1

11 3 1
                                    


To all writers out there,

Nais ko lamang na ilahad ang aking naging karanasan bilang isang manunulat na nagmula sa pinakaumpisa... Sana ay mabigyan ko kayo ng inspirasyon na ipagpatuloy ang inyong pagsusulat ng mga storya.

Medyo abala ako sa pagsusulat ng nobela. Nalaman ko kasi mula sa isang kaibigan na maaari akong kumita ng pera kapag naging patok sa mga mambabasa ang aking istorya. Kaya heto ako ngayon, todo puyat upang makapag-update sa huling kabanata ng una kong nobela.

Sa totoo lang, kaunting readers pa lamang ang nakakadiskubre ng aking gawa. Pero tuwing nababasa ko ang kanilang mga positibong komento ay agad akong nabubuhayan at nagkakaroon ng sigla upang ipagpatuloy ang pagsusulat. Bukod sa mga readers ko na hindi ako kilala, walang iba ang nakakaalam sa akin.

Ibang-iba ang pen name ko mula sa totoo kong pangalan at isa pa, hindi ko ipinagsabi sa mga kaibigan ko ang tungkol dito. Nais ko kasing maging sikat na manunulat sa sariling sikap. Oo, masaya kung susuportahan nila ako pero kinakailangan ko rin ng totoong feedbacks mula sa mga estranghero. Sa ganoong paraan, masisiguro ako kung maayos ba talaga ang galaw ng aking storya.

Pero sa aking panunulat bilang isang unknown author, mayroon akong isang napakakulit na lalaking reader. Isa siya sa mga nauunang mag-like kada update ko sa kabanata. Hindi rin siya nagpapahuli sa pag-comment. Madalas pa nga ay nag-iiwan siya ng mga long sweet messages sa aking page.

'Di ko na matiis siya at ako'y nag-PM sa kanya isang beses. Tinanong ko siya kung bakit ang kulit kulit niya. Ang taging tugon niya lamang ay, "Kasi ikaw ang author. ❤️" Tila naguluhan naman ako sa reply niyang iyon.

Teka.. Anong ibig niyang sabihin dun? Hindi ko na lamang pinagbigyang pansin ang kanyang sinabi at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Katulad ng dati, ay makulit pa rin siya. Tila dumoble yata ang kakulitan niya mula nang i-PM ko siya, lagi siyang nagcha-chat at minsan pa nga ay nag-iiwan ng mga mensaheng relate sa pag-ibig. Hay nako, mali yata ang desisyon kong iyon at halata namang nalilito ang aking reader sa pagkakaiba ng paghanga bilang reader at seryosong pag-ibig.

Hindi ko na lamang siya pinapansin at pinindot pa nga ang Mute option mula sa chat. Pasensya na aking reader, pero ayaw ko lang talaga sa mga makukulit. Sana makahanap ka na ng babaeng iyong kukulitin sa iyong pagmamahal. Napansin ko na lang sa huli, na tumigil na sa pagcha-chat ang aking reader, hindi na rin siya naglalagay ng komento sa storya ko. Sigurado ako na naka-move on na siya at nakahanap na ng iba. Masaya ako para sa kanya.

Isang araw, may nag-post na isang reader ng ikalawang nobela ko sa social media kaya't grabe ang itinaas na bilang ng mga sumusuporta sa akin. Kung noon ay tuwing trip lang mag-u-update, ngayon ay may strict schedule na akong inihanda lalo na't ayaw kong madismaya ang mga mambabasa ko.

'Di katulad ng dati kung saan palagi akong nagre-reply sa mga komento ng mga readers, ngayon ay madalang na lang. At madalas ay nagre-report pa ako ng mga comments na nagmula sa bashers ko.

Dahil dumami ang mga supporters ko gayun din ang bilang ng aking mga bashers. Lagi silang nagpo-post sa aking page na isa raw akong copycat at nag-plagiarise ng work mula sa mas sikat pa na author.

Imposible naman ang kanilang inaakusa dahil mas nauna akong nag-publish ng nobela kaysa sa author na "nanakawan" ng mga ideya. Kahit na gustuhin ko mang sabihin ang totoo sa lahat ay hindi ko magawa dahil iniisip ko ang maaaring pinsalang matamo ng nadamay na author.

Kapwa kami manunulat kaya alam ko ang hirap na dinaranas namin. Kinopya niya man ang ideya ko o hindi, masasaktan pa rin siya kung ipagpipilitan ko lamang ang katotohanan para sa kalinisan ng imahe ko. Hinding-hindi ako gagawa ng bagay na ikakasakit ng iba.

At isa pa, sigurado ako na kahit ano man ang gawin ko, hindi ako tatantanan ng mga bashers. Katulad nga ng sabi ni Taylor Swift sa Shake it off at sinabi na rin ni Kim Namjoon ng BTS💜, "Haters gonna hate." Wala na akong magagawa kung nais talaga nilang maglabas ng inis at galit.

Iniisip ko na lamang sa ibang perspektibo na maaari sa loob-looban nila ay mayroon silang kinikimkim na sakit, lungkot at hinanakit. Ang pangba-bash na lang ay ang tanging naging defense mechanism nila upang mabawasan ang kirot mula sa kanilang puso. Kung maaari lamang ay sana matulungan ko sila sa pamamagitan ng aking storya.

Sa patuloy kong pagpupuyat, ay kalimitan akong nahihimatay dahil na rin sa hindi pagkain ng wasto. Nag-aalala naman sa akin ang kapatid ko ngunit hindi ko sinabi sa kanya ang totoong rason kundi nagdahilan na lamang na pagod lang ito. Dahil desigido talaga akong matapos ang nobela, sinigurado ko na hindi na muli ako magpupuyat.

Ipinaalam ko sa mga mambabasa ko ang tungkol sa schedule ko. Mabuti na lamang at magalang silang sumang-ayon dito at pabiro pa akong sinabihan na dapat akong matulog sa sapat na oras.

Sa paglipas ng mga buwan, halos nakalimutan ko na ang unang rason ko kung bakit ako nagsimula sa pagsusulat. Oo, nung una ay dahil sa perang aking kikitain. Pero unti unti nang nagbago ang tungkulin ko nang makatagpo ako ng mga mambabasa ko na na-inspire sa storya at nagdesisyong magbagong buhay.

Ang kwento ng isa sa kanila ay isa raw siyang bully sa kanilang paaralan. Lagi rin niyang inaaway ang kanyang mga magulang. Madalas ay late siyang umuuwi sa kanilang tahanan at gusgusin pa ang itsura dahil sa pambubugbog nito sa mga kaaway. Pero simula ng madiskubre niya ang nobela ko, na-realize niya ang mga maling desisyon niya sa kanyang buhay at nagbago ng tuluyan. Ngayon ay nabalitaan ko na lang sa kanya na siya'y graduate na bilang isang Cumlaude.

Ang sarap sa pakiramdam na mayroon akong napapasaya sa aking mga sinusulat sa bawat pahina ng kada kabanata. Hindi ko aakalain na ang bawat salitang iniiwan ko sa nobela ay tatatak pala sa isipan ng mga mambabasa at ito'y nagbibigay sa kanila ng pag-asa na harapin ang bawat problema.

Naluluha ako habang isinusulat ang mga huling salita sa huling kabanata ng pinakahuling nobela. Ngayon, kinausap ko ang aking editor at nagpagdesisyunan ko na itigil na. Nagtatapos na ang aking journey bilang inyong secret author na nagtatago sa pen name na

"SayIShine."

Buhay ng Manunulat (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon