KUNG ANG mga mommy at daddy natin na
product of 60's ay tinatawag na Baby Boomer
at Generation 80's naman sila ate at kuya.
Papahuli ba tayo? Siyempre, hindi. Tayo kaya
ang pinakasikat sa lahat, Batang 90's yata 'to!
Batang 90's ka kung na-experience mo ang
lahat ng ito:
1. Bago ka pumasok sa school, nanood ka
muna ng Sineskwela, Mathinik o kaya
Hiraya Manawari. Kung minsan nga
assignment pa ito nila teacher.
2. Napasayaw ka na ng Ocho Ocho, Pamela
One, Angelina, Asereje, Tsokolate at ang
pinakasikat sa lahat, ang Spaghetti
Pataas at Pababa sabay sigaw pa ng Get
Get Out mala-Sex Bomb.
3. Kinanta mo na sa Karaoke ang Itsumo, Hit
Me Baby One More Time, Someday We'll
Know, Let's Get Loud at mga kanta mula
sa bandang Hale, Southboarder, MYMP,
Callalily, at ang hit na hit na bandang
Parokya ni Edgar!
4. Hindi ka puwedeng matulog sa hapon
nang hindi mo napanonood ang mga
favorite anime TV shows na Naruto,
Dragon Ball Z, Street Fighter, Hunter X
Hunter, Slamdunk at ang all time favorite
na Voltes 5 na kahit theme song na may
Japanese na lyrics ay memorize pa rin.
5. Ang favorite cartoon characters mo ay
sina Mojako, Doraemon, Mirmo at hindi si
Spongebob.
6. Kung babae ka, ginaya mo ang mga
hairstyles ni Jolina na kay raming abubot
sa buhok, may butterfly, may flowers.
7. Bago ka pa maging KathNiel fan ngayon,
minsan din sa buhay mo, kilig na kilig ka
sa tambalang Jolina at Marvin, Kristine at
Jericho, Juday at Wowie, Juday at Piolo
at Claudine at Rico.
8. Paboritong kainin ang MikMik, Sweet Corn,
Clover bits, iced gem, yak baby at ang
ostiya candies.
9. Naglalaro ka ng tagu-taguan, agawan
base, tumbang preso, bump sack, pick and
split, one by one, 10 - 20, at langit lupa
na hindi puwedeng mag-umpisa ang laro
nang 'di kinakanta ang "Langit lupa
impyerno in in impyerno saksak puso tulo
ang dugo patay buhay umalis ka muna
diyan sa puwesto mo".
10. Tuwing Pasko, nangangaroling ka kasama
ng friends mo at gumagawa pa ng
improvised tambourine mula sa tansan.
11. Hindi iPad, iPhone o laptop ang past time
mo kundi pogs at tex. Minsan pa nga ay
gagamba o'di kaya'y salagubang.
Kay sarap nga namang balikan ang mga alaala
na ito. Hindi mapapantayan ng kahit ano ang
saya natin sa ating mga kinagawian noon. Kung
ang hawak-hawak ng new generation kiddos
ngayon ay mga nagmamahalang iPad at
cellphone, dapat mas maging proud pa tayo
dahil kahit sa mga simpleng bagay tulad ng tex,
pogs at chinese garter, naging masaya na tayo.
Be proud! Tatak 90's 'yan!
Ung iba pang nakakaalala... tiyak nmn my nagawa or naalala ka sa mga to....
Dati tayo pa ang mga bini-baby, ngayon tayo na
mga ate, kuya, nanay, tatay, ninong, ninang,
abay...lahat na. Pero, bilib din naman ako sa
genre na to dahil nasa pagitan tayo ng
modernisasyon at pananatili ng 'konting' values
dahil sa GMRC class. Haha. Di tulad ng psp at
xbox era ngayon. Shet na malagket, marunong
din naman tayo nun.
Isa-isahin nyo to at pag natawa kayo, nangiti,
may naalala, syurbol akong batang 90's ka!
1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog.
Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas
sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue
pa.
2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo
maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay
collection mo pa rin yun.
3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa
sanga ng puno.
4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na
tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang
mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari
store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street
Fighter at Tetris.
7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit
pinapagalitan ka ng nanay mo.
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas
kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung
kulay.
9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt
sa bahay nyo. Madalas number 23 pa
yung nakalagay.
10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing
tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na
kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing
tanghali di tulad nung panahon natin.
11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas
na pari o bigas sa sugat mo kapag
hindi nilagyan ng alcohol pero in the end,
betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly
hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito)13.
Kung medyo may pera ang pamilya nyo,
nagpabili ka ng Polly Pocket.
14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa
pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may
bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para
mabilis manganak.
15. May free stickers ng Disney movies sa loob
ng Maggi noodles.
16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti,
Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng
trade lang.
18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng
Brick Game, at swerte yung mga may advanced
version na may tumatagos na blocks para
mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka
kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain
mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung
namatay na. At kung talagang kaya nyong
bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka
talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob
tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa
stick na maliit.
19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka
muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice
water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso,
pepsi seven up at agawan base. Di bale
nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng
classroom.
20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to
hell" kapag tingin mo nagsisinungaling
sya. "Cross my heart, hope to die" kapag
nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto
mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang
lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung
factory ng pambura".
21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan
sa dalawang side taposmaraming attachments
like magnifying lens, book stand, compartments
na maliliit tapos push button pa. Minsan sa
ibabaw ng pencil case meron pang maze, may
maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung
pencil case para gumulong yun, hanggang sa
matapos yung maze.
22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung
elementary ay may mukha ng artista
23. Sa coleman mo inilalagay ang tubig na baon
mo sa school.
24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa
ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell
phone.
26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell
phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon.
Family Computer pa lang, yung cartridge
yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle
City at Rambo.
28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family
Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick
game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching
guard, Troll collection.
29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta:
"Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa
long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga
kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".
30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All
4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (Andsay,
Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!),
"Zombie" by Cranberries.
31. Sumasayaw ka ng Macarena.
32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may
favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga,
may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa
mga sumikat na boy bands.
34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta
ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni
Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid,
Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at
kung anu-ano pang pinoy bands.
35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag
gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo
kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis
paulit-ulitin.
36. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the
World", "Tell the World of His Love",
"Jubilee Song", etc.
37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain
Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng
mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan
kayo.
38. Di ka papagalitan ng magulang kahit
magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo
ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela,
kung saan nakilala mo sila Teacher Waki,
Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila
lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o
sa jeep na lumilipad.
39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang
Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si
Goku.
40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V
kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato
ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb
lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra
Bulate!"
41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng
Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo
mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo
ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na
kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod,
sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang
katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."
42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting
Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood
mo pa nga yung movie version ng Sarah ang
Munting Prinsesa with Camille Prats.
43. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang
Prinsesa" with Camille Prats and
Angelica Panganiban.
44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam
mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang
sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga
mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie
at Ate Sheena.
46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng
show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima..
anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-
labingdalawa... labingtatlo... labingapat-
labinglima...
47. Napanood mo ang Batang X.
48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng
Marimar.
49. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka
Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan
ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake",
"Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles".
50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga
sya mang-api kay Mara.
51. Pinanood mo din yung "Villa Quintana",
"Esperanza", "Anakarenina" atbp.
52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday
and Wowie. Jolina and Marvin.
53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy
hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside
me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya
lang I'm fat."
54. Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado,
pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang
Chicken Joy".
55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang
Mel and Jay.
56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong
nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang
mundo sa year 2000, at yung mga computer daw
bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala
na daw ang technology.
57. Chinese variety shows ang palabas tuwing
umaga ng linggo.
58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng
Shake, Rattle and Roll movies.
59. Narinig mong i-announce sa radyo yung
death ni Princess Diana. Biglang nauso
yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's
Rose."
60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood
ninyo sa bahay.
61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo
di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal
ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at
Rose. Haha.
Madami talagang nakakatuwang part ang buhay ng mga batang 90's ahaha... kaya nga kung tatanungin mo ko... mas gusto ko ang buhay nung kami ay mga bata pa....
BINABASA MO ANG
dati'y kami ay bata
Sonstigesthrowback stories of our childhood.... puro laro lang at kalokohan...
