Chapter XII

244 66 155
                                    

Chapter XII: Companion

***

This is too much. Hindi ko inaasahan na darating sila sa ganitong pangyayari. They're too young to be this aggressive. Nang magkamalay si Ares ay ayaw pa niyang sabihin sa amin ang totoong nangyari. I don't have a choice but to use my powers. Pinaalis ko na lang si Ledger para hindi niya makita.

Ngayon, alam ko na kung sino ang gumawa ng ganito sa kaniya. Pero ayaw niyang gumawa ng anumang aksyon para makulong ang may sala nito. I was so frustrated. That meddler guy was right. Sa pangalawang pagkakataon ay pakiramdam ko ako ang may kasalanan. I hate this!

Wala naman silang koneksyon sa buhay ko pero pakiramdam ko ay kailangan kong gumawa ng aksyon. I'm being Ate Avliary. Argh!

Bumukas ang pinto at inuluwa no'n si Ledger na may hawak na pagkain.

"Hindi ka ba uuwi?" He asked.

"Uuwi na ako." Tumayo naman ako sa kinauupuan.

"Teka. Breakfast kaya?"

"Sayo na lang 'yan."

Lumabas na ako ng kwarto kung nasaan nagpapahinga si Ares. She was unconscious. Buti na lang at may kakilala si Ledger dito sa hospital na pinuntahan namin. Wala akong dalang pera para bayaran ang mga bills niya.

"Pasabay ako," he shouted.

"Sinong maghihintay sa pagdating ng magulang niya?" I asked.

Kanina pa kasi kami naghihintay pero wala pa rin dumarating.

"Sasabihin ko na lang sa nurse. Hintayin mo ako sa labas. Ihahatid na kita sa iniyo." He insisted.

"Okay, fine."

Naglakad na ako palayo sa kaniya hanggang makarating ako sa labas ng hospital. Alas kwatro na ng umaga. Wala man lang akong tulog dahil sa pagbantay. Mabuti pa si Ledger nakatulog kanina.

Huminto ako sa tapat ng isang bench. Inilibot ko ang paningin upang makita ang lugar. May mangilan-ilan na rin ang gising at naglalakad sa paligid.

What a cold breeze.

"Tara na."

I turned my gaze and stared at him.

"Bakit?" He asked.

Umiling naman ako bago maglakad palayo. I didn't expect that he will help me again. I want to express my gratitude but he will definitely laugh at me. I'll save it for the right time.

Pumara siya ng taxi at hinatid ako sa bahay ni Miss Quilliana. Mabuti na lang maagang nagising si Nisha dahil pinagbuksan niya ako ng pinto. She was also holding a cup of coffee.

"Kumusta 'yong classmate mo?" She asked. Mukhang kababangon niya dahil sa ayos ng buhok nito.

"She's not fine."

"Oh— gutom ka ba? Anong oras pasok mo mamaya?" She continued.

Naglakad naman ako papuntang kwarto para mahiga kahit ilang oras lang sana. Bakit ko ba sinasayang ang oras ko para tulungan ang gaya niya? Nakakairita.

"Pwede tayong magsabay kasi 10 am pa pasok ko." Sambit niya habang sumusunod sa akin.

"9 am," I answered.

Pagpasok ko ng kwarto akala ko hindi na siya susunod, pero nagkakamali ako. Kahit pa isinara ko na 'yong pinto.

"Sakto. Pwede naman akong maaga mamaya. May gagawin pa ako sa library, e." Masayang sabi niya.

Extinction: The Curse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon