Prologue

6 1 0
                                    

Sa isang nakatagong isla malapit sa baybayin ng Greece, isinulat ng kasaysayan ang isang labanang yumanig sa langit at lupa. Ang mga diyos ng Olympus, pinangunahan ni Zeus, ay nagtagumpay laban sa mga Titans, mga nilalang na minsang nagharing-mataas sa mundo. Sa wakas, napabagsak ang mga ito at ikinulong sa Tartarus, isang madilim at walang hanggang kulungan. Ngunit sa kabila ng tagumpay, may ilang Titans na nakatakas, nagkukubli sa anino ng mundo, dala ang isang sumpang pabagsakin muli ang Olympus sa tamang panahon.

Makalipas ang libu-libong taon, isang dalaga ang isinilang sa modernong panahon—si Aeiliana Selene Devereux, isang simpleng mag-aaral na ang tanging nais ay tahimik na buhay. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, siya'y tagapagmana ng kapangyarihan ng kanyang ina, si Aphrodite, ang diyosa ng pag-ibig. Ang kanyang kapalaran ay biglang mababaligtad nang makilala niya si Kieran Alaric Vanderbilt, isang misteryosong binatilyo na tila may iniingatang lihim. Sa ilalim ng kanyang ngiti at lakas, taglay niya ang dugo ng Titan na si Hyperion, ang diyos ng liwanag.

Sa muling pagbabalik ng panganib, magtatagpo ang mga tagapagmana ng liwanag at pag-ibig. Ngunit sa kanilang mga ugat ay dumadaloy ang kapangyarihang maaaring magligtas o tuluyang wawasak sa mundo.

Crowned ChaosWhere stories live. Discover now