ang kapatid ko," sambit ko. I don't trust her. She's playing with me. Akmang tatalikod na ako nang magsalita ulit si Miss Quilliana.

"Nakarating ka sa kinatatayuan mo ngayon na naaangkop sa plano. But here we go again, nagpapadalos-dalos ka sa mga bagay na hindi mo pinag-iisipan nang mabuti."

"Paano kung kulangin ako sa oras?"

"You were almost there... sa goal mo."

"Anong makukuha mo kapag natulungan mo ko?"

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon