Kabanata 1

3.7K 183 14
                                    

Tulala akong nakatingin sa kawalan. Pagkatapos naming mag-away ay hindi na siya bumalik. Mag-isa na lamang ako sa condo namin, umiinom ng red wine. 

Gusto niyang makipag-divorce sa akin dahil hindi ako makaanak. Akala ko pa naman ay matatanggap niya kung sakaling ganoon ang sasabihin ko. Akala ko ay wala siyang pakialam kung hindi nga ako makakaanak dahil mahal niya naman ako. Nagkakamali pala ako. Ganito ang nangyari. Gusto niyang makipaghiwalay sa akin. Pinunasan ko na lamang ang luha sa mata ko. 

Mali ba ang ginawa ko? Siguro. Pero hindi niya ako masisisi. Palalago pa ang career ko at ayaw ko na mawala iyon sa isang iglap. 

Kung puwede ko lang siyang mabigyan, ibibigay ko. Ngunit hindi pa puwede at mas lalong hindi ako puwedeng mabuntis dahil parte iyon ng kontrata ko.

Isa ako sa mga front liner models na rarampa sa international runaway ng isang sikat na brand at para sa akin, chance na iyon para mas maraming opportunities ang darating sa akin. Kapag malaman nila na may asawa na ako at kung mabuntis niya ako, masisira ang career ko. 

Alam ni Adam simula pa lang na gusto ko ang ganito. I rejected his marriage proposal once back then because of my dream. Pero nangako siya na susuportahan niya ako.

Pero ano ito ngayon? Kinailangan kong magsinungaling. I had to fabricate something in order for him to stop pressuring me to have a child with him. Masyado pa kaming bata nang ikinasal kami. I was 20 that time and he was 22. 

At ngayon, ito na nga ang resulta. Hindi niya tanggap. Ganoon ba talaga iyon? Kung talagang mahal niya ako, tanggap niya sana ako at ang buong ako. Paano kung totoo talagang hindi ako makakaanak? Basura na ba ako? Hindi worthy as a woman? 

Adam is a chef and also a businessman. He owned lots of restaurant and hotels worldwide. At his young age, ibinigay na ng kanyang mga magulang ang para sa kanya. 

Kung gusto niya talaga ng divorce, I will give it to him. Kung iyon ang magpapasaya sa kanya. Kung iyon ang magpapalaya sa kanya upang makahanap siya ng babaeng kaya i-give up ang pangarap para sa kanya. 

I smiled bitterly and drank the remaining red wine. I leaned on the sofa. Siguro matutulog na naman ako ngayon na mag-isa. Pagod na siya sa akin, pagod na pagod na. 

*** 

Kinabukasan ay nagtungo ako sa agency ko na parang walang nangyari. Tinulungan ako ng assistant ko sa paghubad sa blazer ko nang makarating. Agad kong binati ang ibang mga model na tinitingala ako. 

"Thank God, you're here!" stress na sambit ni Lero, ang hairstylist ng team namin. "You're 5 minutes late!"

I pouted. "I'm sorry, na-traffic lang."

Umupo ako sa upuan at humarap ako sa vanity mirror. Mabuti at hindi masyadong halata ang namumugto kong mga mata. 

Pumwesto agad si Lero sa likuran ko at sinimulang ayusin ang buhok ko. Ang mga make-up artist naman ay dinumog na rin ako. Napapikit tuloy ako dahil sa mga brush na kumikiliti sa balat ko. 

"By the way, the owner of the Elite Restaurant, Adam Rocky Morgan, will be in the audience this morning,” panimula ni Lero. 

I gasped and opened my eyes to see Lero. Wala siyang reaksyon at nagpatuloy lang sa pag-aayos ng buhok ko. 

Adam? What? 

Kumalabog ang puso ko at kalaunan ay napalitan ng kirot. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba na rumampa kung nandiyan siya. 

Nag-away kami kagabi at hindi siya umuwi. He wants a divorce. 

"Are you okay?" Sinilip ako ni Lero. "Adam is a big shot, Victoria. Baka matipuhan ka."

Hindi ako sumagot. Matipuhan? He is my husband and soon, we will separate ways because I will choose my career over him. Siguro kung may matipuhan man siya na iba, siguro ang pipiliin niya ay ang babaeng handang magkaanak sa kanya. 

"I am okay," I said and smiled bitterly. 

Bumuntonghininga siya at napailing bago itinuloy ang kanyang ginawa. 

“I am excited about your international appearance, Victoria. It will be your big break, so don't waste it.”

Bigla na namang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Vivian sa akin, isa sa mga nag-recruit sa akin. She has been my friend since then. Alam niya na pangarap ko ang pagmomodelo lalo na sa pagra-rampa ng mga damit sa harap ng maraming tao. 

Nang matapos akong ayusan at bihisan, tinulungan na ako ng assistant ko na isuot ang takong ko. 

I wore a yellow mustard tank top and ripped jeans. Naka-high ponytail ang buhok ko. My lips were fully red at malditang-maldita ang aura ko. 

I have a monolid eyes na siyang nagpa-insecure sa akin, pero ni minsan, hindi sumagi sa isip ko ang magpaayos dahil lang sa insecure ako. I embraced my imperfection and Adam once said that he liked me this way. Natural.

"Okay! Okay! Guys! Faster! Faster!" sabi ng isa sa mga staff habang pinapalakpak ang kanyang mga kamay. 

Tumayo na ako at saka sumunod na sa ibang mga modelo. I heard giggles from some of the models. Naririnig ko ang pangalan ni Adam na mas lalong nagpakaba sa akin. 

Ano ba ang ginagawa niya rito? Dito ba siya makikipag-divorce sa akin? Lol. Masyado naman yata siyang nagmamadali. 

"Vivian, wish me luck!" Kumaway ako kay Vivian nang makita ko siya. "Wish me luck!"

Galing sa striktang mukha,bigla itong umamo nang makita ako at ngumiti. Kumaway pa siya. "Good luck!"

Bumuga ako ng hangin at napagdesisyonan na tratuhing hangin na lang siguro si Adam. 

Nang nagsimula na ay kinain na ako ng kaba. Halos hindi ako makatayo ng maayos dahil sa kabang nararamdaman ko. Nang ako na ay muntik pa akong matapilok. 

I walked straight towards the crowd with the fierce look. Ang aking kamay ay nasa magkabilang bulsa ng suot kong jeans at ang mga mata ko ay straight lang ang tingin. Kitang-kita ko rin kung paano nag-iba ang ekspresyon ni Adam nang makita ako. Umayos siya ng upo at saka mariin akong tiningnan. 

Kumirot ang puso ko. Maybe this will be the last time na makita ko siya na titingin sa rampa ko. After we divorce, we will go back as strangers. 

Nag-pose ako ng signature pose ko bago tumalikod. Hindi ko namalayan na sa pagtalikod ko, nanubig ang mata ko at tumulo pa. Napasinghap ako at agad-agad napaupo nang makarating sa backstage at nagpunas. 

Binigyan ako ng tubig ng aking assistant at si Vivian naman ay nagmamadaling pumunta sa akin. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. 

"Umiyak ka ba?" Umupo siya sa tabi ko at binaba ang dala niyang folder. "Maraming nakakita, Vic," aniya. "Baka tanungin ka nila about doon."

Mahina akong natawa. Sobrang sikip pa rin ng dibdib ko. Biglang sumagi sa isip ko na maghihiwalay na kami ni Adam after so many years. Boyfriend ko siya since grade 9 ako. Marami kaming masasayang alaala at dahil sa pangarap ko at kasakiman, kinailangan kong isakripisyo ang relasyon na iyon. 

Binuksan ko ang bottled water at diretsong ininom ito. Takang-taka na si Vivian sa akin at naghihintay ng sagot. Wala akong magawa kundi bigyan siya ng sinungaling na sagot. Tutal, doon naman ako magaling. 

Matapos uminom, binaba ko ang bottled water at ngumiti sa kanya. "T-Tears of joy iyon." Tumawa ako. "Alam mo naman na sasalang na ako sa international runaway 3 months from now on, right? Masaya lang ako, Viv."

Tumango siya. "Alright. Some will interview you about what happened so I hope you will answer it. Make sure na pag-isipan mo nang mabuti ang mga isasagot mo. 'Yong hindi makakaapekto sa career mo," paalala niya sa akin.

Tumango muli ako. 

Hindi ko alam kung ano ang purpose sa ramp ngayon. First time maimbitahan ni Adam at ramdam na ramdam ko talaga ang malamig niyang tingin sa akin.

Downfall Of VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon