Fast Forward..
Tatlong buwan na ang nakakalipas ng naging kami na ulit ni Jolina. Ang saya ko dahil sa tagal kong naghintay ay nasa akin na ulit ang babaeng matagal kong ipinadasal. Naging legal na rin kami sa pamilya niya at masayang masaya kami.
Isang hapon ay kinausap ko ang pamilya ni Jolina.
"Tita, nandito po ako para humingi po nang tulong para sa surprise proposal ko para sa pamangkin niyo. At para tanungin po kayo kung papayag po ba kayo?" kabado ako habang nagsasalita.
"Papayag na kami. Nasa wastong edad na rin naman siya eh. Basta hijo ipangako mo na hinding-hindi mo pababayaan at sasaktan ang pamangkin ko."
"Ipinapangako po, tita. Simula pa lang no'ng makilala ko po siya ipunangako ko na po sa sarili ko na aalagaan at iingatan ko po siya tita. At habang-buhay ko po iyong tutuparin."
"Napakabait mo, Taneo. Ngayon hindi na ako mag-aalala pag dumating na ang oras na mawala ako dahil meron ka para sa pamangkin ko."
"Huwag po kayong mag-alala tita. Aalagaan ko po siya tulad ng pag-aalaga niyo sa kanya. Mahalin ko po siya ng higit sa buhay ko at proprotektahan ko po siya tulad ng kung paano niyo po siya protektahan." sensero kong sabi.
"Thank you hijo." mangiyak-ngiyak pang pasasalamat ng tita ni Jolina.
---
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko...
"Saan ba tayo pupunta? Bakit may piring pa ako sa mata?" reklamo ni Jolina.
Dinala ko siya dito sa isa sa favorite place niya. Dito rin kami unang nagkakilala.
"Malapit na." sabi ko
Nang tuluyan na kaming makapasok ay kusang umilaw ang paligid na kagagawam ni Alas. Inalis ko na ang piring niya at nakita ko ang reaction niya no'ng makita ang buong lugar.
"Wow!"
"Do you like it?"
"Sobra.!" Hindi nga maikakaila na naguhan niya. "Teka anong meron?" tanong niya.
Imbes na sagutin siya ay nagpaalam ako. "Diyan ka lang ha"
"Saan ka pupunta? Hoy!"
Naglakad ako papalayo sq kanya at dahan-dahang binuksan ang kurtina. Laking gulat niya no'ng makita ang pamilya namin.
Nagsimula naman ng tumugtog ng gitara si Alas, kasabay no'n ang pag-awit nila..
"Ikaw ang una't huling
Pag-ibig ng buhay ko
Kay tagal mang naghintay
Nandito ka na aking habangbuhay"Si Zelle ang nagsimula ng kanta.
"Sinlinaw ng langit na bughaw
Hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
Na tayong dalawa ay maging isa"Sa chorus ay lahat sila. Kita ko sa mga mata ni Jolina na naiiyak na siya. Nakangiti sa kanya ang lahat.
"Ikaw ang una't huling
Mamahalin ko ng gan'to
Nais kong malaman mo
Dati pangarap lang ito"Si Alas ang kumanta ng next verse at naulit sa chourus na silang lahat.
"Habangbuhay
Habangbuhay"Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang kinakanta iyon. Nang tuluyan na akong makalapit ay hinawakan ko ang kamay niya. Nanlalamig iyom, kabado naman ako. Lumuluha na siya kaya dahah-dahan ko muna iyong pinunasan.
"Ayokong nakikita kang umiiyak." sabi ko
"Ikaw kasi eh." Sagot naman niya.
Tumawa ako ng mahina bago muling nagsalita. "Ang tagal kong hinintay ang araw na ito at ngayong dumating na ay hinding-hindi ko na palalampasin." panimula ko habang mahinang tinitipa ni Kin ang gitara. "Jolina alam mong ikaw lang ang unang babaeng minahal kp." tumango siya habang mahina ang pag-iyak. "At gusto ko, ikaw na ang huling mamahalin ko.." dahan-dahan akong lumuhod at tiningala siya. "...will you marry me?" tanong ko sa kanya with a ring on ng hand.
Matagal siyang nakatitig sa singsing bago dahan-dahamg tumango. "Yes, Yes Taneo, I will marry you." sagot niya.
Gumuhit ang saya sa akin. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko namalayan amg pagpatak ng luha ko. Bumitaw ako sa yakap at isinuot sa kanya ang singsing.
"I love you my winnie"
"I love you more my Taneo"
Hinalikan ko siya sa noo at sabay kaming humarap sa lahat.
Finally!!
Masayang masaya ang lahat para sa amin ni Jolina. Wala na akong ibang mahihiling pa dahil nasa akin na ang nag-iisang hiling ko at hindi na ako makapaghintay na makasama ko siya habang-buhay.
The End..