Chapter One

1.3K 14 0
                                    



Chapter One
WALANG-HUMPAY ang pagpatak ng mga luha ni Bridget. Isa-isa niyang inihagis nang malakas sa dingding ang bawat bagay na naaabot ng kanyang mga kamay habang sinasambit ang pangalan ni Ramonchito Roa. Iyon lamang ang tanging paraang alam ni Bridget upang kahit papaano ay maibsan kung hindi man mawala ang sama ng loob niya sa ginawa nitong paglisan sa kanyang buhay.
"Bridget!" malakas na tawag ng kanyang ina na si Doña Antonietta mula sa labas ng kanyang silid.
"What is going on?" nag-aalalang tanong naman ng kanyang ama na si Don Alfredo habang pilit na binubuksan ang pinto. Dala ni Bridget sa loob maski ang duplicate keys dahil ayaw niyang magambala ng sinuman ang kanyang pagsesentimiyento.
"May gana pa kayong magtanong!" malakas na sigaw ni Bridget, sabay hagis ng unan sa pinto. "Pagkatapos n'yo akong paglaruan! Pinaniwala n'yo akong mahal ako ni Chito. Pinaniwala n'yo akong pakakasalan niya ako. Pagkatapos ay sasabihin niya sa akin na si Rafaela pa rin ang mahal niya! Niloko n'yo lang ako! You fooled me! You fooled me! How could you do this to your own daughter?"
"Anak, patawarin mo na kami," napahikbing saad ni Doña Antonietta. "Ginawa lang namin 'yon dahil umasa kaming magbabago ka kapag sinuklian ni Ramonchito ang pagmamahal mo sa kanya. Alam naming siya lamang ang tanging inibig mo nang ganito. Sa ilang buwan ng pagiging magkasintahan n'yo ay napakarami nang nagbago sa 'yo, hija. Ayaw na naming bumalik ka sa dati mong buhay. Ang gusto namin ay magpatuloy na ang pagbabago mo."
"Tama ang 'yong mama, Bridget," ani Don Alfredo. "Kalimutan mo na si Chito. Pinagsisisihan na namin ang nagawa naming kasalanan sa 'yo. Pinilit ka niyang mahalin kapalit ng pagtulong namin sa pamilya ni Rafaela. Hindi namin naisip na mabuting tao siya at hindi niya magagawang patuloy kang lokohin. Ipinagtapat niya sa 'yo ang lahat dahil hindi niya kayang mabuhay sa panloloko. If only he had other choices, hindi niya'yon gagawin sa 'yo. Hindi ka niya lolokohin. Patawarin mo na kami, anak."
"Get lost!" sigaw ni Bridget sa mga magulang habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "I don't want to see any of you! Leave me alone!"
"Anak, hinihintay ka ng mga empleyado natin sa kompanya." Nagsusumamo ang tinig ni Doña Antonietta. "Hindi ba't nangako ka sa kanila na pag-aaralan mo ang lahat upang maging magaling kang boss pagdating ng araw? That you'll grant their requests mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki? Hindi ba't may party ka pang pinaghahandaan para sa kanila?"
"The hell I care about them!" patuloy niyang sigaw. "Hindi sila ang makakatulong sa problema ko. Nor you and Dad. Kunwari lang na concerned kayo sa akin, but the truth is, you don't really care about me!"
"Hija, you know how much we love you," si Don Alfredo. "Wala kang ginusto na hindi namin ibinigay. Maging ang lalaking iniibig mo ay pinilit naming mapunta sa 'yo. What we want for you is the best. Ayaw naming magising ka isang umaga na nagsisisi dahil walang nangyaring maganda sa buhay mo."
Pansamantala siyang hindi nakakibo sa sinabing iyon ng kanyang ama. Mula sa pagkakaluklok sa malambot na kama ay tumayo siya at luhaang tumanaw sa garden.
Bago dumating si Ramonchito sa kanyang buhay ay hindi niya masasabing masaya siya sa kabila ng karangyaang tinatamasa sa piling ng mga magulang. Her parents had always been very busy. Walang ibang inatupag ang mga ito kundi ang negosyo. She was an only child at walang kasama at kausap sa bahay kundi ang mga maids.
At the age of fifteen, natuto si Bridget na makipagbarkada. Nagawa niyang tapusin ang kanyang pag-aaral. Iyon nga lang ay malimit siyang ma-kick out sa mga exclusive school na pinapasukan niya. Nakapag-tapos siya ng Business Administration, ngunit kinailangan pang magbayad ng kanyang mga magulang upang maipasa niya ang ilang subjects na ibinagsak niya. After college ay hindi kaagad siya nagtrabaho sa kabila ng paghihikayat ng kanyang mga magulang na pag-aralan niya ang pasikot-sikot ng pagpapatakbo ng kanilang pag-aaring mga commercial banks.
Nagpatuloy siya sa pakikipagbarkada. Habang busy ang mga magulang niya sa negosyo, busy naman siya sa iba't ibang happenings kasama ang mga kaibigan. Later on, na-realize ng mga magulang niya na masyado na niyang sinasayang ang kanyang oras sa walang mga kuwentang bagay. Sinikap ng mga itong magkaroon ng oras at panahon sa kanya, ngunit hindi na iyon nakatulong upang maituwid ang baluktot niyang pag-uugali.
Until Ramonchito came into her life. He was the very first man she fell in love with. He was a simple civil engineer she met in a gathering. Marami na siyang nakikilalang guwapo at simpatikong lalaki, ngunit iba ang naramdaman niya rito. Ginising nito ang natutulog niyang puso. Parang may kapangyarihan itong humihigop sa kanya na hindi niya naiwasan.
Ipinakilala siya rito ng isang kaibigan. Iyon na sana ang simula ng makulay na mundo ni Bridget. But to her dismay, may gilrfriend na pala si Ramonchito sa katauhan ng isang Rafaela Paredes na ang mga magulang ay may pag-aari ding bangko. Sa katunayan, si Rafaela ang nagsama kay Ramonchito sa party na iyon.
Mula noon ay hindi na niya makalimutan si Ramonchito sa kabila ng nalaman niyang may girlfriend na ito. Napadalas ang pag-attend ni Bridget ng mga gathering dahil sa pagnanais na muling masilayan ang guwapong binata.
Pansamantala niyang nakalimutan ang pakikipagbarkada. Madalas ay bumibisita siya sa mga construction project na pinamamahalaan ni Ramonchito. Hanggang sa pinupuntahan na rin niya ang lalaki sa bahay nito sa Fillinvest II, Quezon City. Sa kabila niyon ay hindi naman siya nito gaanong pinagtutuunan ng pansin dahil nakasentro sa trabaho at kay Rafaela ang atensiyon nito.
Until Bridget found herself falling in love with the man.
Hindi nalingid sa kanyang mga magulang ang malaki niyang pagkagusto kay Ramonchito. Nang mga panahong iyon ay nanganganib na bumagsak ang kabuhayan ng pamilya ni Rafaela. Gusto niyang pagtakhan ang bigla na lamang pagpasok ni Ramonchito sa kanyang buhay isang araw, ngunit tinalong lahat iyon ng damdamin niya para dito na lalong pinayabong ng pagdaan ng mga linggo.
Sinabi ni Ramonchito na break na ito at si Rafaela. Then suddenly, siya na pala ang nililigawan ng lalaki. At dahil noon pa may lihim na pagtingin si Bridget sa binata ay hindi na niya ito pinahirapan pa. Wala pang isang linggo ay sinagot na niya ito.
Naging makulay ang kanyang mundo sa piling ng kauna-unahang lalaking inibig niya. Gumanda ang treatment ni Bridget sa kanyang mga magulang. Nagkaroon siya ng interes na pag-aralan ang pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Sinikap niyang magpakabuti. Ang lahat ng iyon ay dahil kay Ramonchito.
She was, indeed, very much in love with him kaya sa loob ng apat na buwan ng pagiging magkasintahan nila ay hindi na niya napansin ang mga sandaling malamig ang treatment nito sa kanya. Madalas ding pilit ang mga ngiting nakikita niya sa mga labi nito.
Isang araw ay nagulat na lamang si Bridget nang ipagtapat ni Ramonchito na si Rafaela pa rin ang mahal nito. Na nagkunwari lamang itong mahal siya dahil iyon ang hiningi ng kanyang mga magulang kapalit ng pagtulong ng mga ito sa papalubog na kabuhayan ng mga Paredes. Iyon lamang daw ang tanging paraang alam ni Ramonchito upang makatulong sa pamilya ng unang kasintahan.
Wala nang sasakit pa sa natuklasang iyon ni Bridget. Mag-iisang buwan na mula nang maghiwalay sila ni Ramonchito. Nag-iwan ito ng malaking sugat sa kanyang puso. Sugat na hindi niya alam kung kailan maghihilom. Ang tanging alam niya ay mahal pa rin niya ito hanggang nang mga sandaling iyon. At marahil ay hindi makakatulong sa pangungulila niya ang pagmumukmok niya.
She had to do something to win him back! Lalo na nang mabalitaan niyang si Rafaela ay girlfriend na ni Theodore Valdez, ang kapatid ni Ramonchito sa ama na isang doktor at may pag-aaring ospital sa Ortigas.
Sa naisip ay mabilis niyang inayos ang sarili sa harap ng malaking salamin. Sisiguruhin niyang magiging napakaganda niya sa mga paningin ni Ramonchito. Sisiguruhin niyang babalik ito sa kanya oras na makita siya nito. Kailangan. Dahil hindi niya alam kung paano maipagpapatuloy ang kanyang pagbabago nang wala ito sa kanyang tabi.
Nagulat na lamang sina Don Alfredo at Doña Antonietta nang lumabas siyang bihis na bihis na.
"Saan ka pupunta, hija?" nag-aalala pa ring tanong ng kanyang ina. Sa gulang na sisenta y tres ay maganda pa rin ito. Kay Doña Antonietta namana ni Bridget ang kanyang magandang kutis at figure.
"Isasama mo ba si Elpidio?" tanong naman ng kanyang ama na ang tinutukoy ay ang driver nila. He was sixty-eight and still energetic. Palaging naka-dye ng black ang buhok kaya hindi mahahalataang lampas sesenta na ang edad. Dito naman niya namana ang kanyang height.
Hindi pinansin ni Bridget ang sinabi ng mga ito. Nagtuloy-tuloy siyang pumanaog sa matarik at paikot na hagdan. Magkayakap at parehong nag-aalala ang mga ito nang ihatid siya ng tanaw hanggang sa ibaba ng bahay. Nagmamadali siyang sumakay sa kanyang magarang kotse at pinaharurot iyon sa kahabaan ng daan.
"SI THEODORE na ang mahal ko... I'm sorry."
Paulit-ulit na gumigiit sa isipan ni Ramonchito ang sinabing iyon ng dating kasintahan na si Rafaela nang huling makausap niya ang dalaga. Nakahiga siya sa kama at nakatitig sa kisame nang umagang iyon. Wala siyang ganang magtrabaho kahit ayaw niyang maantala ang kanyang mga proyekto nang dahil sa problema sa kanyang puso.
Mag-iisang buwan na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila ni Rafaela. Nang mga panahong nanganganib ang kabuhayan ng pamilya nito ay pumayag siyang makipagkasundo sa mga magulang ni Bridget.
Nagkunwari si Ramonchito na may pagtingin kay Bridget kapalit ng pagtulong ng mga magulang ng babae sa papalubog na kabuhayan nina Rafaela. Ginawa niya iyon sa laki ng pagmamahal niya sa dating kasintahan. Napasubo siya sa una. At huli na nang tanggapin niya ang tulong ng kapatid sa amang si Theodore.
Si Theodore Valdez na siyang nakasama ni Rafaela nang talikuran ni Ramonchito ang dalaga. Pagkatapos ng mga problema sa kabuhayan ay tinangka niyang makipagbalikan kay Rafaela ngunit huli na pala ang lahat. Napamahal na rito si Theodore.
Ngayon ay naiwan si Ramonchito na nasasaktan. Mahal pa rin niya si Rafaela. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya natutunang mahalin si Bridget sa loob ng apat na buwang pagkukunwari. Besides, hindi nito taglay ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae.
Napakamoderna ni Bridget kompara kay Rafaela. Aside from that, spoiled brat, stubborn, at manipulative ito. Sa alta-sosyedad na ginagalawan nito ay kilalang-kilala rin itong mapaglaro sa mga lalaki. Kung sino-sino na raw ang naging kasintahan nito. At marahil ay pansamantala lamang ang pagkahumaling nito sa kanya. Isang araw ay ididispatsa rin siya nito katulad ng ibang mga lalaking dumaan sa buhay nito. Kaya hindi siya naniniwala sa mga magulang nito na sincere ito sa kanya. Hinding-hindi niya maiibigan si Bridget. Ang alam niya ay hindi ito marunong magmahal.
Sunod-sunod na katok sa pinto ang pumukaw sa kanyang pag-iisip. Bago pa niya nagawang sumagot ay bumukas na ang pinto at iniluwa ang babaeng laman ng kanyang isip.

The Bachelors 04: Ramonchito; The Engineer By Elizabeth McbrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon