after two years

160 4 3
                                    

GUYS, SORRY! Andami nang nagbasa nito at malamang-lamang ay umaasa pa din yung iba sa update nito.


Feeling ko talaga di ko na maa-update 'to, madami akong rason. 


Una, kasi hindi na talaga ako kathniel fan. Natapos na yun, 2013 pa. Paobvious na siguro dahil lahat ng stories ko wala nang connection sa kanila.

Pangalawa, after two years, siguro wala nang naghihintay. Ito yung update ko after two years, sorry talaga guys pero mga 10% chance na lang yung chance na magpopost pa ko dito ng finale.

Pangatlo, hindi ko gusto masyado 'tong story na 'to nung binasa ko na ulit. Ang mixed, ang disorganized, naiinis ako dahil feeling ko inlove ata ako dati sa mga period, pakadami, jusko. 'Tas yung taglish, ang inconsistent. Irerewrite ko siguro 'to, inedit ko na nga ngayong gabi e, pero di ko din natapos, pero kapag ginanahan ako, irerewrite ko. Gusto ko nga sana i-unpublish pansamantala kaso 'wag na lang siguro.

Pang-apat, "Joke! May part three pa! Magdiwang. Mahaba kasi masyado kaya pinaiksi ko. Yun. Tatapusin ko pa itype yun." Meron talaga akong pangpart three neto, napag-usapan na namin yun ng mga kaibigan ko...2 years ago. Ganito kasi yun, hindi ko alam kung alam niyo, pero nagmalfunction 'tong laptop ko, as in namatay siya. Hindi na bumukas ulit, so pinaayos. Nung pinaayos, kinelangan ireformat. Lahat lahat ng sinulat ko nawala. As in, lahat. Yung first story ko, HMBDN, second story, BAKNL, lahat nang yun na nakadraft status nawala. Pati yung part three, at alam ng iba kong mga kaibigan dito sa wattpad kung gaano kauniversal ang utak ko, pagtapos ng bawat isang oras, may bagong idea. So... nakalimutan ko yung ending.

Panglima, hindi na talaga ako motivated magsulat nito. Nung nireread ko, maniwala kayo, gusto kong burahin. Hindi ako masyadong masaya sa gawa ko, haha, tsaka kasi sinulat ko 'to, sole purpose para sa crush ko nung 1st year na ngayon... well, wala na yun. Haha.

Pang-anim, gusto ko na lang talaga malaman niyo na baka hindi ko na 'to tapusin, at kung tinitignan niyo yung published works ko recently, hindi na tagalog kasi nagpapractice ako ng writing ko sa english. As in, focus ko talaga ay yung language vocabulary and grammar ko. Iniiwasan ko magsulat ng tagalog as much as possible. For future purposes kasi. 

Um. Siguro, hindi na ko makakapagsulat ng full-pledge kaya sasabihin ko sa inyo kung ano (kahit maliit lang na naaalala ko) yung ending na nasa isip ko 2 years ago... Hindi talaga sila magkakatuluyan, hindi ko alam kung kelan ako magsusulat ng storya na magkakatuluyan sila. Haha. Pero matagal nang set yun, hindi sila magkakatuluyan, aalis si Jane. Siya yung aalis. Tatalikuran niya na si Angelo. Um, teka segway. HBD nga pala, alam kong di mo mababasa 'to, but whatever. Tapos ang debate ko sa sarili ko nun ay kung mamamatay si Jane o hindi. Hindi ko pa naresolve yun. Meron, isang situation, tungkol kay Angelo tsaka sa girlfriend niya, hindi ko na maalala, pero magbebreak ata sila (parang hindi ako yung author, nakakaloka). Pero pinakawalan ni Jane yung feelings niya, tapos lumabas na siya sa buhay ni Angelo. Yun lang talaga yun. Pero mas masaya siguro kung may hugot diba. Kaya... iisip ako ng hugot line para naman hindi niyo ko sugurin sa bahay ko kahit papaano.


"Angelo, pwede bang pakibalik na ng puso ko? This time, I swear. Itatali ko na siya ng mahigpit sa akin, hindi ko na siya hahayaang tumakbo pabalik sa'yo, kahit na anong iyak niya, hindi na ko magiging mahina. Just please, give me back my heart. Dalawa man ang kamay mo at kaya mo mang humawak ng dalawang puso, alam kong iisa lang ang makakatanggap ng higit na pagmamahal mula sa'yo, at alam kong hindi sa akin yun, kaya parang awa mo na, akin na lang ulit 'yang puso ko. Kahit na sugatan at nahihirapan na siyang tumibok, gumagana pa naman diba? At pinapangako ko sa'yo, hindi ko na siya hahayaang tumibok pa para sa'yo. Ibalik mo lang sakin, please."



Ciao, jkjk. Hehe. Sorry ulit, bye guys! [May 2, 2015. 1:33 am]

Agawan Base [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon