SIMULA

69 2 0
                                    

Kasabay ng pag ihip ng malamig na simoy ng hangin ay ang unti-unting pagpatak ng mga luha sa aking mata. Na tila ba dinadamayan ako nito sa pamamagitan ng kaniyang pagyakap sa aking katawan. 

"Sigurado ka na ba talaga sa pag-alis mo baby?" Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang pumasok si tito sa kwarto ko, pinunasan ko kaagad ang aking mga luha. Napabuntong hininga na lamang ako sa tanong niya. 

"Wala naman ho akong pagpipilian tiyo." Kahit naman sabihin kong ayokong umalis ay wala parin akong magagawa sa kagustuhan ni mama.Natahimik na lamang siya sa naging sagot ko."Isang oras na lang ay aalis na ang bus na sasakyan mo, hindi ka pa ba pupuntang terminal?"

At dun ko lamang naisip na totoo na talaga to, na iiwan ko na ang baryong kinalakihan ko. "Gusto mo na ba akong umalis?" pabiro kong tanong pero may bahid ng pagtatampo. Tinawanan niya na lang ang tanong ko. Alam kong nalulungkot si tito ngayon sa biglaan kong pag-alis.Sa lahat ng mga kapatid ni mama, si tito Lan ang pinakamalapit sa akin. S'ya kasi ang bunso kaya naman hindi nalalayo ang agwat ng edad naming dalawa at s'ya rin lang ang nakakasama ko dito sa probinsya. Nahuli ko siyang nakamasid sa akin at nakita kong nangingilid ang luha sa mga mata niya. Nilapitan ko kaagad siya para yakapin.

 "Hay naku tito, wag ka nang malungkot, dadalawin mo naman ako sa Maynila kapag may oras ka diba? " "Oo naman! Pero alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon diba? Pamasahe pa lang papunta doon, pang ilang linggong sahod ko na rito." Natigilan ako nang marinig ko yun sakanya. Oo nga naman sayang ang pamasahe, pambili niya na rin yun ng mga pangangailangan dito sa bahay.

 "Oh s'ya! Kilos na at baka maiwan ka pa ng bus! Magtatawag na ako ng tricycle sa labas." Ilang minuto pa akong tumitig sa kwarto ko bago tuluyang kunin ang dalawang maleta na dadalhin ko sa Maynila. Siguro naman wala na akong nakalimutan na mahahalagang bagay. 

Lumabas na ako ng kwarto dahil nagsisisigaw na si tito sa labas ng bahay namin. "July! Kahit kailan talaga ang bagal mo kumilos! " 

"Naku July, aalis ka na pala talaga. Kailan ang balik mo dito? " Kung sinuswerte ka nga naman, yung asawa pa ng chismosa naming ka-baryo ang masasakyan ko. "Di ko pa ho alam Manong, pero wag ho kayong mag-alala pag balik ko siguradong kayo ho ang unang makakaalam. " sarcastic kong sagot sa kanya. 

Pinasok ko na ang mga gamit ko sa tricycle at nagpaalam na kay tito. Sayang hindi niya ako maihahatid man lang kahit sa terminal. Marami pa kasi siyang gagawin sa trabaho. Pero mas ayos na rin yon, ayokong makita na umiyak ulit siya dahil sa pag-alis ko. Pagdating ko ng terminal ay tinatawag na ng konduktor ang mga pasaherong wala pa sa bus na sasakyan ko. Tamang-tama lang pala ang dating ko. 

Pumasok na ako sa bus at naghanap ng upuan na katabi ng bintana. Ito ang paborito kong pwesto kapag bumabyahe, nakakatulog kasi agad ako dahil sa sariwang hangin na galing sa labas. Mas gusto ko talaga ang ordinaryong bus kaysa sa air-conditioned, nakakahilo kasi ang amoy nito. 

"Mga ticket niyo d'yan ilabas niyo na." Nagsimula nang umandar ang bus kaya naman inilabas ko na ang ticket ko at binigay sa konduktor. Kumportable na akong nakaupo habang pinagmamasdan ang mga tanawin ng baryo namin. 

Hindi ko kailanman naisip na balang-araw ay iiwanan ko ang baryong ito.Masyado kong mahal ang baryo namin, napakarami kong magagandang alaala rito, pero kasama noon ay ang mga alaalang kailangan ko nang kalimutan. Pinilit ko na lamang matulog kahit na walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha. 

Balang-araw magkikita tayong muli, at sa pagbalik ko wala na akong makikitang pait sa baryong ito. 


Hanggang sa muli, paalam mahal kong Aragon.


*author's note* 

- Maraming salamat sa pagbabasa, kaibigan! Laging tandaan na karamay mo ang mga titik at salita, nariyan lang sila palagi. Sana ay makita kitang muli hanggang sa susunod na kabanata! :3

Life Between ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon