Ashtrid Venice's POV
Kringgggg! Kringgggg!
"OWSHII, Late na ako mayghad di ako pwede malate sa first day." nagmadali ako magligo at magbihis para makaalis na.
Pagkababa ko ng hagdan ay agad kong nakita si Daddy na naghahanda ng almusal.
"DAD, bat di mo naman ako ginising?" napakamot ako sa ulo.
"Kasalanan ko ba eh late ka na naman natulog kagabi." sabi niya na parang sanay na sanay na sa paulit ulit na senaryo namin pag nalelate ako.
"Ehh may binasa kasi ako kaya nalate ako matulog, si Mama nga po pala Dad?" tanong ko na lang para madivert ang topic namin.
"Ayun tulog pa, mamaya pa yun magigising" sagot naman ni Dad habang umiinom ng kape
Inihatid na ako ni Dad sa school at sobrang bilis pa ng byahe dahil nagmamadali talaga kami. Hindi na din ako nakakain ng umagahan dahil super late na ako pag kumain pa ako.
Pagkababa ko ng kotse, tumakbo agad ako papunta sa stage habang napupuno na ng pila ang ground ng school namin.
"Ate Ven!" narinig kong tawag sa akin ni Pat na kasama ko sa Central Student Council na parang hinihintay talaga ako na dumating.
"Uyyy sorry talaga Pat, si Dad kasi di ako ginising ng maaga", paliwanag ko sa kanya habang binababa ko yung bag ko sa backstage.
"Okay lang Ate Ven, btw ikaw daw magdadasal and mag aannounce ngayon, ikaw rin daw leader sa morning exercise and dance, nasabi naman sayo ni Kuya Mat right?" saad ni Pat
"Oo naman noted!" sabi ko na lang habang naglalakad para simulan na ang morning routine sa school namin.
Natapos na ang morning exercise at agad akong nag announce ng details para sa first day
"Transferees, please proceed to the right side of the open stage for the school tour. The rest, you may now proceed to your respective classrooms quietly and orderly," sabi ko with my usual authoritative tone.
"Ate Ven, punta na kami sa SC room? Sino pala sasama sa mga transferees?" tanong ni Pat sa akin na parang binabalak sumama sa akin.
"Ako tsaka si Mat na lang, punta na kayo sa SC room para macheck niyo na yung mga wala pang name tags na transferees and freshies." sabi ko nalang para mapilitan sila pumunta sa SC room at maging productive man lang.
Pinapunta ko na sa gitna ng harapan ng stage ang mga transferees para masamahan ko na sa tour. Si Mat naman sa freshies since mas marami ang freshies and siya naman ang President.
"Hi everyone! You might be wondering why ako ang nag aassist sa inyo ngayon at kung sino ba ako. Let me introduce myself then, I am Ashtrid Venice A. Reyes and I am a student leader, the Vice President of the CSC at this Academy." pakilala ko with full confidence and authoritative tone pa rin.
I had a glimpse sa isang transferee na cute. Di naman na bago sa akin makakita ng transfer students kasi every year trabaho ko naman ito since isa ako sa SC na very entertaining daw. Nagfocus na lang ulit ako sa pagsasalita at pagsasabi ng mga details and origins sa mga lugar na nadadaanan namin. Napansin ko din na bored na sila kaya titigil na sana ako sa pagsasalita at ihahatid na sila sa kanya-kanyang rooms nila nang biglang iinterrupt ako nung transferee na cute.
"Yeah right, are we done here? Ang init na kasi eh" sabi niya na appartently nagtrigger ng inis ko at pagod.
"Yes, Mr?, who are you again? Ginagawa ko lang naman po yung trabaho ko, if may concern ka po, I can lead your way sa Guidance Office" irita pero professional pa rin na sagot ko sa kanya.
Napansin ata ng kasama niya na nababanas ako sa lalaking yon kaya agad niyang sinabi na okay lang daw, tuloy na lang daw sa tour. Nagexplain lang ako ng ilang bagay at pinayagan na silang umalis. Hindi ko na sila ihahatid since na badtrip na din ako.
Napansin kong lumapit sa akin yung Mr. Feeling kanina kasama yung isang lalaki na mabait.
"Bro, sabihin mo na" napansin kong sinabi ni Kuya na mabait sa kasama niya na nakakabanas.
Napansin ata niya na walang balak magsalita yung Mr. Feeling kaya siya na lang ang nagsalita.
"Hi Miss Ashtrid Venice, tama ba? Thank you nga pala sa tour ha? Ako nga pala si Jacob, Jacob Rivera, sorry pala kanina ha, bad mood lang tong tropa ko na toh" paliwanag niya sabay akbay sa kaibigan niya.
"Okay lang yon, anyway, you can call me Ven for short, 11th grade right?" tanong ko na lang
"Ah osige Ven, Oo grade 11 kami pareho" sabi niya sabay tingin sa kaibigan niya.
"Anyways, aalis na ako ha? I have a meeting with the council pa" sabi ko pagkatingin ko sa relo ko.
"Sige Ven, see you around!" sagot niya na naka smile.
Chineck ko na ang hawak kong folder kanina pa at aalis na sana nang biglang magsalita ang tao sa likod ko.
"Sorry Ms. VP, Patrick" maikling sabi niya sabay talikod.
Nagsorry agad sa akin si Jacob at hinabol ang kaibigan niya. Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad palayo.
"Weird" saad ko na lang.
--------------------------------------------------
REACTIONS GUYS!!!
YOU ARE READING
Chance Encounter
Teen FictionVen, an 11th grade student leader meets a jock who always pests her. How will she handle him?