Chapter 04

119 2 0
                                    

"OMG! Is this for real?" Tila kinikilig na komento ng matabang estudyante na nasa unahan nina Ayenne at Jitreel.

Hindi tuloy sila makapasok ng library dahil humarang ang mga ito bigla sa may gawing pintuan.

May kasama itong beki na pinaghili ata sa dingding dahil daig pa nito ang graffiti at mural sa kapal ng make up nito sa mukha. Haha!

"Nakatingin sa akin si Tristan. I can't believe this. Oh my, mahihimatay ata ako." Nagpaypay ito ng kamay.

"Truly? Nasaan siya girl?" Tila naexcite din ang baklang estudyante. Inilibot nito ang paningin.
"Nasaan si papa Tristan. Nasaan???" Tanong nito. Nahawa din ata ito sa kasamang kaklase. Exaggerated makareact.

Napailing si Ayenne.
"Ano bang problema ng dalawa ito?" Bulong ng dalaga. "Kulang na lang maglupasay sa sahig eh."

"Ayun oh, sa dulo. Bandang kaliwa girl." Pasimpleng sagot ng matabang estudyante. Hindi ito nagpahalata.
"Eeeeh! Ang gwapo talaga niya!"

"Where ba?" Hinanap ng beki ang itinuturo ng kaibigan. "Where's my boyfriend?" Malanding tanong nito.

Grabe! Assuming ha!

"Oh my, si papa Tristan nga!" Sa wakas nakita din ito ng beking estudyante.
"Anong gagawin ko? Sa akin yata siya nakatingin. Type niya ba ako?" Nagpacute ito. Naghawi ito ng buhok sa gilid ng tenga.
"Hindi pa man siya nanliligaw sasagutin ko na talaga agad siya. Promise."

Muntik ng matawa si Ayenne.
"Ayos ah. Ang aga-aga lumalandi na agad?" Bulong pa rin nito. Tiningnan nito ang suot na relo.

"Ano ba? Ang tagal niyo naman."
20 minutes lang kasi ang break time nila.

"Excuse me girl, sa akin siya nakatingin noh!" Nagpacute din ang matabang estudyante.
"I love you talaga, my Tristan." Namumula na ito.
"Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang."

"Kahit ang magpapapayat gagawin ko para lang sayo!"

Toinks! ^_^ haha.

"Ah, excuse lang din ha. Pwedeng makiraan?" Sa wakas nagsalita si Jitreel. May sarcasm ang tono nito.

"Nakaharang kasi kayo sa daan eh." Itinuro nito ang papasok ng pinto.

Pero hindi ata ito narinig ng dalawa. Haha.

Tuloy lang ang pag-deday dreaming ng mga ito.

"Aba't - - - -" Nakaramdam ng pagkainis si Jitreel. Kinalabit nito ang babae.
"Miss, sabi ko pwedeng makikaraan? Nakaharang kasi kayo sa pinto.

"Please lang!"

"Nagmamadali kasi kami." Pinagdiinan nito ang mga huling sinabi.

#go go go Jitreel!

Tila natauhan naman ito.

Pero sumimangot ito bigla.

"Istorbo naman oh." Reklamo nito. "Panira ng moment."

Nagulat si Jitreel sa narinig pero hindi niya pinahalata. 0_0 Haha!

Ano raw?

Moment?

Wow ha!

Nagmamaganda ha!

E di ikaw na! Haha.

"Kakaimbyerna naman!" Sagot naman ng beking estudyante. Tinaasan siya ng kilay nito.
"Kala mo kung sinong maganda."

What??? 0_0

Muntik na talagang mapatawa si Ayenne. Nagpigil lang siya sa narinig na reaksyon ng dalawang estudyante masama ang pagkakatingin sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oh My Ninja GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon