Dear Ex Part 4

75 2 0
                                    

Medyo naging masaya ako no'ng nalaman kong tinanggap ni Jolina ang iniregalo ko.

Dumaan ang mga araw na umaasa pa rin akong makatanggap ng sagot mula sa kanya.

"Pre, hindi ka ba napapagod?" tanong ni Alas, isang hapon habang nasa basketball court kami.

Ipinasa ko muna sa kanya 'yong bola bago ako naglakad papunta sa bleachers. Naramdaman ko ang pagsunod siya. Kinuha ko 'yong towel na nakasabit sa isa doon at nagpunas ng pawis.

"Bakit naman ako mapapagod Alas? As long as alam ko na mahal pa ako ni Jolina, mahihintay ako." maya-maya ay sagot ko.

"Paano ka nakakasigurong mahal ka pa niya? Kung mahal ka niya, bakit nakipaghiwalay siya sayo in the first place?"

"Alas, nararamdaman ko. At kung anuman ang dahilan niya kung bakit siya nakipagbreak, iintindihin ko 'yon."

"Eh hindi niya nga sabihin e. Ni hindi niya nga nire-reply-an ang mga sulat mo"

"Darating din 'yong araw na 'yon. At gusto ko nando'n ako"

"Haist. Bahala ka nga. Pinapagod mo ang sarili mo."

"Okay lang mapagod kung sa babaeng mahal mo, Alas. Di mo pa kasi nasusubukang magmahal ng gan'to"

"Nagmahal na ako pre, pero iniwan din ako."

"Pre, kung mahal mo, ipaglaban mo, wag mo agad susukuan. Kung alam mo sa sarili mo na may chance pa kayong maayos, subukan mo para wala kang pagsisihan sa huli"

"Ngayon ka lang ata nagmahal pre pero parang may mas experience ka pa sa akin ah"

"Pre, base 'yan sa mga nakikita at naoobserbahan ko. Kung kailan kasi nakahap na ng iba 'yong mahal nila, doon pa maghahabol. Pre, ayokong may pagsisihan."

"Okay" 'yon na lang ang naisagot niya.

"Sige pre, mauna ako. Pupunta pa ako sa mall e."

"Ano gagawin mo do'n?"

"Bibili ng regalo ko para kay Jolina"

"Bakit? Anong meron?"

"Basta" sagot ko na lang at lumabas na.

Dumeretso ako sa mall. Nagtingin-tingin ako ng pwedeng bilhing regalo, nang nakita ko ang maliit na pillow na may design na winnie the pooh agad kong kinuha iyon at binayan.

Umuwi ako sa bahay at agad binalot ang regalo ko. Muli na naman akong nagsulat.

Day 107
Dear Ex,

Sayang. 2years and 4months na sana tayo ngayon winnie ko. Pero ano namang magagawa ko, malayo ka na sa akin. Okay lang 'yon naiintindihan ko naman. Sana tanggapin mo itong regalo ko para sayo. I love you winnie ko.

Tan-Tan

Tinupi ko 'yong papel at idinikit sa wrapper ng regalo. Kinabukasan ay maaga ko iyong inilagay sa locker niya.

Dear Ex [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now