dati kami ay bata late 90's

120 2 0
                                    

Sa kabila ng mabilis na ebolusyon ng
teknolohiya noong 90's hanggang early 2000
kung saan nagsimulang sumiklab ang computer
kasama ang mga gaming device tulad ng
family computer, napakaswerte mo kung isa ka
sa mga batang:
Nakapaglaro sa loob ng nakaparadang jeep.
Nakapaglaro sa mga nakatambak na
buhangin.
Nakapaglaro sa loob ng mga
abandonadong bahay.
Nakapaglaro sa isang malawak na
bakanteng lote.
Nakapaglaro sa kalsada.
Nakapaglaro ng patintero.
Nakapaglaro ng tayatayaan, bente uno, ice
ice water, langit-lupa at iba pang takbuhan
at tayaan ang eksena.
Nakapaglaro ng tumbang preso.
Nakapaglaro ng tagu-taguan o bangsak o
taguang tsinelas.
Nakapaglaro ng moro moro.
Nakapaglaro ng chinese garter o ten-
twenty.
Nakapaglaro ng sekyo o agawan base.
Nakapaglaro ng teks na komiks o dragon
ball ang design.
Nakapaglaro ng jolen.
Nakapaglaro ng POGS (yung sa coke ha).
Nakapaglaro ng tetu.
Nakapaglaro ng lupa o putik.
Nakapaglaro ng bahay-bahayan na may
halong lutu-lutuan.
Nakapaglaro ng mga larong kamay at
boses lang ang gamit (ex. BC Apple,
Nanay-Tatay, Pass the Message, etc.).
Nakapaglaro ng touching (pwedeng tansan
o kaya tautauhan).
Nakapaglaro ng tamaang bata.
Nakapaglaro ng tamiya at beyblade para sa
mga lalaki.
Nakapaglaro ng barbie at paper doll para
sa mga babae.
Nakapaglaro ng trumpo.
Nakapaglaro ng yoyo.
Nakapaglaro ng sipa.
Nakapaglaro ng finish.
Nakapaglaro ng saranggola.
Nakapaglaro ng tirador.
Nakapaglaro ng piko o step no/yes.
Nakapaglaro ng luksong tinik at luksong
baka.
Nakapaglaro ng Dr. Kwak Kwak.
Nakapanuod ng Ang Batibot.
Nakapanood ng SIneskwela.
Nakapanood ng Hiraya Manawari.
Nakapanood ng Math Tinik.
Nakapanood ng Ang TV.
Nakapanuod ng mga banyagang cartoons
at palabas tulad ng Voltes V, Power
Rangers, Sailor Moon at mga kasabayan
nito.
Naranasang maging madungis.
Naranasang madapa at magalusan.
Naranasang magipon ng tansan at habulin
ang trak ng coke para maipalit sa
kotsekostsehan ng coke.
Naranasang umiyak dahil hindi sinali sa
laro.
Naranasang pauwiin ng nanay gamit ang
pamalo.
Naranasang umakyat ng puno.
Naranasang tumambay sa bubong.
Naranasang pagpawisan ng todo.
Naranasang mainggit sa mga batang
naglalaro sa labas dahil ikaw ay hindi
pinayagan.
Marami pang iba kaya lang hindi ko na
matandaan, tumatanda na kasi ako.
Kung kahit sampu diyan eh naranasan mo, isa
ka sa mga tinataguriang tunay na batang 90's.
At dahil dun, congrats, dahil napakahusay ng
iyong kabataan.
Napakasarap nga namang maging bata pero
tapos na ang oras natin para doon. Kailangan
din nating maging seryoso dahil tayo ay
tumatanda na. Pero ito lang ang maipapayo
ko:
"Huwag mong kakalimutan kung paanong
minsan, ikaw ay naging bata."

Nakakamiss ung mga panahon na...
Naaalala ko pa yung araw na kapag may
project sa school pupunta pa sa Computer
Shop para lang mag rent at gamitin ang
Microsoft Word + Alt tab ng Onti sa Friendster
+ Chat ng Onti sa Yahoo Messenger or mIRC.
Tapos nun wala na pahinga na sa bahay at
makikipaglaro na sa labas. Kamiss yung ganun
no?
Tipong bago mo magawa yung Assignment mo
eh bibigyan mo muna ng Testimonial yung
kaibigan mo. Kasi nag request siya sayo, dahil
daw kapag binigyan mo siya eh bibigyan ka rin
niya. Tapos yung testimonial niyo mag
uumpisa sa
" Etong si " Insert name here" ? Naku!
Napakabait na kaibigan niyan! Palaging
nanlilibre, tapos maasahan talaga sa oras ng
pangangailangan! Napaka down to earth ng
taong yan! Chuba chu chu chenes chuva eklabu
at kung ano ano pang pambobola na sasabihin
sa kaibigan. Kaya nakakatuwa may testi dati.
May matching glitters pa nga at Youtube Video
eh. Sasabihing para sa kanya yung Lyrics ng
kanta". Minsan naman nauubos kakahanap sa
Internet o Photobucket o kaya naman sa
Glittergraphics para maganda ang itsura.
Tapos titignan yung "Who's Viewed Me".
Tapos nun Log Out na!
Tapos humahaba pa lalo yung Rent mo dahil
napupunta ka sa mga Clan Chatrooms sa
Yahoo Messenger dahil kasama ka sa isang
Clan. May mga Clan Wars pa nga dun eh, yung
sakupan ng mga Clan sa isang Chatrooms.
Tapos ang usong laro lang dati sa YM eh yung
Billiards. Kamiss no?
Astig lang ng karanasan ng mga 90's People
dati. Haha!
Ito ang pantasya ng bawat kabataan dati.
Magkaroon ng "Magic Pencil". Ganda kasi ng
Lapis na to. Kapag naputol. Huhugutin mo lang
at ilalagay uli sa dulo ang naputol na "Lead"
para matulis ulit. 12 Pesos ang halaga nito
dati sa School Supplies. May mga sampung
piso din depende sa Design. May mga Hello
Kitty, mga Power Rangers at marami pang iba.
Talagang pagandahan pa dati ng Magic Pencil.
Yabangan ang uso dati sa mga estudyante.
Tapos dati hindi ko pa alam na may pambura
pala sa dulo yun. May nakatakip lang na
plastik kaya bumibili pa ko ng pambura dati.
Dati kapag walang magawa sa Classroom
paulit ulit lang na tinatanggal ang bala ng
Magic Pencil at ibabalik lang ulit. Tapos kapag
nawala yung isang bala dahil sa kakalaro. Wala
ng kwenta, itatapon na agad dahil walang
pampigil kasi hindi na sakto. So ang tendency
itatapon or bibili na lang ulit ng bago.
Haay! Nakakamiss gumamit ng Magic Pencil!

dati'y kami ay bataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon