Hello po! Bumabawi po ako sa months na di ako nag-UD kaya eto nagpublish nanaman ako ng bagong part =))) Note: Summary lang po to ng nangyari US so di to masyadong detailed okay? And short lang to =))
----
I'm super excited right now. Uuwi na kasi ako sa Philippines bukas. Napag-usapan namin ni Neil na sabay kami uuwi.
Yup. Sabay kami ni Neil Oliveros pabalik ng Philippines. Sobrang nagulat nga ako nung nakita ko siya sa airplane. Peace na kami. Inexplain niya kasi kung bakit di siya nakapunta nung Unknown. Bigla daw kasing inatake ang tita niya na nagbabantay sa kanya noon dun sa Philippines. Kaya sabay rin kaming papunta States dahil andun pamilya niya and they decided na dun nalang ipapagamot ang tita niya.
Coincidence? Maybe. Pero at least may kakilala ako while nasa US. Siya lagi kong kausap dito, lagi kaming nagkikita, etc. Yung ginagawa ng magbest-friends. Parang naging bestfriend ko na rin si Neil habang andito kami dalawa. Namiss niya na rin daw ang Philippines eh kaya gusto niya ring umuwi doon.
I'm currently preparing my things para wala ng problema bukas. After 2 years of stay dito, siguro di na magiging peraha ang feeling kung andun ako. Medyo stressed nga ako eh. Ang dami kong dapat ipaliwanag lalo na sa mga kaibigan ko.
Sana magiging okay lang ang lahat pagdating ko. Ayoko na ng away. Nakamove-on na ako nuh. Uh, medyo. I mean, syempre nakamove-on na ako.
May boyfriend ako dito. Fil-Am siya pero marunong siya magtagalog ah. Marami kasing Filipinos dito sa LA kaya marami akong nameet na kalahi ko. Sa Philippines rin siya lumaki. Siya ay dakilang chickboy, sobrang opposite kay JV. Ugh. Bakit ko ba sila cinocompare?
Ewan ko ba. Nagbeg kasi siya sa akin na sagutin ko siya. Sawang-sawa na daw kasi siya sa mga babaeng lumalapit sa kanya kaya parang "emergency girlfriend" lang ako. Parang biro lang nga relationship namin. Ewan ko ba dun. Ang sungit niya eh. Pero kaibigan siya ni Neil kaya naging friend ko rin siya. Uuwi rin siya sa Philippines. Masaya? HINDI. Ewan ko nga talaga bakit ko siya sinagot! Maldito, snabero, masungit, chickboy, masama sa mga babae, lahat lahat na ng masama nasa kanya. Ang pagiging gwapo niya lang siguro ang maganda na nangyari sa buhay niya. Pero di kami sabay pauwi dahil may papers pa na isusubmit parents niya sa US Gov chuchu. Wala akong alam diyan. Di naman ako lawyer nuh! :D
Kaming tatlo ni Neil laging magkasama dito. Kaya sobrang saya ng stay ko dito sa US. Mamimiss ko tong lugar na to. Pero sobrang namimiss ko talaga silang lahat sa Pilipinas eh. Lalo na si Nia at si... Si Nia lang pala.
Lagi naman kami magskype ni Nia. Pag pwede, tinatawagan ko siya. Miss na miss ko na yung babaeng yun. Di pa talaga ako nakapag-paalam ng maayos sa kanya. Siya rin ang isa sa dahilan kung bakit excited na ako umuwi =)))
Osige. Matutulog na muna ako. Beauty Rest. Chos. Haha
Wait, namention ko ba sa inyo? Blond na ako =)) Hehe. Trip ko lang. And iba na ako manamit. Na-influence kasi ako ng mga tao dito. Di naman sa naging maarte ako. I'm still the same Arian. Mas matapang nga lang.
Eto seryoso na, good night world! =)))))))))))))
BINABASA MO ANG
Insecure Lover
Teen FictionIto ay ang storya ng crush life ni Arian Lim. May crush kasi siyang may girlfriend. Lagi siyang sinasabihan na "Diba may girlfriend na yun?" pero okay lang sa kanya dahil alam niyang crush lang naman at wala siyang planong sirain ang relasyon nila...