Never Beg For Love

2 0 0
                                    


hi guys im back!!!!

it's been a long time, na busy kasi sa k-drama ang lola niyo kaya nakalimutan nang mag update, anyway, I want to share with you my thoughts about the title of my update today, " never beg for love. "

Never beg for love, why? dahil ang pagmamahal guys ay kusang ibinibigay yan hindi yan hinihingi and most importantly hindi ka dapat nagmamakaawa sa isang tao para lang mahalin ka niya or para tanggapin at ibalik din niya ang pagmamahal mo, kung mahal ka nang isang tao hindi mo na kailangan pang magmakaawa sa kanya dahil kusa niyang ibibigay sayo ang puso niya.

it's the same thing for those people who were left behind by their loved ones for someone else, never ever beg that person to come back and stay with you. why? because if that person truly loved you he will never leave you in the first place just for someone else. hindi ka iiwanan at ipagpapalit sa iba niyan kung talagang mahal ka niya, kaya please lang huwag na huwag kang magmamakaawa sa kanya para lang  mag stay siya at huwag nang sumama sa bago niya, alam mo kung bakit? dahil kahit pa sabihin nating nag stay siya sayo dahil naawa siya sayo or dahil may mga anak kayo, hindi din kayo magiging masaya dahil tulad nga nang sabi sa kantang paubaya ikaw ang kasama pero iba ang mahal at ikaw ang kayakap pero iba naman ang iniisip niya. 

have mercy on your self, ate/kuya huwag mong ibaba ang sarili mo dahil lang sa isang walang kwentang tao, he's/she's not worth fighting for kung ang dahilan ng pag iwan niya sayo ay dahil nagmahal siya ng iba at sumama siya sa iba, let him go and show him/her that it's not your loss, show him/her that you can live without him/her in your life.

be strong and become a better version of your self when you were still together, show him/her that your life is better without him/her on it , dahil tulad nga ng kasabihang nasa huli ang pag sisi kaya ipakita mo sa kanya na kayang kaya mong magpatuloy sa buhay mo kahit iniwan ka niya sa ere, laban lang dahil hindi totoong hindi mo kakayaning mabuhay kapag iniwan ka ng taong mahal mo, that's bullsh*t nabuhay ka nga noong hindi mo pa siya nakikilala diba, i know na masakit ang maiwanan pero mas masakit ang magpakatanga at maging martyr turture yan, kaya iwasan ang maging tanga lalo na ang maging martyr dahil nagbibigti na mga martyr ngayon.

Always pray to god na huwag ka niyang pababayaan at lagi kang gabayan sa pang araw araw mong buhay dahil hindi ka naman bibigyan ni god ng problema na hindi mo kayang lusutan, just always remember everything happens for a reason so, there's always a reason why god let that person cheat on you or leave you, don't settle for less guys let the cheater and irresponsible go and start a better journey of your life alone or with someone who is better than the one who left you.

good luck on your journey for a better tommorow,, FIGHTING!!!!


hi guys hanggang dito nalang muna ako ngayon, late na din kasi ako nagsulat and im really sorry kung marami man mali tong update ko ngayon sana maintindihan niyo dahil wala na talaga akong time na e review pa tong sinulat ko, any way highway,,,,

thank you sa lahat ng nagbasa nitong sinulat ko, maraming salamat sa pagtyatyaga mong magbasa ng mga sinusulat ko kahit alam ko namang hindi kagandahan ang laman ng mga sinusulat ko.

mag iingat po kayo palagi, especially now a days na nanjan pa si covid, always wear your mask when you go outside and iwasan niyo pong pumunta sa mga crowded area at kung hindi naman importante ay huwag nalang lumabas ng bahay para safe.

stay healthy everyone! god bless you all.

mwaaaaaaahhhhhhh love lots 😘😘😘😘😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga payo Ni Nylia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon