Chapter 7: Kailan?

2.3K 143 79
                                    

Chapter 7

"Kailan?"

Noah:

Year: 2005, Manila (Present)

Pagdating ni Adam sa tapat ng classroom ay natigilan ito bago pa makapasok. Saktong nakasandig ang ulo ko sa kamay ng upuan. Nang maaninag ko siya ay agad akong napapikit. Napahinto siya nang mapansin niyang mukha akong natutulog. Ang ulo ko ay nakaunan sa aking mga braso habang nakatapat sa pinto.

Bahagya kong minulat ang aking isang mata. Sapat lamang upang hindi niya mapansin na ako'y gising talaga. Pinipigilan ko ang aking mga tawa habang tinitignan ang itsura niya.

Pinagmamasdan niya akong mabuti. Panay ang lunok niya ng laway. Kita ko kung paano niya igala ang kanyang mata mula sa tanso kong buhok at makakapal kong mga kilay. Bahagyang bumaba ang kanyang tingin patungo sa aking leeg. Kitang-kita ko kung paano siya muling napalunok habang nakatitig sa bahaging iyon. Mabilis na nagsalubong ang kanyang mga kilay.

Malamang may ginawang kalokohan itong si abnuy kahapon.

"Hoy, Ambrosi! Tulala ka na naman. Ano ba yang tinitingnan mo?" usisa ni Jerson.

Si Jerson Gilas ay isa sa mga kaibigan ni Adam. Minsan ay naikuwento na siya sa akin ng kilala kong kuya sa ilalim ng puno. Madali niya itong makasundo at matagal na niya itong kakilala. Matangkad na binata ito at mas matanda ng isang taon kay Adam. Kabilang ito sa Section 2.

Sinundan ni Jerson ang tinitingnan ni Adam at napansin ko kung paano nagliwanag ang mata nito.

"Wow, ang guwapo! Sino iyang tinititigan mo?" muling tanong nito. Nakagtingin ito sa direksyon ko. Kinagat ko ang labi ko. Tawang-tawa na ako sa itsura ko.

"Sino ba ang tinutukoy mo, Gilas? Hindi ako diyan nakatitig, doon oh, kay Jade."

Sinungaling!

Nahihiya si Adam sa itsura niya dahil halata naman talaga kung kanino siya nakatingin kanina.

Nakita ni Jerson ang kaibigan nilang si Jade na nagsasalamin at busy sa pag-aayos ng kilay nito. Nang makita siya ni Jade ay kumaway lamang ito at bumalik sa ginagawa niya.

"Oh, ayan, kay Jade ka nakatingin, ha? Akin na ito," saad ni Jerson habang nakatitig pa rin sa akin.

Muli kong nakita ang pagsusungit sa mukha ni Adam. Agad niyang sinuway ito upang bumalik na sa classroom nila. "Bumalik ka na nga sa kwarto ninyo! Maabutan ka pa ni Ma'am Desalisa rito. Pareho pa tayong mapagalitan!"

"Saglit lang, magpapakilala lang ako sa mahal ko," sabi ni Jerson. Nairita na lalo si Adam sa narinig niya. Ayon sa mga kuwento ni Kuya Adam na kilala ko, hindi sikreto sa kanya ang kasarian ng kaibigan nitong si Jerson. Maraming beses na rin silang nagsalitan ng sikreto sa isa't isa. Sanay na rin si Jerson sa mainiting ugali ni Adam na madalas din niyang hindi pinapatulan.

"Sige na, bumalik ka na roon. Aral muna bago landi," natatawang saway ni Adam. Nagtatalo silang dalawa sa labas nang medyo naiirita na ako sa ingay na ginagawa nila.

"Ambrosi?" sambit ko habang kinukusot ang aking mga mata.

Ang dalawang lalaki sa labas ay natigilan sa pag-aalaskahan nila. Pareho silang nakatitig sa akin na halatang kagigising lang. Napatingin si Jerson kay Adam na nakatulala sa puwesto niyo. Nang makita ni Jerson na hindi umiimik ang katabi niya ay inunahan niya na itong pumasok sa classroom.

"Hi! My name is Jerson. Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ni Jerson. Abot-tainga ang ngiti nito habang tinatangka akong kamayan.

"Noah... Noah Arr..."

Ark and Apple (The Time Traveler's Boyfriend Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon