MaB 1

8.6K 205 41
                                    

"Ate Naomi, may naghahanap po sa inyo sa labas." Napalingon ako kay Marta na kararating lang. Si Marta ay isa sa mga hinahandelan kong youth sa aming simbahan. Born again Christian kasi ako at isa ring youth leader. May sarili na ring cell group. At sa katunayan, anim sila sa cell ko. Syempre, I don't take the credit, si Lord naman talaga ang pinaka leader nating lahat. Isa lang ako sa mga instrumento.

Mahaba ang buhok ni Marta, isang tipikal na dalagang Filipina. 16 years old na siya at katatanggap lang niya kay Lord Jesus as her only Savior. Tumabi siya ng upo kay Alexis, isa rin sa hinahandelan kong kabataan.

"Sino daw?" Tanong ko kay Marta. Bihira naman kasing may naghahanap sa'kin pag nasa church ako, usually pag may naghahanap pumapasok naman sila sa loob.

"Hindi sinabi eh. Pero ate Naomi ang gwapo po niya kahit naka-shades. Mukhang mayaman kasi branded lahat ng suot niya mula ulo hanggang paa." Sagot ni Marta na para bang kinikilig sa nakita niyang Adonis. Hmnn. Sa deskripsyon palang niya mukhang may ideya na ako kung sino. Pero mukhang malabo namang mangyari.

"Tiningnan mo talaga mula ulo hanggang paa?" Inis na tanong ni Alexis. Pasekreto naman akong natatawa, alam ko kasing may crush si Alexis kay Marta. Syempre, ako ang cell leader nila at inamin naman sa'kin ni Alexis na may lihim siyang pagtingin sa dalaga. Hindi naman maiiwasan yon lalo na sa mga kabataan. Guiding and advising them about it is one of my responsibility as their spiritual leader. Mabuti nga tong si Alexis kasi sinusunod niya talaga ang mga payo ko.

"Syempre naman, binigyan kasi ako ng mga mata ni Lord." Sagot naman ni Marta.

"At gamitin mo sana sa mabuting paraan. Hindi yong kung saan-saan ka nakatingin, tapos kung anu-ano pa ang iniisip mo."

"Harsh naman to. Masama bang tumingin sa gwapo? Inggit ka lang eh."

"O sya, tama na ang bangayan. Nandito tayo para mag cell meeting, hindi para mag-asaran." Awat ko sa dalawang bata.

"Sorry po ate Naomi." Sabay naman nilang sagot. Anim sila sa cell ko, ngunit yong iba hindi pa dumarating. Male-late yon malamang. Trapik eh.

"Ate Naomi, hindi ka ba lalabas? Sabi kasi ni Mr. Pogi wag mo daw siyang paghintayin."

"Sinabi niya yon?"

"Opo. Teka, kaano-anu niyo po siya? Uy ate Naomi ha, may hindi ka sinasabi." Biglang hirit ni Marta, siniko naman siya ng mahina ni Alexis.

I just smiled at her tapos tumayo na din ako. "Ikaw talaga, Marta, dyan ka magaling. Ang mag-isip ng kung anu-ano."

"Tama ako di ba!" Si Alexis.

"Maiwan ko muna kayo. Pupuntahan ko muna yong naghahanap sa'kin. Pag dumating na sila Juni pakisabi na lang na hintayin ako."

"Opo ate Naomi."

At pagkatapos non ay tuluyan na akong lumabas. At tama nga ako sa hinala ko. Si Josh nga at wala ng iba. Naabutan ko siyang nakatayo sa may rehas ng escalator, at sa unang tingin akala mo kung sinong modelo, kung timindig kasi wagas lang.

Napailing ako sa ulo habang papalapit sa kanya. Eh pano, lahat ng babaeng dumadaan ay parang linta kung makatingin kay Josh, yong iba napapansin ko pang kinililig ng wala naman sa lugar. Naku Lord patawad talaga, sadyang dumarami na ang mga malalanding babae sa mundo. Pati boyfriend ko pinagtitripan ng kanilang mga mata.

Ay pasensya na, hindi ko naman masisisi kasi nasa mall kami. Yong church kasi namin nasa loob talaga ng mall. Nagre-rent lang kasi kami ng isang cinema house sa loob, kaya naman di talaga maiiwasan na sa paglabas ng church masasalamuha mo ang iba't ibang tao. Believers o non-believers, lahat andito na. Marami ding temptasyon, matetest talaga ang kasukdulan ng faith mo.

Meet my boyfriend pala. Si Josh Boaz. Matangkad siya, maputi at over kinis ng kutis. Hiya nga ako kasi mas makinis pa siya sa'kin. Mayamang businessman si Josh at ubod din ng gwapo. In short, masyado siyang mabango sa kababaihan at hinahabol din ng mga kabaklaan sa mundo. Yon nga lang, nakatali na ang puso niya sa puso ko. And it's a very long story as to why. Aabot din tayo dyan sa susunod.

"Josh, naparito ka?" Pauna kong sabi habang aakma na sana akong yakapin siya. Ngunit di ko nagawa kasi naunahan niyang hawakan ang dalawa kong pisngi, sabay sabing, "Shit, Naomi! What happened to your face?"

Oh my GOD. Lord patawarin niyo po si Josh and his bad mouth. He doesn't know what he's saying.

"Josh naman, alam mo ang blacklisted words ko di ba." Sabi ko sa kanya, pero hindi pa rin niya binibitawan ang mukha ko, na tila ba may nagbago sa anyo ko na ikinakatakot niya. 

Josh takes off his shades at nagtama na rin sa wakas ang aming mga mata. Gwapo si Josh, sa katunayan nag-uumapaw na ang kagwapuhan niya. Maganda naman ko, wala namang pangit na ginawa si Lord di ba. Kaya lang minsan pakiramdam ko ang liit kong tao pag siya ang kaharap ko, hindi naman kasi ako katangkaran. 

"Ilang araw lang akong nawala, pagbalik ko para ka ng bangkay. Hindi ka ba natutulog?" 

"Medyo napuyat lang lately. Alam mo namang may Christian speakers kami from Israel the other day. Isa kasi ako sa nag-assist ng stay nila." 

Binitawan ni Josh ang mukha ko para mag-face palm. Minasahe pa nga niya ang noo niya, na tila ba sumakit bigla ang ulo niya. Just then, he stares down at me again. "Look Nao, you can do whatever you want with your faith. Ang hindi ko nagugustuhan ay yong nasosobrahan ka na, to a point na napapabayaan mo na ang sarili mo. Pati ako. I don't like it, Nao."

"Josh naman..." Medyo pacute kong sabi sa kanya. Yayain ko sana siyang sumama sa'kin sa loob ng church ngunit bigla niyang hinila ang kamay ko. "Wait, Josh. May meeting pa ako sa loob."

Pero dere-deretso ang lakad ni Josh pababa ng escalator habang hawak ako sa kanang kamay. Malakas si Josh kaya naman napasunod na ako. "Josh, sandali sabi..."

"Leave them, Nao. Or text them to dismiss. Sumama ka sa'kin."

"I can't." Napatigil bigla si Josh. Pero huli na ang lahat kasi nakasakay na kami sa tumatakbong escalator. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Nasasaktan ako. Pero hindi niya yata napapansin. At hindi ko rin masabi na nasasaktan ako sa hawak niya. Kasi mas nasasaktan siya sa sinabi ko. At ramdam ko yun.

He looks at me. "You can't?"

"Hindi naman sa ayaw ko. Pero naghihintay sa'kin ang mga bata."

Napatawa siya ng mapakla. "Hindi lang pala ang Diyos mo ang kaagaw ko sa time mo. Pati rin ang mga bata."

"Josh!" Hiyaw ko sa kanya sabay bitiw sa kanyang pagkakahawak. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang yon. 

"I haven't seen you for three days. But why do I feel like it's been three years, Nao?" Malungkot niyang tanong sa'kin. 

"Josh, napagkasunduan na natin to di ba?" 

Pagbaba namin sa escalator hinila ako ni Josh sa may gilid at biglaan na lang akong niyakap. Kay higpit ng yakap niya na tila ba ilang taon kaming hindi nagkita. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni Josh sa atensyon ko. At ramdam ko rin ang malakas na pagtibok ng puso niya na sumasabay sa tibok ng puso ko. Napapikit ako. 

Bakit?

Bakit di ko siya matiis hanggang ngayon?

"Nao, why do I love you so much?"

He's Josh Boaz. My sweet boyfriend for ten years. He has everything you're looking for a man...

...except FAITH. 

My Atheist Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon