Dedicated to StrawberryBunny. Now ko lang kasi nakita lahat ng comments niya noon eh :))) Sorry talaga. Kaya eto, dedicated sayo :* Hope you'll keep reading it :) :*
----
Miss ko lang kasi ang childhood best friend ko" Sabi niya. #______#
Sht. Wag kang masyadomagpaapekto, Arian!
"Talaga lang ah? Eh mga bata pa nga tayo nun eh." Sabi ko.
"Alam mo bang nagtago ako sa cabinet namin dahil ayaw kong sumama sa kanila noon? Nakakatawa nga kung alalanin eh =))))"
"Haha! Eh bakit ka naman nagtago?" Tanong ko.
"Syempre dahil ayaw kitang iwan. Ikaw lang ang bestfriend ko nun eh :)" Kahit friendzoned ako, at least diba nalaman ko na naging importante ako sa isang parte ng buhay niya.
Nginitian ko siya. Sa mga kwento niya, naalala ko ang ibang ginawa ko noon. Tumingin siya sa akin dahil tumawa ako bigla. "Hahaha!"
"Oh bakit ka tumatawa?" Tinanong niya ako,
"May naalala lang ako :D" Sabi ko sa kanya.
"Oyy ah. Ano yan ah? :)))" At binigyan niya ako ng teasing smile.
"Wala... Naalala ko rin kasi nung aalis na ako at sumabay ako sa inyo sa airport. Iyak ako ng iyak at nagwawala na ako dun dahil gusto kong sumama. Naiimagine ko kasi mukha ko nun -___- :D" Sagot ako.
Ewan ko bakit pero biglang sumeryoso ang mikha niya. Ano kayang nangyari dun?
"Alam mo ba bakit sinundan kita nung umiyak ka nung sa competition. Kasi simula nung nasa airport tayo nung bata pa tayo, yung nakita kitang umiiyak ng sobrang sobra, ayoko na makakita ng babaeng umiiyak. Naiisip kasi kita palagi eh." Aww. Kaya pala biglang seryoso mukha niya? :")
Ewan ko kung dapat ba ngumiti pero di ko mapigilan eh. At least kasi naging ganun ako kaimportante sa buhay niya kahit minsan lang. Kahit nung bata palang kami. Ganun parin kaya ang tingun niya sa akin ngayon? Hmm. Imposible na yata eh. Ang tagal na namin di nagkita. Di nga namin nakilala ang isa't-isa sa school eh.
"A-aah. Ganun---" Di ako natapos magsalita. Bigla kasing tumunog phone ko eh. Anak ng wrong timing naman oh.
Si Mommy pala.
"Hello, mommy? Bakit po?" Tanong ko.
"Bumalik na kayo, anak. Boarding na ang plane natin." Sabi ni mommy.
"Okay po."- Sagot ko. Pinigilan ko sarili ko umiyak pero di ko matago ang kalungkutan sa boses ko.
"Pinapabalik na tayo?" Tanong ni JV.
"Ah... Ou eh. Tara na." Sai ko sakanya.
Habang naglalakad kami papunta dun, inaakbayan niya ako.
GRABE TO! INTENSE! ANG LAMIG NA NGA NG AIRPORT MAS LALO PA NIYA AKO PINAPALAMIG DAHIL SA KABA.
Kahit sobrang lungkot na ako ngayon dahil paalis na kami, napapangiti niya parin ako. Pwede to ibalik araw-araw? Kung pwede lang sana :(( Pero nung malapit na kami sa kanila, inalis niya na kamay niya sa akin. :(
"Oh andito na pala kayo. Oh anak, say goodbye to your tita and tito na. At syempre kay JV :))" Sabi ni mommy sa akin.
"Goodbye po." At nagbeso ako kay tito at tita.
"Bye rin :)" nagsmile nalang ako sakanya. Nakakahiya kasi eh.
Nagulat nalang ako nung niyakap niya ako. SOBRANG HIGPIT NA YAKAP. Di nga ako nakayakap pabalik sa sobrang gulat eh.
"Kakakita lang natin, ikaw naman ang aalis. Mamimiss kita..." Bulong niya habang nakayakap sa akin. Di ko napigilan at umiyak ako. Syempre mamimiss ko rin tong nilalang na to.
Mahal ko to eh. Bilang childhood best friend ko, o bilang crush ko, mahal ko yan bilang kahit ano :)
"Sobrang mamimiss rin kita." Nagawa kong sabihin habang niyayakap niya ako.
Mahal rin kita, sobra.--- Ang sarap sabihin eh. Pero nahihiya ako.
"Eheeeem. Maiiwan na tayo sa eroplano, anak." Sabi ni daddy.
Nagblush ako ng sobra sobra. Nangyari ba talaga yun? Sana paulit-ulit to mangyari :(
"Let's go." Sabi ni mommy at umalis na kami ng tuluyan.
Mamimiss ko lahat ng bagay dito. Pero gagawin ko parin ang lahat para magbago doon for the better :)
BINABASA MO ANG
Insecure Lover
Teen FictionIto ay ang storya ng crush life ni Arian Lim. May crush kasi siyang may girlfriend. Lagi siyang sinasabihan na "Diba may girlfriend na yun?" pero okay lang sa kanya dahil alam niyang crush lang naman at wala siyang planong sirain ang relasyon nila...