5 years later
Sunday
Nagday off ako mula sa trabaho dahil hiniling ni mama na makasama akomg magsimba ngayon.
This passed few years naging busy ako sa trabaho. Ginugol ko ang oras at panahon ko sa trabaho simula no'ng nakagraduate ako. Nawalan din ako ng komunikasyon sa mga kaibigan ko, lalo na kay Jolina. I really miss her pero mas pinili naming malayo sa isa't isa dahil sa kagustuhan ng pamilya niya at naiintindihan ko 'yon.
Nandito ako sa mall at hinihintay si mama na makababa. Nagpa-iwan kasi ako dito sa labas dahil wala ako sa mood maglibot.
Busy akong nagcecellphone nang biglang may tumabi sa akin.
"Oo nandito pa ako sa mall bes.... Naghahanap pa... Oo nga eh. Bakit kasi nqgback out 'yong singer natin... Sige bye"
Pagkababa niya ng call ay napalingon siya sa gawi ko.
"T-Taneo?" she was shocked when she recognize me.
Yes I saw Zelle, Jolina's bestfriend.
"Yes, Zelle." I aswered with a smile.
"OMG di kita nakilala, mas gumwapo ka lalo." Puri niya pa. "How are you? It's been 5 years."
"Okay lang naman ako. Kaya nga eh ang tagal na din pala no'ng huli ko kayong nakita. Kamusta ka na? Kayo?"
"I'm good. Ito nakagraduate na kami ni Jols at may business na rin ako. Hehe"
"Wow. Ano nanan ang business mo?"
"Wedding Organizer ako. Kasama ko si Jolina, she is the make up artist and designer ng gowns for the bride."
"Ah. So, business partner kayo?"
"Oo."
"Nice ah. Ang strong pa rin pala ng friendship niyo."
"Hmmm, yup. Tsaka ginamit lang namin ang mga natapos namin eh. "
"I see"
"Ah btw, kumakanta ka pa ba?" Pag-iiba niya ng topic.
"Minsan na lang. Why?"
"Kasi problema namin ang singer e."
"'Yon ba ang usapan niyo kanina?"
"Oo. So... pwede ka bamg pumalit?"
"Medyo busy ako e."
"Kahit once lang. Need lang talaga eh.
"Susubukan ko. Kailan ba 'yan?
"Next sunday. Please Taneo. Babayaran ka naman namin eh."
"Si Jolina ba ang bayad? Haha joke!"
"Oo, kahit si Jolina na ang bayad basta pumayag ka lang."
"Oy joke lang 'yon. Ikaw naman ang seryoso. Susubukan ko, di ko maipapangako basta susubukan ko. Magleleave ako for you."
"Ayyiiee. Thank you in advance ha"
"Sige. Mauna na ako pababa na raw si mama. Nice to see you again."
"Me too. Thank you again ha"
"No worries."
Tumayo na ako at hinintay si mama, tinulungan siya sa bitbit niya.
Magleleave talaga ako para sa event nila para makita muli ang matagal ko ng gustong makita.