CHAPTER 1

0 0 0
                                        

ALYNTHI WORLD

Naramdaman ko ang pag bagsak ko sa lupa. Napadilat ako ng mata at hinimas ang aking puwetan dahil sa sakit ng pagbagsak ko.

Sa isip ko ay namumura ko ang babaeng nag dala sakin dito. Nyemas! di man lang sinabi na may pagbagsak na magaganap edi sana naglagay ako ng unan sa pwet ko!

Aguy ansakitt!!!!

Napatingin ako sa paligid. Nasa isang kagubatan ako at ang nasa harap ko ay isang malaking puno na may pintuan.

Angganda!!

Kung gayon ay narito na ako sa mundo ng mga immortal? Nagtagumpay ako!

Lumakad ako ng dahan dahan habang bitbit ang dala kong bag sa likod.

Naglakad ako ng dahan dahan sa tulay. Tiniingnan ko ang baba nito at bigla na lang akong natumba dahil sa nalula ako sa lalim nito, halos madilim na ang baba nito at ang creepy!

Nagpatuloy ako sa laglalakad ng may ingat. Hindi na rin ako tumingin sa baba baka himatayin na ko.

Ilang lakad pa ay nakapunta na ko sa dulo. Kung saan nasa harap ko ang pinto ng malaking puno.

Alam ko na ang gantong bagay dahil nabasa ko ito sa libro. Bago ako pumunta sa Mundong ito ay nagbasa basa muna at nanaliksik ako.

Ang ganitong bahay ay ay tinitirahan ng mga dukhang immortal. Dahil nga wala silang pera ay ginagawa na lang nilang bahay ang mga puno.

Kumatok ako ng tatlong beses at nag hintay kung may mag bubukas. At hindi nga ako nagkamali. May nagbukas ng pintuan at tumambad sa akin Ang mukha ng marungis na babae na sa tingin ko ay nasa 30+.

"Anong kailangan mo?" Seryosong saad nito. "Kakaiba ang kasuotan mo binibini san ka ba galing?" Tanong nito habang inuusig ang katawan ko.

"Ahh s-sa may kagubatan po"

Nangunot ang noo nito na animoy hindi naniniwala sa saking sinambit.

"Halika't pumasok ka muna at baka malapa ka dyan ng mga asong lobo." Saad nito at nilakihan ang pagbukas ng pinto.

Nauna itong lumakad habang ako ay sumunod lang sakanya. Tinignan ko ang kabuuhan ng bahay. Namangha ako dahil napaka ganda nito. May duyan na nakasabit sa sanga. May hagdan din pataas, may lamesa na gawa sa kahoy, magagandang lampara at mga prutas.

Parang hindi sila mga dukha dahil may nakikita akong ginto sa paligid.

Nakakamangha!

"Maupo ka muna riyan iha, Ano nga uli ang iyong ngalan?" Tanong nito sakin.

"Brielle po." Maiksi kong saad. At tumingin parin sa kabuuan ng bahay.

"Pasensya ka na sa aming tirahan iha. Hindi ko alam kung saan ka nanggaling ngunit kakaiba ang iyong kausotan"

Tinignan ko ang mga suot ko. Isang maong na shorts ang aking suot at naka sando croptop ako na pinatungan ko ng maong na jacket.

Tiningnan ko naman ang suot nito. Mahabang bestida na kulay kayumanggi. Hindi mo aakalaing Dukha sya dahil sa puti at kinis ng kanyang balat.

"Sino ang mga magulang mo iha?" Tanong pa nito na agad kong ikinayuko.

"Wala na po akong magulang. Pinaslang po sila." Alam kong anumang oras ay babadya na ang luha ko kaya naman tumingin ako sa taas upang pahintuin ito.

"Pasensya na! Hindi ko alam na ikaw ay isang ulila. Bakit ka narito? Ang iyong kasuotan ay naiiba sa amin."

"Nagising na lng po ako sa isang kagubatan at nakita ang inyong tirahan. Ginang maari ho ba na makitira muna. Wala po akong lugar na natutulugan ngayong gabi. Pasensya na po!" Pag sisinungaling ko.

The Immortals LoveWhere stories live. Discover now