Simula

5.8K 247 31
                                    

Nakaluhod ako ngayon sa harap ng asawa ko. Umiiyak ako habang hawak ko ang kanyang braso. Nagmistulang gripo ang mga mata ko dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng aking luha habang nagmamakaawa sa kanya. 

"A-Adam, please! Don't file a divorce!" iyak ko habang umiiling sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa emosyon na nararamdaman ko ngayon. "W-We can adopt. We—"

"Cut it out, Maria Victoria!" His voice thundered. Ang kanyang mata ay nagliliyab at halos itulak na ako dahil hindi siya sang-ayon sa narinig niya mula sa akin. 

Pilit niyang kumawala sa hawak ko. Nataranta ako kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkahawak ko sa kanya at tumingala. Mas lalo lang akong naiyak nang nakitang malamig na ang kanyang tingin sa akin. 

"N-No! I love you. Y-You love me, right?" I asked. "It doesn't matter!"

"It does matter!" Tumaas muli ang kanyang boses. "Paano ako magkakapamilya kung ang asawa ko ay hindi mabubuntis?"

Hinawakan niya ang balikat ko. "I was hoping, Victoria! Umasa ako na sa dalawang taon nating pagsasama ay makakabuo na tayo! Mabuntis ka at magkaroon tayo ng anak! Hinayaan kita sa pagmomodelo mo dahil pangarap mo iyon. Pero pinakasalan mo ako, gusto ko ng pamilya. Tapos, sasabihin mo ngayon sa akin na baog ka?"

Mas lalo lamang akong naiyak. Ang sakit-sakit. Siguro ang sama ko na. Pero wala akong magagawa. I am fighting for my dreams. I am a model. The highest paid model in town and I am secretly married to him. Siya ang boyfriend ko simula high school at sa ibang bansa kami nagpakasal. He supported me. Hinayaan niya akong abutin ang pangarap ko. Pero ngayong abot ko na, saka naman niya sasabihin iyon sa akin. I fabricated the certificate. Hindi ako baog. I secretly took pills. Hindi pa kasi ako maaaring mabuntis. Hindi rin alam ng agency ko na may tagong asawa ako. 

"Hindi mo ba tanggap iyon?" Humagulgol na ako. "Hindi ba puwedeng tayo lang at walang bata?" Tiningnan ko siya. "A-Adam, please! Don't file a divorce."

Nahila niya ang kanyang kamay mula sa akin kaya napaupo ako sa sahig. Nang tiningnan ko siya, sobrang lamig na ang kanyang tingin sa akin. 

"I will never be happy, Victoria," he said coldly. "Na-realize ko na hindi ikaw ang babaeng dapat ipagmamalaki ko. I want a family, Victoria, but you can't give it to me. Prepare a lawyer. I will file a divorce for the both of us."

Nang tinalikuran niya ako ay napahagulgol na lamang ako habang pinipilit ang sarili na tumayo upang habulin siya. Kaya lang nang magsara ang pinto ng kuwarto namin, bigla akong nanghina at napasigaw na lamang sa sakit.

Downfall Of VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon