I suddenly see the puff of smoke coming from the mouth of the old woman in front of me.
Napaubo ng lang ako ng binuga nya ang usok sa aking mukha.
Sinamaan ko sya ng tingin habang sya ay tumatawa.
Seriously? Anong klaseng matanda to? Antanda tanda na naninigarilyo pa den. gross!
"Pasensya na iha, hindi ko lang kasi maunawaan ang iyong winiwika." Pahayag nito atsaka tumayo. Pumunta sya sa lamesa kung saan nakalagay ang mga libro.
"May nakapagsabi sa akin na kaya mo daw gumawa ng portal patungo sa ibang mundo." Inis na wika ko. Napatigil ito sandali at humarap sakin.
"At ano naman kung kaya ko ngang gumawa?" taas kilay nyang saad at nameywang pa sa harap ko.tindi!
"Nais ko sanang makapasok sa mundo ng nga immortal." Lakas loob kong saad atsaka tumungga ng tsaa.
"Nahihibang ka na ba iha? Isa kang babae at mahina. Wala kang laban sa mga immortal." Nanlalaki at umuusok ang ilong na sabi ng kaharap ko.
"Alam ko po ang tungkol sa bagay nayan. Nakahanda na ako sa mga mangyayari. Kaya pakiusap.Gumawa ka ng lagusan papunta sa mundo ng immortal." Nakayuko kong saad.
Gustong gusto kong pumasok sa mundo nila at hanapin ang pumaslang sa buhay ng mga magulang ko. Papahirapan ko sila tulad ng pagpapahirap nila sa kanila.
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko. At tinignan ang matandang kaharap ko.
"Well, kung ano man ang dahilan mo at gusto mong pumasok sa mundo ng mga hindi tao." Huminto sya at seryosong nakatingin sakin. "Binabalaan kita iha, Hindi madali ang punta doon sapagkat isa kang tao. Mahina at Marupok" Saad nito sabay hithit ng Sigarilyo.
Napangiwi ako sa kanyang tinuran. Gusto ko sanang sumagot na. I'm not marupok!
"Nakikiusap po ako! Gusto ko hanapin ang kumitil sa buhay ng mga magulang ko at pagbayarin sila." Naluluha kong sabi. Ibinaba nya ang sigarilyo at may kinuha sa kanyang bulsa.
Ipinakita nya ito sakin. salamin. Anong gagawin ko sa salamin?
Hinarap nya ako sa salamin at nakita ko ang aking sarili mula rito.
Ang ganda ko talaga! gege.
"P-para san ho yan?" Kinakabahan kong ani.
Ngumiti sya sakin at may binanggit.
"Ipikit mo ang iyong mata at banggitin sa iyong isip ang lugar kung san mo nais puntahan. Pagdilat mo ay naroon ka na.Hindi ko na tatanungin pa kung bakit nais mo pumasok dahil alam ko na ang kasagutan. Iha, hindi sa lahat ng bagay ay puros paghihiganti.kailangan nating tanggapin na iyon ang nangyari."Hindi ko pinansin ang mga sinabi nya at ginawa ang pinaguutos nya. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng hangin na pumapalibot sa aking katawan. Unti unti akong tumataas.
Alam ko ngayong oras ay kinakabahan ako. inihanda ko na ang sarili ko sa anumang kapahamakang tatahakin ko para makamit lang ang hustisya sa pagpatay sa mga magulang ko.
<><><><><><><><><>
This is my first story. I'm sorry sa wrong grammar.

YOU ARE READING
The Immortals Love
FantasiaBRIELLE MAIA. A beutiful woman,Cheerful,Naughty,Messy, and Immodest. She will enter the world of immortals for some reason. She wants revenge for killing her family. When she enters the world of immortals, she also enters the seven immortals in her...