PROLOGUE

22 2 0
                                    

"Hoy! Ano na? magpahinga aba inaabuso mo na katawan mo"

Napasalampak na lang ako sa sahig dahil sa pagod para sa preparation ng Revelation Day na tawag namin sa Valentine's Day- ang araw na dating laging excited ako na itinuturing ko na ngayong isang sumpa. Totoo naman ang sinabi ni Drei, inaabuso ko na nga yata ang katawan ko. Pero paraan ko na rin ito para makalimutan ang mga nangyari noong nakaraang taon.

"Pat! Nasaan na yung list of materials na need bilhin? Nakakuha na ba ng budget kay Ayna para sa mga yon?" stressed na tanong ko dahil nagmamadali na ako.

"Eto na po Ate Ven, nagadd na din po ng extra para daw po sa meryenda natin" saad ni Pat na halata na din ang pagod.

"Sige, tapusin niyo na agad yung pagpapa-dart niyo ha? Para macheck na natin ang absences and kung sino pa ang walang dartmate" sabi ko habang naglalakad paalis.

"Drei! Tara na!" saad ko nang mapansin na di siya nakasunod sa akin.

Naglakad na kami ni Drei at nakasalubong namin ang huling tao na gugustuhin ko makita ngayong araw na ito. Iba din naman talaga ang tadhana gumalaw ano? Mapang asar talaga eh. 

Nagkasalubong kami ni Patrick sa hallway ng school habang naglalakad kami ni Drei papunta sa covered walk. Agad akong umiwas ng tingin at napansin na nakatitig siya sa akin pero parang walang nangyari. Cold stares. Nagdali-dali ako nang paglalakad at hinila si Drei para makaiwas sa awkward na sitwasyon.

"Bro, tara na! Hinahanap na tayo ni Coach Sev, baka magalit na naman yun tapos paglinisin na naman tayo ng buong gym" rinig ko pang sabi ni Jacob kay Patrick bago kami makalayo.

'I miss you' 

Hindi ko na narinig yung sinabi nila dahil nakalayo na din kami ni Drei at malapit na sa Main Gate. 

"Hayyss, buti na lang malaki ako humakbang andito na agad tayo" pabiro kong saad pagkatapos manggaling sa napaka awkward na pangyayari.

"Wait ka lang dyan Ven ha? Kukunin ko lang yung motor ko sa parking" saad ni Drei

Habang nag-iintay kay Drei ay napaplingon ako sa paligid ko dahil baka nandyan na naman siya. Hindi naman ako nag eexpect pero di ko lang maiwasan maalala ang mga nangyari noon. Napaisip din ako sa pagkikita namin kanina. Bakit parang andali na lang sa kanya mag move on at tignan ako na parang wala kaming pinagsamahan. 

How can he look at me that way and move on that easily?

Like there is no pain?

Like he never cared for me?

Like we've never dated?

Like I've never been part of his life?

Like he didn't love me?



Chance EncounterWhere stories live. Discover now