i

1.3K 54 46
                                    

Homeroom namin ngayon at pinayagan kaming pumunta sa field para magmuni-muni at magdrama, ay hindi. Magcoconcert pala kami dun, sa gitna ng field. Joke lang. Hehe.

Maglalaro daw kami e. Gusto naman namin dahil sino ba ang aayaw makapaglaro kesa makapag-aral?

Ako nga pala si Chanel Jane Buenaventura. 3rd year highschool student. Yun lang talaga yung sasabihin ko e, haha.

Nakarating na din kami sa field sa wakas kasi naman sinusundan ko lang silang lahat, malay ko bang nagpasikot-sikot pa pala sila sa buong campus habang wala ako sa sarili ko dahil nagk-kwento ako. Dapat pala di na ako sumunod sa kanila.

"Jane! Sali ka sa amin. Mataya-taya." Sabi ni Crystal. Kaklase ko. Actually, bestfriend ko nga rin yan e.

"Hindi na muna." sagot ko na may kasamang ngiti. Nginitian niya lang din naman ako at tumakbo na kasama yung iba pa naming mga kaklase.

Akala ko ba homeroom? Diba dapat sama-sama? Bonding? Pero alam niyo nangyari? Ayan, hiwa-hiwalay.

Yung iba nagtatayaan, yung iba nagtataguan, naghaharangan, tapos may mga tumatalon din. Highschool ba 'to o preschool?

Pero dahil free time namin at obvious na matagal-tagal pa bago magbell. Naubusan na rin sila ng magagawa at nagsihigaan sa damo. Mamaya-maya, humiga na din ako.

Lahat talaga kami nakahiga except sa iba.

Maya-maya tinopak na naman sila at umupo. May isang sumigaw nga e.

"Gawa tayong bilog!" sigaw niya. Nagsisunuran naman kami. Haha. Mga dakilang uto-uto.

Ayun, edi ang laki nung bilog kasi madami din kami e, mga 48 yata. Kasama na namin si ma'am.

"Ganito yan. Dahil wala na tayong magawa at wala nang kwenta mga ginagawa natin. Let's do the usual. The best of all games. The legendary... Agawan Base." sabi ng president namin. Siya yung laging sumisigaw.

Bigla na lang lumaki yung mga ngiti namin at nagkatinginan.

"Sige ba."

"Oo nga, nakakamiss."

"Grabe. Dali, tayo na guys! Laro na tayo."

Alam niyo ba kung bakit lahat sila excited kasama ako? Kasi nung grade school kami, Agawan base yung madalas naming laruin, at marami sa klase namin ang palaging panalo.

Oo na. Yung school na namin yung weird. Kasama sa intramurals at intersection ang Agawan Base. 'Wag kayo, ganyan talaga kapag astig yung principal.

"Teka teka... Meeting na tayo." Sabi ni president. Babae siya. Ang laban namin is Boys vs. Girls.

"Ano plano mo, Jane?" tanong ni Ms. President.

"Ganito kasi yan.... Blah blah blah blah..." sabi ko.

"Teka teka. Paano yan? Karamihan sa atin di na marunong, 1st year pa yung huling laro natin e." sabi sa akin nila Angeli.

"Ha? E hindi ako marunong kung paano magexplain kung paano maglaro. Plano lang naman tsaka bwelo ako magaling e." sabi ko at kinamot ang ulo ko.

"Ako na lang ang mag-eexplain" sabi ni Crystal.

Nakinig lang naman ako sa explanation niya dahil wala lang.

"Ganito kasi yan... Dahil sa we have two bases diba? Yung pwesto nating ito. Para siyang power base. Dito ka kumukuha ng lakas. Kapag sila tumira o pumunta papalapit at nandito ka pa din kontrolado ang base, meaning babad ka and mas malakas ang power mo. Pwede mo siyang tirahin at mahuli. Kapag vice versa, uurong ka kasi kapag mas babad sila. Mas malakas. Mahuhuli ka nila lalo na kapag mabagal ka tumakbo. Umaasa tayo kay Jane dahil sa siya ang pinakamalakas at pinakamagaling dito, pero ito na talaga ang main point ko. Kapag mas malakas ka at nahuli mo na siya, don't ever let him go dahil sa'yo na siya. This is like a race, paunahan. It's either someone steals you and locks you away, or you get to steal them first and claim them as yours. We won't be selfish, kailangan tayo ni Jane para manalo tayo. We are all in this together." Sabi ni Crystal.

Agawan Base [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon