"Ate Ven, how was it? May cute ba na transferees? tanong agad ni Pat pagdating ko sa SC room.
Inayos ko muna ang mga files ko sa table at ang mga dadalhin ko para sa meeting kasama ang board ng faculty. Pero di ko talaga makalimutan yung huling sinabi nung Mr. Feeling. So Patrick ata yung pangalan niya based sa sinabi niya. Oo nakikinig ako, di lang halata.
"Ate Ven may nakita ka ba na Patrick yung pangalan?" tanong ni Pat
"Ate Ven? Ate Ven? Huy" tawag sa akin ni Pat at Ayna.
"Huh?" tanong ko dahil di ko narinig yung sinasabi nila.
"Why are you spacing out ate, what happened? tanong ni Ayna habang inoobserbahan ang reaction ko.
"Uhm, it's nothing guys. Focus na tayo sa mga ginagawa natin, matatambakan na naman tayo." sabi ko na lang para wag na sila magtanong pa. Ayoko din magkwento kasi mahabang paliwanagan na naman ito. Hindi ko na rin tinanong pa kung ano yung mga nauna nilang sinabi at tinanong.
Habang nagnonotes ako sa table ko ng mga important points and key terms na gagamitin namin sa pag explain ng proposal sa faculty, dumating si Mat dala ang dalawang sandwich at isang Iced Tea.
"San ka bumili Mat?" tanong ko sa kanya kasi nagugutom na din ako. Di ako nakapag breakfast eh.
"Sayo tong isang sandwich, wala na akong budget kaya di na kita naibili ng Iced Tea, pero kung bibili ka, sa SHS Caf ako bumili, alam mo naman malakas tayo kay Ate Tala." saad niya habang nagpapacute.
"OMG! sige thank you, palagay na lang dyan sa table nung sandwich, bibili muna ako ng Iced Tea sa SHS Caf ah?" saad ko habang naglalakad palabas ng office.
Paglabas ko nagulat ako kasi andami nang estudyante sa labas. Kaya napatingin agad ako sa relo ko at narealize ko na recess na pala ng G7 at G9. Iba ang cafeteria nila kaya naglakad na ako papuntang SHS. Habang naglalakad ako, binabati ako ng lahat ng madadaanan ko na estudyante at bilang normally na ako, naka poker face lang ako habang naglalakad palayo. Sanay na naman sila na di ako palangiti at bumabati sa kanila.
Nang makarating ako sa SHS Building, nagmadali na ako dahil napansin ko na unti unti na din naglalabasan ang mga estudyante para sa recess. Ayoko sana makita yung antipatikong lalaki kanina kaya ako nagmamadali. Kaya lang nasira lahat yon ng narinig ko na may tumawag sa pangalan ko.
"Ven?, Uyy hello!, Sorry FC pero magrerecess ka na ba? Bakit parang hinihingal ka?" tanong ni Jacob sa akin at kasama niya na naman si Mr. Feeling.
"Hello, ah oo mag rerecess na din ako tsaka aakyat para mag attendance sa room, galing pa din kasi ako sa SC room ng Freshies Department." saad ko na lang.
"Ahh, mag aantay pa daw ng 15 mins sabi nung mga tao sa cafeteria since maaga lang naman kami pinalabas at hindi pa naman daw talaga recess." sabi niya habang nakaakbay sa balikat ng kaibigan niya.
"Ohh, sige una na ako sa inyo kung ganon" naglakad na ako papasok sa cafeteria kung saan wala pang estudyante dahil di pa pinapayagan pumasok ni Kuya Guard.
"Hi Kuya, I'll enter na ah?" sabi ko kay Kuya Paul na guard namin sa Cafeteria ng SHS.
"Syempre naman, sige pasok ka na Ven" sabi ni Kuya Guard with matching smile pa.
Pumasok na ako sa loob at dumiretso para bumili ng Iced Tea. Naihanda ko na rin ang card ko since yun yung ginagamit ko pambayad pag kumakain ako.
"Ate Tala! OMG namiss kita!" sigaw ko kay Ate Tala nang makita ko na nagpeprepare ng foods.
"Oh Ven, namiss din kita, tinatanong kita kay Mat kanina kaso nasa SC room ka daw. Mamaya na tayo magkwentuhan ah? Ano pala sayo?" tanong ni Ate Tala.
"Iced Tea Ate, yung green. Thank You" saad ko habang kinukuha ni Ate yung Iced Tea sa ref.
"Ito oh, sige Ven, mamaya na lang ah?" sabi niya at agad na bumalik sa kitchen para maghanda ng iba pang menu.
Naglakad na ako palabas ng cafeteria at agad binati ng mga estudyante. Nakita ko rin na parang naguguluhan si Jacob at Patrick kung bakit ako pinayagan bumili agad sa cafeteria.
"Tsss. Privileged" saad ni Patrick na halatang gusto niyang marinig ko talaga. Binatukan naman siya ni Jacob dahil napansin ata niya na napatingin ako sa kaibigan niya.
Aba gusto ata talaga nito na mapikon ako sa kanya. Siya gawin kong SC nang makita niya kung privilege nga ba talaga ang pagiging student leader. Nakakainis! Tinignan ko na lang siya ng masama at nagsmirk kasi naiinis ako pero kailangan composed pa rin at authoritative ang look ko.
Naglakad na lang ako paakyat sa room ko since sa 2nd floor ang room ko. Nag knock ako sa door dahil ayoko naman na basta na lang pumasok. Binuksan ng isang faculty ang pinto.
"Yes? What do you need?" nakangiting tanong niya at sinurvey ako mula ulo hanggang paa. in a good way.
Napansin ko na isa siya sa mga bagong teacher kaya nginitian ko siya para welcoming yung aura ko.
"Hi Miss, I am a student here po. ABM 11 Sec 1 po" sabi ko na lang with matching fake smile.
"Oh I see, why are you late?" tanong niya sa akin na halatang hindi ako kilala.
"Sorry for being late Miss, I am just here to have attendance po and also for the introduction to class participation. I'm a CSC officer po which is why I'm late for this class, I facilitated the tour for transferees po kasi" saad ko na naka smile with an authoritative aura pa rin.
"Oh I see, sige you may now enter the room na" sabi niya nalang na nakasmile pero halata ko sa mukha niya na sinusurvey pa rin ako.
"Thank You po" nagsmile na lang din ako.
Upon entering the room halos same faces lang din nakita ko pero di ko sila classmates before, schoolmates lang and a few are new like 1 new girl and 2 new boys. 'Not bad' sabi ko na lang sa sarili ko.
Natapos ang introduction ng lahat at ako ang huli since ako daw ang huling dumating sa class. nag proceed na ako sa harapan at tinignan silang lahat.
"Hi! I am Ashtrid Venice Reyes, a student council" yun na lang sinabi ko since free naman kami na sabihin ang kahit ano lang.
Nagpaalam na din ako sa adviser namin para makabalik na sa SC room. Hindi naman na siya nagtanong pa at pinayagan na ako lumabas. Paglabas ko ng room nagmadali akong bumaba ng hagdan at dahil sa pagmamadali hindi ko napansin na di ako nakatapak sa isang step ng hagdan kaya naout of balance ako.
"AHHHHHH!" Napasigaw ako dahil akala ko ay malalaglag ako sa hagdan. Pero naramdaman ko na lang na may nakasalo sa akin.
"Okay ka lang, miss?" tanong nang isang lalaki na ngayon ko lang nakita. Nakatitig siya sa akin na tila sinuservey ako.
Di ako makapagsalita at nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha. Napabitaw agad ako sa kanya nang marealize ko kung ano ang itsura namin ngayon.
"Okay lang ako, sorry and thank you pala" nahihiya kong saad.
"No prob! Anyways, I'm Zandrei Castuerra" sabi niya na tinanguan ko na lang at nagmadali na umalis.
"Hey Miss! You actually look familiar, you are?" pasigaw niyang tanong dahil malayo na ako.
"VEN!" sigaw ko na lang din sa kanya at tumakbo na dahil late na naman ako. Sh*t may meeting pa nga pala kami.
-----------------------------------------------
THOUGHTS GUYS!
sorry lame ata itong update na ito! need comments ehehe:)
-xoxo
YOU ARE READING
Chance Encounter
Teen FictionVen, an 11th grade student leader meets a jock who always pests her. How will she handle him?