Chapter 28

331 12 6
                                    

The moment I open my eyes, the first thing that came across my mind was Red and how he looks the night after the accident.

Mabilis akong bumangon at nakita ko ang sarili ko sa isang hospital room. Nasa tabi ko si Travis na payapang natutulog habang nakaubob.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. I have a small bandage on my forehead. May mga maliliit din akong cuts sa kamay at braso, marahil ay dahil sa mga bubog mula sa nabasag na sasakyan.

Medyo masakit din ang ulo ko pero ang inaalala ko ngayon ay si Red.

Sinubukan kong tumayo pero naalimpungatan naman ang bantay ko.

"Emily," nag-aalalang tawa niya sa akin bago siya tumayo para alalayan ako.

"Do you need something? Should I call the doctor?" Umiling-iling ako bilang tugon.

"Si Red?" Umupo na ulit siya sa tabi ko. Inabutan naman niya ako ng tubig na agad ko naman tinanggap at ininom.

"He's fine. He's on his room right now."

"Pupuntahan ko siya." Akmang tatayo na ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko para pigilan. Taka ko siyang tiningnan at nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya. May nangyari ba?

"You said he is fine. I have to check him."

"He's with Vienna," tila nag-aalangan niya pang sabi. Tila bumagsak ang balikat ko sa narinig. Umayos na lang ako ng upo at sumandal.

"Sabay rin silang umuwi?" wala sa sarili kong tanong. I though Vienna left for good, hindi pala. Tango lang ang isinagot niya sa akin.

Malalim akong bumuntonghininga at pumikit. Parang gusto ko na lang matulog ulit.

"Do you want to eat something?"

"Anything will do. Thank you." Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto. Malamang ay lumabas si Travis para bumili ng pagkain.

Gusto kong puntahan si Red pero natatakot akong makita siya kasama si Vienna. Gusto ko siyang kumustahin pero ayaw kong masaktan sa makikita ko.

He is fine, Emily.

For sure, Vienna is taking care of him.

Hindi ka niya kailangan, Emily.

Nanatili lang akong nakapikit hanggang sa marinig kong muli ang pagbukas at sara ng pinto.

"Anong pagkain ang binili mo?" nakapikit kong tanong. Naramdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi ko tuloy alam kung ilang araw ba akong tulog.

"Emily," I felt my body stiffened when I heard Red's husky yet soothing voice near me. When I opened my eyes, there I saw Red wearing a patient gown with bandage on his head. May mga small cuts din siya sa mukha. He looks tired and weary.

I immediately felt a pang inside my chest when I felt a sudden burst of guilt. It must be hard for him to experience the same accident from the past that killed her girlfriend. It must be traumatizing.

I took a deep breath as I tapped my bed. Agad naman niya 'yong na-gets at marahang naglakad papunta sa tabi ko.

"How are you?" I casually asked when he squeezed beside me. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nalulungkot siya. I bit my lip to refrain myself from crying. Hindi namin deserve 'to.

Walang ano-ano'y niyakap ko si Red. Ipinatong ko ang ulo niya sa balikat ko at doon na kumawala ang mga hagulhol niya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na maiyak.

"Shh. I'm fine. Buhay ako. Walang nangyari sa akin, sa atin," pag-aalo ko sa kanya. Hinahagod ko pa ang likod niya pero mas lalo lang tumindi ang iyak niya.

Taming Red Añonuevo (Taming the Añonuevo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon