Ehem. Bago niyo basahin ito. Ang mga sumusunod na kabanata ay Rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng tissue ay kailangan :3 Maaaring may mga tema na maselan para sa mga damdamin tulad ng mga eksenang nakabibitin. Lol. Iiinform ko lang 'ho kayo na... hindi ito maayos. Wala lang.
————————————————————————
Jane's POV
"Ayaw ko sa'yo, Hindi kita gusto! At mas lalong hindi kita mahal. Kahit kailan hindi kita magugustuhan o mamahalin man, dahil wala kang kwenta! At may mahal akong iba.."
"Ayaw ko sa'yo, Hindi kita gusto! At mas lalong hindi kita mahal. Kahit kailan hindi kita magugustuhan o mamahalin man, dahil wala kang kwenta! At may mahal akong iba.."
"Ayaw ko sa'yo, Hindi kita gusto! At mas lalong hindi kita mahal. Kahit kailan hindi kita magugustuhan o mamahalin man, dahil wala kang kwenta! At may mahal akong iba.."
"Ayaw ko sa'yo, Hindi kita gusto! At mas lalong hindi kita mahal. Kahit kailan hindi kita magugustuhan o mamahalin man, dahil wala kang kwenta! At may mahal akong iba.. "
"Jane!" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pangalan ko. Iminulat ko ang mga mata ko at naramdaman kong may mga luhang tumutulo galing sa mga mata ko.
"Jane... Ano bang nangyayari sa'yo? Ilang araw ka nang ganyan. Sabi sa akin ng mga kaibigan mo, hindi ka daw nila makausap ng maayos. And I've been noticing the changes na nangyayari sa'yo after the day na naglaro kayo ng Agawan Base." sabi sa akin ni ma'am sa may pag-aalalang tono.
Nandito pala ako sa loob ng classroom. Ako ang pinakamaaga.
Oo. Pagkatapos ng larong yun, nawala na ako sa sarili ko. Hindi dahil sa laro pero dahil sa panaginip. No. Hindi panaginip actually, kundi bangungot.
Patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Ang sakit sakit. Lumakas din ang paghagulgol ko.
Naramdaman ko na lang ang pagtapik ni ma'am sa balikat ko ng mahinhin at hawakan ang mga kamay ko.
"Makikinig ako."
Nanggaling ako sa school pagkatapos naming maglaro. Nanalo ang mga lalaki. Sa bilis ba naman ng galaw ni Angelo. Kahit na anong huli ng mga kakampi ko. Mas madami pa din ang naretrieve ni Angelo.
Masyado nang masakit ang ulo ko para alalahanin ang lahat. Kailangan kong mag-isip ng maayos. Kailangan kong magpahinga. Dahil pagod na pagod na ako.
"Ma'am kung mahuhuli ko kaya siya sa larong ito, magiging akin kaya siya?"
"Depende siguro kung magpapahuli din siya sa'yo. Alam mong mabilis siya, alam mong iba siya. Alam mong sa larong ito. Kapag ayaw na ng kalaban, kapag mahina na ang parehong kampo... kailangan niyo nang ibalik ang pagmamay-ari nila, at ibabalik din nila ang pagmamay-ari niyo. Therefore, maaaring naging sa'yo siya. Pero alam nating lahat, na hindi iyon permanente. Paano kung natapos na ang laro? Paano kung pumayag man ang mga kakampi mo na ibalik ang nakuha niyo kapalit ng nakuha nila? Paano? Ano ang gagawin mo?"
Natahimik ako sa sagot ni miss.
"Kahit na... kahit na magtraining ka pa. Kahit magpractice ka pa. Kung siya din naman, nagt-training. Wala din. Kung mahuli mo man siya, pero matatapos naman ang laro. Hindi mo siya matatawag na sa'yo." Ito ang sigaw sa akin ng isip ko.
Hanggang sa nagtapos ang laro, 'yun lang ang tumatakbo sa isip ko.
Kung pwede lang na hindi matapos, kung pwede lang.
BINABASA MO ANG
Agawan Base [Short Story]
Romance"Ma'am, kung mahuhuli ko kaya siya sa larong ito, magiging akin kaya siya?" -Chanel Jane Buenaventura [All Rights Reserved. Credits to @vanillaninja for the wonderful cover.]