"Mr. Morgan wants to meet you, Victoria."
Natigilan ako sa pagtatanggal ng aking hikaw nang biglang sumulpot si Lero upang sabihin iyon sa akin.
Si Hannah, ang assistant ko ay tinutulungan ako sa pagtatanggal ng hairpin. Siya rin ang tumulong sa akin sa susuotin ko na damit.
But, did I hear it right? Adam wants to see me? What for? Maybe for a divorce? Pero nasa working place ako ngayon at walang nakakaalam na mag-asawa o may koneksyon kami.
In this field, he was just a stranger to me. A businessman who ruled his entire company.
Ano naman ang pakay niya sa pagkikita namin?
Huminga ako nang malalim at saka tinanguan na si Lero. Nang iniwan niya kami ng aking assistant, inutusan ko si Hannah na hanapan ako ng panibagong damit. Agad niya naman iyon sinunod.
Kung ano man iyon, Adam, don't worry, hindi kita hahabulin. I love you dearly, but it doesn't mean na kailangan kong pakawalan ang matagal ko nang pinangarap para lang sa iyo. Alam mo simula pa lang na pangarap ko ito, at akala ko ay susuportahan mo ako sa desisyong ito. Akala ko ay makapaghintay ka, pero nagkakamali lang pala ako.
***
Akala ko ay makipagkita si Adam sa akin kasama ang assistant niya o tauhan niya pero nagulat ako na kami lang dalawa. Nandito kami sa isang pribadong restaurant at medyo kinakabahan ako sa pagkikita na ito. Hindi siya umuwi sa condo namin matapos niyang sabihin na makipag-divorce siya sa akin.
Hinila ko ang upuan habang hawak ko ang aking purse. Hindi ako ngumiti sa kanya at pormal na umupo sa tapat niya.
Adam is wearing his business suit. Sobrang bagay na bagay sa kanya.
"Good morning, Mr. Morgan," pormal ko na sambit.
Kumunot ang noo niya kasabay ng pag-igting ng panga niya.
"Cut the crap, Victoria," mariin niyang sambit.
Bumuntonghininga ako at saka inilapag sa lamesa ang purse ko at malamig siyang tiningnan. "Hindi ko alam na may balak ka pala na ganito, Adam. Hindi ka naman nagpapakita sa mga ginagawa ko noon."
Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatingin sa akin. Sarkastiko naman akong ngumiti sa kanya. Nagpapanggap na parang wala lang at nagpapanggap na parang hindi ako nagmamakaawa sa kanya kagabi.
"What is this all about? I don't think this meet up is about modeling." Tinaasan ko siya ng kilay. "Is this about the divorce?"
Madilim na ang kanyang titig sa akin ngayon. Mahina akong natawa kahit sumikip na naman ang dibdib ko.
"Don't worry, Adam." Ngumiti ako sa kanya. "I will give you what you want."
Umawang ang labi niya at parang hindi pa yata niya gusto ang kanyang narinig. What's with his reaction? Hindi ba at siya naman ang nagsabi na mag-divorce kami? Now that I agreed, ano na naman ito?
"Victoria..."
"We can have our divorce, Adam," pag-uulit ko. "I don't mind at all."
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya sabay tingin sa akin ng mariin. "Bakit? May iba ka na ba?"
Namilog ang mata ko at biglang kumulo ang dugo ko sa narinig.
"Naririnig mo ba ang sarili mo?" Sarkastiko akong tumawa. "All my life, I gave myself to you. Walang ibang lalaki sa buhay ko kasi nandiyan ka naman. Do you think I still have time to find someone else? I am so busy with my career that you can't even support. Baka ikaw..." I paused to look at him. "Baka ikaw ang may iba. After all, I can't give you what you want."
"Victoria—"
"At sana madali lang ang divorce natin para hindi ko na iisipin iyon, Adam. And you can now find a woman who can give you what you really want." Ramdam na ramdam ko ang pait sa aking boses.
"I am not here for that." He bit his lower lip. "My parents want to see us. Family dinner.”
"I am busy, Adam," ani ko at nang dumating na ang waiter ay inilahad niya sa akin ang menu. "Thank you," sabi ko sa waiter bago ko binalingan muli si Adam. "And why? Hindi ba maghihiwalay na tayo? Sumang-ayon na ako. You should tell your parents about our separation, Adam."
Nanliit ang kanyang mata at pinagmamasdan pa yata ako. Nanatili akong pormal at taas-noo sa aking mga galaw. Ganito lang ang kaya kong gawin dahil sigurado ako na sa pag-uwi ko, iiyak na naman ako ng todo.
"And by the way, aalis na ako sa condo natin."
Mas lalo lamang nandilim ang kanyang tingin sa akin. "Why?"
"Mag-isa lang ako," diretso ko na sambit. "Alam mo naman na ayokong mag-isa. Nakakatakot mag-isa. I will leave our condo since maghihiwalay na rin naman tayo. You can have your freedom, Adam. Wala akong pakialam kung may dadalhin kang babae roon upang buntisin mo."
Hindi na siya nagsalita at paulit-ulit na lamang na nagtiim-bagang. Ito lang pala? Ang dami ko pang gagawin pero inuna ko ang pagkikita namin dahil lang sa ganitong bagay. Pero at least nasabi ko na sa kanya. He can do anything while me, I will focus on my career.
May kasalanan din naman ako. I told him lies. Pero wala akong magawa. Kailangan kong magsinungaling para hindi niya ako kulitin. Akala ko ay okay lang, hindi ko naman akalain na hahantong sa divorce ang simpleng panloloko ko.
Tahimik lang kami na kumain. Nagmamadali ako dahil may kailangan pa akong habulin. I don't have time at siguradong gano’n din si Adam. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita. Para siyang may malalim na iniisip.
Nang natapos kaming kumain, pinunasan ko ang gilid ng labi ko gamit ang tissue at saka nag-angat ng tingin kay Adam.
"Thanks for the late breakfast, Adam. Ngayon lang ulit ako nakakain ng masarap at saktong pagkain," I said bitterly.
My manager told me to diet. I starved myself kahit na gusto ko talagang kumain ng marami. Kailangan, eh…
Kumunot ang noo niya. "Why? You starved yourself?"
Nagkibit-balikat ako. "Sort of. It's nice talking to you, Adam. Huwag kang mag-alala, pagbalik mo sa condo natin, hindi mo na ako makikita."
Binuksan ko ang purse ko at saka inilabas roon ang singsing na siyang iniingatan ko noon pa man.
"Thank you for the memories, Adam. Thank you for everything..."
Para akong sinaksak sa dibdib habang sinasabi ko iyon. Nang hindi niya tinanggap, tumayo ako at marahan itong nilapag sa harap niya at saka huminga nang malalim.
"I will wish for your happiness, Adam."
At nang tumalikod ako sa kanya, nabasak ang puso ko. Alam ko na kapag maghihiwalay na kami, wala na akong ibang lalaki na mahahanap pa.