CHAPTER TWO *

62 3 1
                                    

“Okay class. She will be your new classmate. Kindly introduce yourself Ms. San Gabriel.” Sabi nung music teacher namin na si Mr.Torres. Medyo nakausap ko na siya kanina bago niya ako pinapasok dito.

Nasa mid 20’s palang ata siya. “Hi. I’m Fayeleecia San Gabriel. You can call me Felice. Please be nice to me.” Then I smiled.

Tumawa sila tapos nagbulungan. Nagtataka siguro sila kung bakit ngayon lang ako pumasok, bukod sa second quarter na e after recess pa ko sumulpot. Haha! Yung mga lalaki naman naghihiyawan. Well, ano pa nga ba.

“Saka na kita interview-in iha kasi marami tayong gagawin ngayong araw.” Nag-nod na lang ako.

Ano ba naman yan, kakapasok ko na lang may activity kaagad. Saka as if naman na sasagutin ko yung mga tanong mo. Hahaha kidding.

Nilibot ng mata ko yung room, wala siya dito. Hindi ko siya kaklase. Mukhang mahihirapan ako nito ah. Naghanap na lang ako ng bakanteng upuan. Tapos bilang may nagtaas ng kamay at sinabing

“You may sit here.”Sabi nung isang babae habang tina-tap yung bakanteng upusan sa tabi niya.

She looks nice naman kaya doon na ako umupo. Gusto ko din kasi nasa bandang likod.

“Hi. I’m Loreen Valdez.” Then nagsalita yung katabi niya

“And I’m Ericka Swan.” Nag-nod ako at ngumiti.

Pareho naman silang maganda pero sympre mas maganda pa rin ako. Haha! Look how conceited I am.

Biglang naputol yung kagagahan na iniisip ko noong magsalita yung katabi ko.

“You came from what school? Bakit second quarter ka na lumipat?” Sabi ko na nga ba’t mangungulit sila e.

“St. Anthony High and for your second question..” I smiled “SECRET” Hahaha!

“Fine. You can share that some other time, maybe?” Ang kulit nito. Amp

“Yeah. MAYBE.” We’ll see. Mukhang positive naman yung aura nitong dalawang to e.

Inaayos ko yung mga gamit ko. Yung table kasi naming may compartment. Napi-flip yung takip then pwede mo ng ilagay yung books and everything. Habang busy ako sa pag-aayos,biglang may kumatok at bumukas yung sliding door ng room namin. Biglang umingay at pero parang mga babaeng kaklase ko lang yung nagkakagulo. Tinignan ko sila. Ghad. Yung iba parang naiihi sa kinauupuan nila. Pero mas malala yung iba, para silang mga bulateng binuhusan ng asin. Mga itsura ng mga ‘to.

Binaling ko naman yung tingin ko doon sa pumasok. Nagulat ako saka nagtataka at the same time. Siya yung kausap ko kanina ha. Yung captain ng basketball team. Bakit kaya niya kinakausap si sir?

Nag-nod si sir tapos biglang humarap sa’min at nag-salita.

“Ms. San Gabriel, you may go now.”

Huh?

Lalong lumakas yung ingay. Nagbubulungan naman yung iba.

“May iba pa bang San Gabriel dito?” tanong ko kay Loreen.

“Wala na. Ikaw yung tinutukoy ni Sir! Haha! Teka anong gagawin niyo ni Kaiven ha!? Paano mo siya na kilala?!” Ayan na naman. Grabe ang tanong ng babaeng to.

“Ah eh. Kanina lang. Sige punta na ko dun.” Nag-wave ako sa kanila nung Erika. May sasabihin pa sana sila pero binilisan ko na yung lakad papalabas.

“What?” I said while raising an eyebrow.

“Anong what? We have a deal right? Nagi-start na si Ma’am mag-discuss. So c’mon.”

Her 27 Footnotes (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon