ang usapan nila eya

29 0 0
                                    

Sya pinakamakapangyarihan dito sa pamilyang Sandford at kahit kelan hindi ko nagawang sumuway sa kanya, wala akong sapat na lakas ng loob kaya ngayon pa lang humihingi na talaga ako sayo ng pasensya kung anu't anuman ang mangyayari at wala akong maitutulong." "Eh lasunin nyo na lang kaya yun para dedo na tutal matanda nanaman diba?" pero syempre joke lang hindi yan ang sinabi ko, marunong naman akong gumalang. Kaya tumango lang ako sa kanya at sinabing, "Naiintindihan po kita, Mr. Sandford." "Sige, maiwan na muna kita dyan. Hintayin mo na lang si Cross makabalik." "Ok po." lumabas na si Mr. Sandford ng kwarto at naiwan akong mag-isa dun. Nagikot ikot ako sa kwarto kasi hindi ako mapakali tapos biglang napansin ko sa isang sulok si EYOSS bear, yung regalo sakin ni Cross. Hindi ko nga pala nai-uwi ito dahil sa mga pangyayari kagabi, grabe ano kaya nangyari sa party nun pagkatapos? Kasi umalis ako tapos umalis din si Cross na hindi ko alam kung saan nagpunta. Ohwell, that's the best and worst party for me pero hindi na mahalaga yun, basta maayos na rin kasi hindi talaga kami magkadugo ni Cross. Ang liit naman kasi ng mundo noh? Sa lahat lahat naman kasi ng makikilala ko at magugustuhan ko ay yung tao pang muntikan kong maging kapatid. Eh siguro kung hindi ko na-meet si Cross, wala siguro akong pinoproblema ngayon. Bakit ko ba kasi napiling magtrabaho dito sa mga Sandford--- wait lang... diba si Benjo nagpakilala sakin sa mga Sandford? Diba sya nagbigay sakin ng trabahong ito? Nung mga panahong nagigipit ako at tumawag ako sa kanya para magtanong kung may modelling job offer sya sinabi nya saking wala syang maiooffer na trabaho sakin noon nung mga panahong yun pero bigla nyang sinabi sakin na may isang pamilyang naghahanap ng maid? At ito na nga ang pamilyang iyon na ngayon ay pinagtatrabahuhan ko. *flashback* "Pero kung kailangan mo ng pera talaga at matitirhan, mayroon akong alam na trabaho..." "Teka, hindi ako natanggap ng trabahong illegal ah. Wala akong balak maging drug pusher." "Tange! Hindi yun. Parang maid slash personal assistant ng isang kilalang model." "Eh? Maganda sana offer mo kaso hindi ko kayang maging personal assistant lalo na at may schooling ako. Edi ba pag assistant kelangan halos 24/7 ready? Lalo na at model pa ang boss mo, kelangan kasama lagi sa shootings. Hindi naman ako pedeng magcutting sa school." "Don't worry, sa Willford din sya napasok. Ang totoo nga nyan, matutuwa pa ang mga parents nun kapag nalamang ang magiging personal assistant ng anak nila ay nasa parehas na school lang. Kunin mo na 'tong offer na 'to, 10thou a month plus weekday bedrooms." "Wow. 10thousand! Malaki nga pero wait, anong ibig sabihin ng weekday bedrooms?" "It means sa kanila ka titira every weekdays. Sa ganung paraan, libre ka na sa apartment. Kung poproblemahin mo naman ang weekends, pede mo na sigurong pakiusapan ang auntie mo na babayaran mo na lang ang weekend stay mo sa kanila, so what do you think about it?" "It's brilliant! I'm so taking that opportunity!" "Good. This is the address..." *end of flashback* WALANGYANG YUN. Wag mong sabihin saking sinadya nyang lahat ng ito? Ibig kong sabihin, kung alam nya ang tungkol kay mama Althea at sa mga Sandford... bakit nung una pa lang... dinala nya na ako dito sa mga Sandford at sya pa nagsuggest sakin na dito magtrabaho sa kanila? Wait lang ha. Anong kabaliwan ang pumasok sa Benjo na iyon? Sinasadya nya ba ang lahat ng ito? "Nakuu Eyoss," nilapitan ko yung bear at kinausap ito, "Patay sakin yun si Benjo pag nakita ko ulit. Kakausapin ko nga iyon at kokomprontahin." >__< Tapos to say na pinakilala ko rin sa kanya si Cross at umakto syang parang hindi nya kilala ito? Uupakan ko talaga yun si Benjo, kelangan nyang magpaliwanag sakin! Niyakap ko na lang si EYOSS bear at pinatong ang ulo ko sa ulo nito, "Haay, antagal naman ng tatay mo este ni Cross pala. Nakakainip maghintay. Hmfff." "Ano na kayang nangyayari dun at ano naman kaya mga pinaguusapan nila ng lolo nya?" nakatingala lang ako sa may kisame habang yakap yakap ko pa rin yung malaking teddy bear, "Anong sa tingin mo Eyoss? Kontra kaya sakin yung lolo nya? Ipagtatanggol kaya ako ni Cross? Naku Eyoss, pag ako hindi nya pinagtanggol... ano... umm, malulungkot ako." Maya maya naitulak ko yung bear, "Baliw na ata ako, pati teddy bear kinakausap ko." =__= --- After 1234567890 years, nakabalik din si Cross sa kwarto nya. "Oh anong nangyari?" lumapit agad ako sa kanya para magtanong, he has this very twisted facial expression. "Wala wala." bigla nyang pinatong yung ulo nya sa balikat ko tapos narinig kong bumuntong hininga sya. "Ha? Anong wala wala? Edi ba kinausap ka ng lolo mo? Anong sabi?" "Wala wala." "Anong wala wala? Eh halos isang oras akong naghintay sayo dito tapos wala wala ang isasagot mo? Seryoso naman, sabihin mo sakin kung ano napagusapan nyo. Uy," ginalaw galaw ko balikat ko na pinagpapatungan nya ng ulo nya. "Wala nga." "Weh? Eh bakit ganyan expression ng mukha mo? May sinabi ba syang masama? Or against ba sya sa relationship natin? O ayaw nya sakin? O ano? Wag ka naman ganyan, i-share mo naman sakin napagusapan nyo, wag mo namang sarilinin oh." "Manahimik ka nga!" nabigla na lang ako nang bigla syang sumigaw tapos niyakap nya ako ng sobrang higpit, "Shut up for 10minutes." "Ha? Oy maso-suffocate ako, ano bang problema mo?" "Shut up!!!" "Eh a---" "If you don't shut your mouth, I'll kiss you." =__= Mouth shut. Psh. Ano ba kasi problema nito? May pahug hug pa ng 10minutes na nalalaman? Tapos bawal pa akong magsalita? Tapos sasabihin nyang walang nangyari eh ganto yung inaasal nya? Kamusta naman yun diba? Arghhh. Ewan ko kung nakaka-10 minutes na ba o wala pa pero bigla syang nagsalita... "CB..." hindi ako sumagot sa pagtawag nya sakin, kasi bawal nga ako umimik diba? "Remember, there's only one way to say those three words for you..." Inangat nya yung ulo nya tapos tinignan ako ng diretso sa mga mata at napapikit ako ng mga mata ko ng halikan nya ako sa noo, "I love you." "Umuwi ka na muna sa inyo." "E-eh?" medyo hilo pa ako sa paghalik nya sa noo ko at sa sinabi nya. "Umuwi ka na." "B-bakit?" "Umuwi ka na sabi." "Bakit nga?" "Wag ka ng makulit okay? Uwi na!" bigla nya akong tinulak palabas ng kwarto nya. "Ano ba, oo na oo na! Uuwi na! Saglit kukunin ko lang si Eyoss!" pinuntahan ko si Eyoss bear sa may sulok ng kwarto ni Cross at kahit anlaki nito eh nagawa ko namang madala papuntang pinto, "Oo, eto na. Uuwi na kami ni Eyoss!" Aalis na sana talaga ako kaso bigla nya akong niyakap mula sa likod, "Eh ano ba talaga? Pinapauwi mo ako tapos bigla mo akong yayakapin? Paano naman ako makakauwi nyan?" Kumalas na ulit sya sa pagkakayakap at tinulak ako ng mahina palabas ng pinto ng kwarto nya,"Bye, ingat ka." Pagkatapos nun, sinarhan nya na pinto ng kwarto nya. Ewan ko ba kung talagang mataas ang paranoia level ko o sadyang malungkot lang yung mukha ni Cross nung sarhan nya yung pinto ng kwarto nya at banggitin nya ang mga katagang, "Bye, ingat ka." Kahit medyo naguguluhan ako eh nagkibit balikat na lang ako at umalis na ng bahay nila.

Woohhh wala paren bang nagpaparamdam...tsss...

Pagod na ako...wahhh
Mamatay na ang dakilang monster niyo na napakaganda hahaha

Diary ni EyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon