CHAPTER THREE

31 1 1
                                    

"Hindi ako pinapaakyat nitong bago niyong maid oh!" Reklamo niya.

Akala ko naman kung sino.

"Calm down Lah. Ate, best friend ko po siya. Okay na po, salamat."

"Ganun po ba ma'am, sorry po." Pagkatapos lumabas na siya.

"Ano ba naman yang bagong maid niyo, nakakaubos ng energy! Haha! Anyways, ikaw hindi mo man lang ako binalitaan sa firs..." napatingin siya sa kamay ko at napatigil "Omy! Anong nangyari dyan? Don't tell me..."

"Hep! Please tone down your voice Lah! I'm about to sleep oh. Dapat tatawagan kita kaso masyado akong pagod. And about this, NO not him. It's because of some jelly girls."

Nagkwetuhan lang kami ni Kaila. Magkapatid kami pero magkaiba ng magulang. We're sisters at heart. Halos sabay na kami lumaki e. Sa kanya lang ako nagpapakatotoo sa ngayon. She witnessed all my dramas in life. She used to call me "EMS" short for "EMO" daw. I keep on telling her to stop calling me that name. Ayaw lang papigil.

Nagkwentuhan kami ng halos tatlong oras. Di ako makapagpahinga ng maayos e, pero okay na din kasi naaliw din ako. Baliw baliw kasi 'tong babaeng 'to e. Umalis na rin siya after naming magusap. May pasok pa daw kasi bukas.

Nawala yung antok ko kaya nakahiga lang ako. Bigla akong may naisip kaya kinuha ko yung laptop ko tapos sinimulan. Inabot din ako ng dalawang oras sa pagta-type. Hanggang naramdaman ko na yung antok. Pinatay ko na yung laptop at ilaw tas natulog na ko.

---

Muntik na akong late! Medyo masama pa din ang pakiramdam ko. Sarap kalbuhin nung mga gumawa sa akin nito!

Binilisan ko yung pagkilos para di ako malate, nakakahiya naman kung pangalawang araw ko tapos late na naman ako.

Binilisan na lang ni Manong yung pagda-drive para umabot ako.

Sakto lang naman yung pag dating ko.

"Hi! Good Morning!"

"Morning." Sagot ko.

Ang hyper talaga nitong babaeng 'to. Si Ericka naman minsan lang magsalita. Sabagay, kahapon ko pa lang naman sila nakikilala.

"Anong nangyari dyan?" tanong ni Ericka habang nakatingin sa paso ko.

"Hapon, sa H.E lab. TIngin ko sadya 'to nung mga babae sa kabilang room e."

"Ano ba kasing ginawa mo doon? Saka paano kayo nagkakilala ni Kaiven? Kamusta ka na?" Eto na naman ang makulit na si Loreen.

"Ang dami mo namang tanong. Pwede naman isa isa lang d'ba? Haha! Ikwento ko after class. Andyan na si ma'am e."

Kapalagayan ko na silang dalawa ng loob. Mukha naman silang mabait kahit medyo weird ang dalawang 'to. Mukhang close na close ang dalawang 'to.

Mabilis lumipas yung oras. Di ko namalayan na break na pala.

"Hey! Ikwento mo na!"

"Grabe. Excited lang Loreen?"

Kaka-bell lang. Parang automatic na nakikibalita. Haha

Ikinuwento ko na nga yung nangyari kahapon habang papunta sa cafeteria. Nalaman ko na ang dami pala talagang nagkakandarapa sa mga yun. Malamang daw na sadya talaga nung mga babaeng yun ang pagkakapaso sa akin.

Nakabili na kami ng pagkain namin ng may pamilyar na boses akong narinig.

"Hi!"

"Hello!"

Nilingon ko at nakita ko si Kai kasama yung apat.

"Hello. Hmm. Baka naman hindi lang paso ang mapala ko sa susunod kung dumikit pa ko sa inyo ha?"

"No. I won't let that to happen." Sinasabi niya yung habang nagbebend siya para magkasing level na kami at tinitigan niya ako sa mga mata ko.

Napaiwas naman agad ako ng tingin. Ang awkward! Ang dami kayang tao.Nagpapa-cute ba siya?! Tch!

"So you'll be protecting me. Sounds great. Thanks!" Pinagpatuloy ko yung pagkain ko.

"Ganun lang yun? Hindi ka man lang tinablan ng mga titig ni Captain!? Iba ka talaga Felice!"

Hindi ko na nasagot yung tanong ni Pat dahil biglang dumating si Arden.

May sama na naman siyang babae. Pero tingin ko siya din yung kasama niya kahapon e. Yung kahalikan niya sa field at corridor. Two weeks maximum, yun daw ang taning niya sa mga babae niya.

Tumingin ako sa watch ko.

"We have to go." Sabi ko sa kanila.

Halos kakaumpisa pa lang naming pero nawala ako sa mood.

"Bakit naman? Ang bilis naman hindi niyo pa nga nauubos yung pagkain niyo."

Kinindatan ko lang si Ralph then half-smile.

Bakit ba ang tanong ng mga tao dito? Haha

"Aalis na talaga kayo?" tanong ni Kai.

"Yep."

Tinignan ko naman yung dalawa. Si Ericka N/R pero si Loreen parang nagmamakaawa yung mata niya na wag munang umalis!

If I know dahil napapaligiran siya ng mga gwapo. Cute talaga nitong babaeng 'to. Haha

"Can we just finish our foods?"

Fine! We're really not yet done.

"Hmkay."

"Ayon naman pala e." Sabi ni Paul.

Biglang nagsalita yung kasama ni Arden. Ano bang pangalan ng lintang yun? Kanina pa nakakapit sa kanya. Hindi ba PDA yun? Para siyang ahas na nakalingkis sa puno e. Okay, sa gwapong puno.

Bumalik na din kami sa room after kumain.

"Kanina ang sigla sigla mong nagkukwento. Tapos ngayon hindi na maipinta yang mukha mo."

Wala ako sa mood ngayon. Magkakaroon na siguro ako ng dalaw kaya moody na naman ako. Ayaw ko munang makita yung puno't ahas na yun. Naaalibadbaran ako e. Tch!

"Ewan ko ba." *sigh*

"Let's hang out after class?" Alok ni Ericka.

"Game ako dyan." Agad na sagot ni Loreen.

"Saan ba?"

"Shopping or movie?"

"Shopping." My choice.

"Then, shopping it is!" Masiglang sabi ni Loreen.

Energetic talaga. Bagay silang magsama ni Lah!

Nagring na yung bell kaya umayos na kami.

Dumating na si Ma'am at nagsimulang magdiscuss.

Parang wala naman pumapasok sa utak ko e. Nakakatamad talaga 'tong araw na 'to.

Hanggang naglunch na. Kain tapos kwentuhan. Excited 'tong isa kasi first time daw namin magmo-mall tatlo.

Buti hindi kami kinulit ng mga lalaking 'yon kahit nasa kalapit lang na lamesa. Parang may pinaguusapan sila e. Okay mind your own business nga daw sabi nila.

Bumalik na kami ng room. Tuloy lang din ulit sa class hanggang sa matapos.

Nagring na yung bell. Biglang nagtilian yung mga kaklase naming babae.

"Let's go girls?"

- - -

4 weeks bago ako nakapagupdate! Pasensya na. Hindi kasi ako makuntento sa nagawa ko nung nakaraan e. So eto lang yung nakayanan ko ngayon, maikli't pabitin. Haha! Pipilitin kong magupdate agad.

Hindi ko rin 'to binasa ulit so pasensya na kung may typo errors. ;))

Ang baliw at cute na cute na si Felice(Park Han Byul) sa right side, multimedia! :))

Dedicated to sa isa sa bestfriends ko na si DysenteryAnalyn!

"Kelan mo naman balak magupdate?" Nahiya naman ako sa kanya e. Hahahaha!

♥ Read. Comment . Vote . Share ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her 27 Footnotes (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon