St. Paul University
♡♡♡
"Girls, nabalitaan niyo na ba ang balitang kumakalat sa buong school? " Tanong ni Arielle sa mga kaklase na nag-uusap sa isang sulok ng silid na iyon. Kalalabas lang din halos ng professor nila.
"Grabe, hindi kayo maniniwala dito!"
Napalingon si Ayenne sa direksyon ng mga kaklase. Wala naman talaga siyang balak makinig sa pinag-uusapan ng mga ito. Nakacurious lang kasi siya sa pagtatanong ng kaklaseng tinagurian nilang "the newscaster."
Bakit? Simple lang naman ang dahilan. Ito na yata ang pinakamahusay sumagap at mangalap ng mga chismis sa buong campus sa buong klase nila.
Alam na alam nito ang mga latest happenings sa loob at labas ng St. Paul University.
Pati nga yata ang bilang ng mga anak ng kanilang school guard eh alam niya. Hindi pa kasama dun ang mga anak sa labas ha! 0_0
Kahit nga ata bilang ng lamok na pagala gala sa buong St. Paul eh alam nito. Take note, ganon siya kagaling.
Haha. 0_0
"Ano na naman ang ibibida mo sa amin ngayon, ha?" Sagot ng isa sa mga estudyanteng babae na nakaupo lang din malapit sa mga ito. Wala itong kangiti-ngiti. May hawak itong libro.
Hindi din ito interesado marinig ang sasabihin ng kaklase. Tila wala din itong ganang malaman ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako.
Ooops! Kanta pala yun. Haha!
"Hindi ka ba nagsasawa sa kakahanap ng mga maikukuwento mong istorya?"
"Totoo naman ang lahat ng sinasabi ko eh." Dipensa ni Arielle. "Isa pa, lahat ng mga sources ko ay accurate and reliable so talagang mapagkakatiwalaan. Kaya 100% sure ako na tama lahat ng mga sinasabi ko, Dana. "
"My point is, may mapapala ba tayo kung sakaling malaman natin ang mga kwento mo? Bibigyan ba ng mga professors ng flat 1 sa class card dahil don? " Seryosong sagot nito. Nagbuklat ito isang pahina ng hawak na libro.
"Hindi naman, di ba?"
Natigilan si Arielle. 0_0
Pinanghinaan na ito ng loob. Haha.^_^
"Hay naku, Arielle wag mo ngang pansinin si Dana." Pagsingit ng isa sa mga nakikinig na estudyante.
"Kj kasi yan!" Biro nito.
"Lahat yata ng kaseryosohan sa mundo na sa kanya na. Pinaglihi yata sa ampalaya, napakabitter."
"Tama si Kylene." Protesta ng ng isa pa. "Tuloy ang kwento! Nakakabitin eh."
"Go lang! Tingnan mo, sinusuportahan ka namin ni Christine." Pag-eencourage ni Kylene.
"Wag mo ng pansinin ang iba diyan!" Pagbibiro pa nito. Bahagya itong lumingon sa kaklaseng nakaupo sa may likuran nito.
"So, ano ngang bago?"
Hindi na kumibo si Dana. Wala na itong nagawa. Hinayaan na lang niya ang mga kaklase.
Pinagpatuloy na lang nito ang pagbabasa. Deadma na lang siya!
"Narinig ko kasi yung ilang estudyante na nagkukwentuhan sa may canteen." Sagot nito.
"Ang sabi nila may gumagala daw na stalker dito sa school."
"Stalker?" Tila nagulat si Christine sa narinig. "Sigurado ka?"
"Oo nga! Pero hindi lalake."
"Bading yung stalker?" Nagtatakang tanong ni Kylene. "Grabe ha!"
Muntik ng matawa si Ayenne sa pinakikinggang kwentuhan ng mga kaklaseng babae. 0_0

BINABASA MO ANG
Oh My Ninja Girl
القصة القصيرةHindi siya ang tipo kong babae. Paano ba naman ang kulit niya, ang kulit-kulit talaga niya. Papansin siya lagi sa akin. Trouble-maker pa! Nakakairita na siya. Nakakainis dahil parang ang clumsy niya. Naasar ako pag nakikita siya! Pero bakit ganon...