Simula

3 1 0
                                    

***

"Hindi pa ito ang huli Amak may darating pang susunod na paglalaban sa pagitan ng mga dragon, mauulit muli ang impyernong panahon, dapat maging handa! Ihanda ang mga panganay na anak ni Kunwa dahil sila lamang ang tunay na dugong bughaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi pa ito ang huli Amak may darating pang susunod na paglalaban sa pagitan ng mga dragon, mauulit muli ang impyernong panahon, dapat maging handa! Ihanda ang mga panganay na anak ni Kunwa dahil sila lamang ang tunay na dugong bughaw."

***

Napasigaw ang Raha sa takot, kanyang napanaginipan ang propesiya na matagal na niyang pinangangamba.

"Ano ang nangyayari sayo aking mahal!" Nag aalalang sabi ng kanyang Hara.

"Napanaginipan ko aking mahal ang mala impyernong ganap noon, hindi man ako nabuhay sa panahon na iyon ngunit ramdam na ramdam ko ang bigat! Ang hirap! Ang sakit sa aking buong katawan!" Giit ng Raha, ito'y pawis na pawis at nanginginig.

"Marahil masyado kang nag aalala kaya't nakita mo ito sa iyong panaginip." Ani ng Hara.

"Masaya akong natulog mahal, at bakit naman ako mag aalala gayong kita mo naman na sa isang libong taon ay payapa ang lahat."

"Kung gayon ano kaya ang pahiwatig nang panaginip mo? Mahabaging Aba! Wag naman po sana." Sambit ng Hara at dasal.

"Kailangan nating maghanda." Giit ng Raha.

"Bakit para saan?" Nag aalalang sambit ng Hara.

"Alam kong hindi pa panahon ngunit nais kong mapaaga ang alis ng ating anak."

Nagulat ang Hara sa biglaang disisyon ng kanyang asawa, maging siya ay nakaramdam narin ng takot. "Ngunit aking Raha!"

"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito ngunit nararamdaman ko na kailangan kong maghanda aking mahal. Hindi ako papayag na maulit ang pagtupok ng apoy sa buong kaharian.

Napahawak nalamang ang Hara sakanyang nag init na pisngi "Sandro anak."

***

Dahil sa panaginip na iyon ay nagpasya ang Raha na palisanin ng bansa ang nag iisang anak nito na si Sandro. Masyado pang bata ang prinsipe ngunit dahil sa hindi matahimik na pag iisip ng hari ay minainam na niya na ihanda ito nang sa ganoon ay maprotektahan ang buong kaharian ng Sarhendo.

Halos mayanig ang buong palasyo sa tinig ng Raha, pagalit na ito'ng nag uutos sa mga tauhan. Wala nalang nagawa ang batang si Sandro kundi sumunod. Hindi niya mawari ang ama dahil tila mayroong sigalot na nagaganap. Isa lamang ang hiling ni Sandro sa kanyang ama bago umalis at iyon ay ang magpaalam sa kaisa isahan niyang kaibigan na si Ursla. Halos huminahon naman ang Raha nang makita ang luha sa pisngi ng anak kaya naman pumayag ito.

Dali-daling pinag utos ng Raha na papuntahin si Sandro sa lugar nang tagpuan ng magkaibigan at naroon nga si Ursla bitbit nito ang bago niyang espada na pinagawa sa kanyang ama.

Natulala si Ursla dahil pusturang pustura ang kaibigan niyang prinsipe, agad itong tumakbo papalapit at doon ikiuwento ni Sandro ang mga naganap.

***

"Hala! Saan ka pupunta?" Naiiyak na tanong ni Ursla.

"Pupunta na ako sa ibang bansa para mag aral. Uuwi nalang ako pagkatapos nang kolehiyo. Wala akong magagawa Ursla. Mabigat ang responsibilidad ko bilang maharlikang royal." Giit ni Sandro.

"Bakit doon pa? Mayroon naman eskwela rito." ani Ursla.

"Obligado ako pumunta roon upang mag aral, lahat ng katulad kong magiging leader ng bansa ay walang magagawa. Nakasalalay sa amin ang ikauunlad ng lahat, pasensya na." Malungkot na sabi nang batang prinsipe. "Magkita nalang tayo after 14 years, susulatan kita lagi." Mungkahi pa nito.

"14 years? Baka makalimutan mo na ko 'non." Maktol ni Ursla.

"No way! Wag kang mag alala nandito ka lang palagi sa puso at isip ko." Giit Sandro sabay lagay ng kanyang kamay sa dibdib.

"Promise?" Ani Ursla at abang ng kanyang hinliliit na daliri para sa isang kasunduan.

"Promise close my heart and hope to die!" Pangako muli ni Sandro at tugon sa kasunduan ni Ursla.

Maya maya naman ay tinawag na si Sandro ng tauhan nitong lalaki, handa na ang lahat nang bagahe niya sa pag alis.

"Tara na po mahal na prinsipe." Magalang na sambit ng tauhan paglapit nito.

"Ok po, babye ulit Ursla salamat sa lahat." Ani Sandro na kinalungkot lalo ni Ursla, umiyak ito kaya naman naiyak narin si Sandro. Natulala naman ang tauhan dahil nag iyakan na ang mga bata. Naawa ito dahil masyado pang maaga para lumisan si Sandro, para sakanya ay dapat naglalaro muna ang batang prinsipe.

"Nakoo pasensya na kayo pero kailangan na natin talaga umalis." Sabi muli ng tauhan.

"Ok po ito na po." Humahagulgol na sabi ni Sandro, niyakap nalang nito si Ursla sabay kuha ng necklace niya sa kanyang bulsa. "Ito pala muntik ko na malimutan, bigay ko sayo ito, mommy chose this for you, lagi mo isuot ah." Napangiti si Ursla sa ganda ng necklace.

"Talikod ka." Ani Sandro, kanyang isinuot kay Ursla ang necklace. Napahawak si Ursla sa berdeng pendant nito. Tinitigan niya itong mabuti at siya'y natuwa, sa kinis nito'y halos makita niya ang kanyang sarili.

"Salamat Sandro." Ani Ursla.

"Paalam." Giit ni Sandro. Nagkawayan ang magkaibigan habang papasakay si Sandro sa karwahe.

Umiiyak na nakatanaw si Ursla habang papaalis si Sandro. Nag iisa lamang rin niyang kaibigan ito, dahil kadalasan ng batang babae sa village ay ayaw sakanya, sa kadahilanan mahilig ni Ursla ay panlalaking laro. Tanging ang batang prinsipe lang ang nagkagusto sakanya makipaglaro. Dahil tulad rin niya isa ring mapag isa ang prinsipe dahil lahat ng pinsan nito ay babae at manika ang gusto.

Magkasama sa paglalakbay ang dalawa simula anim taong gulang, nagkakilala sila sa kagubatan, kasalukuyan naglalaro ng espada noon si Ursla. Natuwa ang prinsipe sa nakita dahil di siya makapaniwala na ang isang batang babae ay maglalaro nang espada. Kasalukuyan siyang tinuturuan mangabayo ng tauhan noon at nagawi lang sila sa kagubatan. Nakipag kaibigan agad ang batang prinsipe kay Ursla.

Magmula noon ay lagi na sila nagkikita tuwing hapon at naglalaro nang kung anu ano.

Inalala lahat ni Ursla ang mga pangyayaring magkasama sila ni Sandro at lalo siya naiyak dahil magiging mag isa nalamang siya muli.

***

Ilang buwan at taon ang nakalipas ay naging mapag isa nalang nga si Ursla dahil kadalasan ng kabataang babae sa bayan ay iniintindi na ang pakikipagkasintahan. Sukang suka si Ursla sa mga ito dahil pumapasok na nga sila sa relasyong pinagbabawal ng mga matatanda. Gayon paman inatupag nalang ni Ursla ang pagtulong sa lola nitong manghihilot at dalubhasa sa espiritwal. Ang pinaka magaling na manghihilot sa bansa, ang babaylan.

The Last Fire "Dragon War"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon