dati kami ay bata late 90's

69 0 0
                                    

Ano ang naaalala mo?
Isa ka ba sa mga oldies ngayon na pilit na
binabalik-balikan ang mga masasaya,
malulungkot, at malufet na mga pangyayaring
nagbigay-kulay sa buhay nating mga Pinoy?
Isa kang ganap na Batang 90's kung:
1. nahilig ka sa World Wrestling Federation at
napanod ang "Montreal Screw Job" sa pagitan
nila Bret Hart at Shawn Michaels.
2. naadik ka at naubos ang oras mo sa
paglalaro ng Brick Game.
3. kilala mo si Dino Ignacio na nagpasikat kay
Bert ng Sesame Street in a very unique way.
4. naabutan mo ang "Lunch Date" at "SST" sa
Siete kung kailan sikat na sikat si Randy
Santiago.
5. nahilig ka sa mga kanta ni Andrew E. at
pinilahan sa mga sinehan ang kanyang mga
pelikula.
6. sinubaybayan mo ang mga turo ni Brod Pete
sa Dating Doon na isang segment ng Bubble
Gang.
7. nakita mo ang development ng sinaunang
videoke hanggang sa maging hi-tech ito.
8. natatakot kang mamatay ang inaalagang
tamagotchi.
9. nakapanood ka ng isa sa mga milyung-
milyong massacre movies a.k.a. "pito-pito
movies" ni Direk Carlo J. Caparas.
10. naniniwala kang nanganganak ang mga
mababangong kisses at may taong-ahas sa
Robinsons.
11. nakita mo kung paano umusbong sa
kahabaan ng EDSA ang Megamall, Galleria, at
Shangri-La.
12. alam mo ang tsismis na kapag binaligtad
ang kantang "Pare Ko" at "Banal na Aso,
Santong Kabayo" ay may maririnig kang mga
demonic messages.
13. alam mong nanalo ang presidenteng may
malufet na carabao English.
14. isa ka sa mga nangarap na sana ay hindi
kailanman ma-disband ang Eraserheads
15. napanood mo ang concert na "MTV
Alternative Nation Tour" sa Araneta kung saan
tumugtog ang Foo Fighters, Beastie Boys, at
Sonic Youth.
16. nagulat ka nang isang araw paggising mo ay
ipinapalabas sa teevee na tinitira ni Tito Sotto
ang mga kantang "Alapaap", "Laklak", at "Elesi"
dahil sa masamang mensahe daw nito sa mga
kabataan.
17. araw-araw mong kasama sina Mario at Luigi
sa Family Computer para sagipin ang princess.
18. may mga paborito kang kanta tulad ng "Cold
Summer Nights".
19. mahilig ka sa mga alternative bands na
sumikat sa Tate.
20. mayroon kang mga cassette tapes na
produced ng Tone Def Records.
21. nangarap kang sana ay magkaroon ng
reunion concert ang Eheads matapos silang
madisband.
22. kilala mo ang trio nila Mark, Eric at Jomari.
23. isa ka sa mga engot na akala ay
nakakalasing ang Cali.
24. napanood mo ang first episode entitled
"Rubber Shoes" ng MMK starring Romnic
Sarmienta
25. isa kang pakanton na mahilig kang kumain
ng Lucky Me! Instant Pancit Canton.
26. kilala mo ang sikat na pamilya ng
Springfield.
27. natutuwa ka kahit naiirita sa tuwing naririnig
si Punk Zappa.
28. alam mong hindi shawerma ang tawag sa
shawarma.
29. isa ka sa mga kabataang gustong matuto ng
pagtugtog ng gitara para makapagbuo ng sariling
banda.
30. inlababo ka kay Alicia Silverstone na bumida
sa ilang music videos ng Aerosmith.
31. alam mong hindi original ng TGIS ang
kantang "Dyslexic Heart" ni Paul Westerberg.
32. kilala mo kung sino ang nagpasikat ng
kantang "Multong Bakla".
33. mahilig kang manood ng "Headbanger's Ball"
ng sinaunang MTV sa Channel 23.
34. ginagaya mo ang grunge fashion ng Nirvana
at iba pang Seattle bands.
35. inaabangan mo kung ano ang mga bagong
laruang ipapakita sa "Uncle Bob's Lucky Seven
Club".
36. na-exercise ang fantasizing abilities mo sa
tulong ni Xerex.
37. bilib ka sa 4-peat ng "Growling Tigers" kahit
na 'di ka taga-uste.
38. mayroon kang nakasukbit na beeper sa
baywang mo.
39. naniniwala kang isang alamat ang
kasaysayan ng Zagu.
40. alam mong "Kung walang knowledge, walang
power".
41. bumili kayo ng matinding antenna para
makasagap ng sinaunang UHF Channel.
42. alam mong tugtugin sa gitara ang "Plush
(kahit intro lang)" ng Stone Temple Pilots.
43. alam mo ang love story nina Kevin Arnolds
at Winnie Cooper.
44. habit mo ang pagba-Batibot.
45. isa ka sa mga batang nangarap na sana ay
kasing-bibo at kasing-cute mo si Macaulay
Culkin noong totoy pa siya.
46. alam mo ang silbi ng Blue Magic at Gift Gate
kapag Pasko at balentaympers.
47. nakikisawsaw ka sa usapan sa kung sino
talaga ang pumatay sa mga Vizconde.
48. kilala ang babaeng pumutol ng kaligayahan
ng kanyang asawa.
49. nabubwisit ka sa tuwing makakakita ng
event na may "palooza" sa hulihan.
50. alam mong rip-off ang kantang "Stay" ng
Cueshet mula sa "The Greatest View" ng
Silverchair.
51. aliw na aliw ka sa pagmumukha ni Rene
Requiestas.
52. naramdaman mo ang pagyanig ng Luzon
noong July 16, 1990.
53. kilala mo ang tropa nila Guile, Ken, at Ryu.
54. nakikanta ka sa "Bed of Roses" ni bunjubi.
55. elibs ka sa galing ni "The Magician" sa
paglalaro ng bilyar.
56. nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na
nasunog na Ozone Disco.
57. namimili ka sa kung ano ang panonoorin,
"TGIS" o "Gimik".
58. alam mo ang istorya ng "Take it, take it" sa
MMFF Awards.
59. nalaman mong cool pala ang maging bobo
nang makilala mo sina "Beavis and Butt-Head".
60. alam mo ang ibig sabihin ng mga acronyms
na "TF" at "ST" na isang genre ng pelikula.
61. nasaksihan mo ang hidwaan sa pagitan ng
mga metal at mga hip-hoppers.

dati'y kami ay bataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon