Chapter 25

324 17 6
                                    

"Hi, Emily." Kadarating ko pa lang dito sa A Rum ay binungad na ako agad ng bati ng mga katrabaho ko. Nginitian ko lang sila at umupo na lang muna sa table ko para kumain ng binili kong cheesecake at coffee.

Uh. Hindi ko pala binili since sa baba ko na-avail for free.

Nagtataka nga ako bakit 'yong iba ay nag-aabot ng bayad. Hindi naman na ako nagtanong kasi baka singilin na ako, char.

Habang kumakain ay ini-scan ko 'yong marketing strat na ginawa ko last time. Kahit alam ko namang tapos na kasi for sure may napili na sila.

Ang ganda pa naman nito.

It's about putting the faces of every person behind the success of A Rum. From the factory workers up to the CEO. This would be for limited time only but would give a huge impact to the market since we will be showcasing the people behind the success of A Rum.

Kaso baka kay Red at kay Zero na A Rum products ang ma-sold out at gawing collection. May soda in can naman ang A Rum, pwede namang 'yon na lang ang i-advertise since para makabili rin ang mga nasa lower age bracket sa market.

Pero baka 'di rin ma-approve dahil matrabaho masyado. Kailangan ng budget allotment at baka hindi rin pumatok. Kasalanan ko pa.

"Emily."

"Anak ng...Kuya! I mean, Sir, Sir Zero. Hello po." Mabilis akong tumayo at humarap kay Kuya Zero. Nakakagulat naman kasi bigla na lang nagsasalita.

"You're spacing out. Can you pass that file to me?" he seriously said pointing out something.

"Alin po?" takang tanong ko dahil itinuturo niya ang laptop ko. May need ba akong ipasa sa kanya?

"That file? Marketing strat 'yan 'di ba from the last time? Inutos ko 'yon kay Red. Send it to me. Ako ang magche-check." Napamulagat ako sa narinig. Bakit? Hindi pa ba sila nakakahanap ng pasadong strat?

"Emily? Are you with me?"

"Uh, yes, Sir. I'll send it right away," saad ko at bumalik na sa pagkakaupo para asikasuhin 'yong file. Saan ko ba ise-send? Kaloka.

"Kuya!" Halos mapamura naman ako nang marinig ko ang paparating na si Red.

"What are you doing at my department?" tanong niya na may halong diin pa sa salitang 'my' na parang inaangkin naman ng Kuya niya ang Marketing Dep.

"I am just checking your department, Red." Bakas sa tono nito ang pang-aasar lalo na at in-emphasize din niya 'yong salitang 'your'. Parang timang 'tong magkapatid na 'to.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa laptop. Bahala na.

"By the way, Emily. Kay Red mo na lang i-send 'yong file," malumanay niyang saad at hagya pa akong tinapik sa balikat bago umalis. Tinapik niya rin si Red sa balikat nang madaanan niya ito.

Masama naman akong tiningnan ni Red dahil nakakunot ang noo nito at nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. Problema nito?

"What did he said?" tanong niya sa akin. Tinapunan ko lang siya saglit ng tingin bago lumingon sa mga katrabaho ko na abala rin sa kanya-kanyang ginagawa.

"Ipasa ko raw sa 'yo 'tong marketing strat na ginawa ko. Sa email ko ba ise-send?" I saw him licked his lips as he thinks of what to do next. That was...hot.

Okay. Back to work, Emily.

"Yes, here's my email." He handed me a calling card of him that he pulled out of his wallet.

redjamesonañonuevo@gmail.com

Looks like his personal account.

Sinend ko na lang din agad 'yong file. Nakita ko namang umupo siya sa table niya at humarap sa laptop niya. Nakakahiya. Baka pangit pala 'yong idea ko tapos mababasa niya.

Taming Red Añonuevo (Taming the Añonuevo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon