†Kabanata 3†
『Pagtanggap sa kasamaan』
"Stallion, Randall? Buhay din kayo?..."
tumango-tango ang dalawang bata, ganoon man ay agad na nawala sa kanilang labi ang masayang ngiti. Muli nilang naalala ang nangyari sa iba nilang kasama.
Napa-iling na lamang si Jasper sa kaniyang nakita. Bumuntong hininga siya. "Masyadong mahina ang katawan mo sa ngayon, Amon. Hindi ka na muna rapat nagsasalita." Ibinigay ni Jasper ang isang mangkok ng mainit na sopas kay Amon, "ubusin mo muna ang isang 'yan at pagkatapos ay magpahinga. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo at sobrang taas ng lagnat mo kahapon."
Hindi kumibo si Amon. Nagpatuloy lamang siya sa pagkain sa sopas, habang sa kaniyang mga mata ay ang marahas na pagtulo ng luha. Sa puntong ito ay hindi na lamang sa masasakit na ala-ala siya lumuluha. Umiiyak siya ngayon sapagkat hindi nawala ang lahat sa kaniyang pamilya.
Nang makabawi ng sapat na lakas si Amon Lizardmen, hiniling niya kila Jasper na ikuwento sa kaniya ang nangyari. Sinabi ng mga ito na natunton ng kulupon ng mga Thorn-Wolves ang kanilang tribo. Buong lakas na lumaban ang malalakas na Silver-rankers sa kanilang tribo, ngunit hindi pa rin naging sapat ang kanilang lakas upang maitaboy ang mga lobo.
---Mula sa bunganga ng partikular na kuweba, agad na huminto si Amon. Huminga siya nang malalim at buong tapang na pumasok sa loob noon. Tumigil lamang siya nang nasa dulo na siya ng munting kuweba.
"Ginoong Dadarom, nandito ako upang tanggapin na ang alok mo! Susunod ako sa lahat ng iuutos mo!"
SIZZZLE!
"HAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHA!!"
Kasabay ng malakas na paghalakhak na iyon ay ang pagporma ng itim na usok sa hugis ng tao. Lumiwanag muli ang nakatatakot na pulang pares ng mata ni Dadarom, dahilan upang mapa-atras nang kaunti si Amon.
"Sinabi ko na nga ba, bata, imposibleng hindi ka babalik sa akin upang tanggapin ang alok ko. HAHAHAHAHAHA!!" Ngising sambit ng itim na usok. Tumugil lamang siya sa paghalakhak nang makita niyang sinsero ang ekspresyon ni Amon. "Ganoon man, sa ranggo at lebel mo ngayon, hindi mo makakaya ang mga i-uutos ko. Sa ngayon, wala muna akong gagawin kundi ang gabayan ka sa pagpapalakas."
Tumango si Amon. "Naiintindihan ko, Ginoong Dadarom."
Kahit pa ganoon ang naging tugon ni Amon, sa kaniyang isip ay wala talaga siyang balak na sundin si Dadarom. Kapag lumakas na siya, wala siyang ibang gagawin kundi ang kitilin ang buhay ng Demonyo.
---Limang taon na ang nakalipas simula nang tanggapin ni Amon ang alok ng Demonyo. Sinunod niya ang mga aral na itinuturo nito, at sa tulong ni Dadarom ay nagawa ni Amon na makatuntong sa maalamat na ranggo sa kanilang tribo, ang Gold-rank.
Tinandaan ni Amon ang mga aral sa kaniya ni Dadarom sa pagpapalakas, at paunti-unti ay itinuturo niya rin iyon sa kila Jasper. Ito rin naman kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Amon ang alok ng demonyo. Ninanais niya na maging malakas kasama ang iba pa niyang pamilya, nang sa ganoon ay hindi na maulit ang nangyari noon sa tribo ng Giyura.
Sa mga oras na ito, kaswal at payapa lamang na inuulit ni Dadarom ang mga naituro niya kay Amon. Ginagawa niya ito upang hindi iyon makalimutan ni Amon.
Gayunman, sa mga oras na ito, hindi katulad ng dapat ay nakikinig na si Amon, ang atensyon ng binata ay nakatuon lamang sa pagpaslang ngayon sa demonyo. Ngayong isa na siyang Gold-ranker, kumpiyansa na siyang mapapatay niya si Dadarom sa surpresang pag-atake.
Mahigpit na nakahawak ang dalawang kamay ni Amon sa matalim na kutsilyo mula sa kaniyang likuran. Nagkukunwari siyang nakikinig sa Demonyo habang dahan-dahan na humahakbang. Nang makuntento sa kaniyang distansya...
BINABASA MO ANG
Allastor Frauzz [Volume 2]
FantasySa mapanganib na mundo ng Illunor, kung saan ang mahiwagang enerhiya ng magicules ay ginagamit sa pagpapamalas ng abilidad at mahika, ang ranker na si Allastor Frauzz na ata ang pinaka malas sa lahat. Dahil barado ang daluyan ng magicules sa kaniyan...