7- Jay Vincent

216 9 9
                                    

Jv’s POV

After nung sinabi ni Arian sa akin, dinala ko si Reeza kung saan man kami mapadpad. Kahit nastruck ako sa sinabi ni Arian, di ko naman kayang pabayaan lang si Reeza sa harap ng maraming tao.

Nakarating kami sa lobby.

“Jay…” Sabi ni Reeza.

“Reez, give me time kahit ngayon lang, please. Gusto ko mapag-isa.” Sabi ko sakanya at pumunta ako ng field.

Naglalakad ako ng napaisip ako kay Arian bigla. Ako pala yung crush niya? Kaya pala pag nagkakasalubong kami noon, she’s acting weirdly XD

Naalala ko nalang nung gabing nasa park kami. Nakakaguilty naman to eh.

May tao palang sobra ang iyak dahil sa akin. Tapos ako walang pinoproblema. Haaaay.

Nakita ko ang gym kaya naisipan kong pumasok nalang muna dun.

Naalala ko nalang nung dito ko nahanap si Arian na nagbabasketball. Natawa pa nga ako eh kasi ang weird. Nakadress siya tapos nagbabasketball.

Nagbasketball na rin ako. Kinuha ko rin yun ball sa side at nagsimula magshoot.

Ni isa wala akong mashoot. Ang dami ko kasing iniisip eh. Lalo na tungkol kay Arian.

Ewan ko bakit pero may naaalala talaga ako pag tinitignan ko siya. Kahit gaano ko iforce ang brain ko, wala paring pinapaalala sa akin eh.

Iniisip ko rin na ang sama kong tao dahil di ko man lang napansin si Arian noon. Kung pinapansin ko lang siguro siya noon, di siguro siya umiyak.

Naalala ko rin ang mga sinabi ni Arian na nagbabait-baitan lang si Reeza pag andito ako. Pero anong magawa ko? May commitment na kami eh. Ang trabaho ko nalang ay mahalin siya. Pero napaisip ako sa sinabi ni Arian. Actually narinig ko ang buong awayan nila kanina. Ang galing rin pala ni Arian makipag-away. Siguro pinaglaban niya lang talaga sarili niya. Si Reeza naman talaga angmalieh. Pero away parin siya ng away.

Aish. Sumasakit na rin ang ulo ko sa kanilang dalawa eh! Tae thissss.

Napatigil nalang ako nang may tumawag sa akin.

Si Mama pala.

“Hello, Ma?”- Ako

“Anak, umuwi ka na. Ihahatid natin ang family friend natin sa Airport.”- Mama

“Talaga po? Sino ang aalis?”- Ako

“Anak, may good news ako sayo. Umuwi ka na ng bahay! Panigurado namiss mo to sila. Kaso nga lang aalis na eh. Malas talaga. Bilisan mo na, Vincent!”- Mama

“Opo. Eto na, eto na. Papunta na sa sasakyan. Sino ba kai yan ma?”- Ako

“Mamaya na pagdating natin sa Airport para exciting.”- Mama

“Aish. Mama naman eh. Pabitin. Sige na nga po.”- Ako

Natawa lang si mama at inend na yung call.

Bahay…

“Ma, Pa, andito na po ako. Sino po ba ang ihahatid natin?” Sabi ko kanila mama.

“Basta anak. Magbihis ka ng maganda at maayos ah! Bilisan mo.” Sabi ni mama.

“Ahh. Ehh. Sige na nga po. Wait lang. Mabilis lang ako.” Sabi ko kanila mama.

Pagbaba ko, nasa kotse na pala sila mama kaya sumakay na rin ako agad.

“Paensya na natagalan ako konti. Naligo pa ako eh.” Sabi ko sa kanila at tuluyan na kaming pumunta ng airport.

Ng makarating na kami ng airport, excited masyado si mama bumaba ng kotse kaya malapit na siya matumba. Haha.

Pagpasok namin sa International Flights area, may nakasalubong agad siya. Di namin tinakbuhan ang guards para pumasok ah! Friend kasi nila mama ang may-ari nito.

“Angelica! Namiss kita, sobra!” Naghug si mama pati si Angelica, Tita Angelica. Nagbeso rin si papa at si Tita. Nagbeso rin ang asawa ni Tita kay Mama.

“Kumusta na kayo, Jessa? Ang tagal na natin di nagkita! Namiss ko kayong dalawa!” Sabi ni Tita Angelica.

“Eto, same as always. Eh ikaw? Kumusta ka na?” Tanong ni Mama.

Nag-usapan rin ang mga lalaki. Ang awkward tuloy wala akong kausap.

“Syempre, maganda parin. Hahaha. Joke lang. Eto, same lang rin. Malaki na rin ang anak ko.” Sabi ni Tita.

“Ah oo nga pala! Siya na si Jv! Ang laki na niya, diba? Lumaki na ang baby ko.” Sabi ni mama.

“Mama naman eh. Wag niyo na po ako tawaging Baby.” Sabi ko kay mama. Binata na kaya ako >___<

“Hahhaha! Eto talaga oh.” Sabi ni mama at kinurot ako sa gilid. Di naman masyadong masakit.

“Si JV na ba talaga yan?! Ang laki niya na! Grabe! Ang gwapo-gwapo pa! Yung anak ko rin, malaki na. Nag-CR pa yata eh.” Sabi ni Tita.

“Jv, naalala mo pa ba si Tita Angelica? Yung anak niya yung lagi mong kalaro noon. Lagi tayong bumibisita sa bahay niya.” Sabi ni mama.

Eh? Talaga? Bakit parang wala akong maalala?

“Siguro hindi na. Ang bata bata pa neto noon eh!”- Tita Angel

“Siguro nga. Saan na ba ang anak mo, Angel? Magkikita na ulit ang love team ng bayan oh! Hahahhaha. Kinikilig ako…” –Mama

Si mama naman oh. Kung kiligin, wagas. Parang teenager lang eh.

“Mommy!” May tumawag kay Tita Angel sa likuran.

A-Arian?!

Insecure LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon