MaB 4

4.6K 116 4
                                    

Nakakabasag na katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan. Kung hindi lang pinaandar ni Josh ang makina malamang mabibingi na ako sa pangdededma niya. Hindi na rin ako umimik dahil baka magalit siya. Dapat nga ako ang magalit dahil sa ginawa niya kanina. Pero madaya siya. Alam niyang hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal.

Biglang tumigil ang sasakyan, ni hindi pa nga kami nakakalabas sa parking space ng mall. Nilingon ko siya at nagulat pa ako ng umakma siyang lumapit, expressionless ang kanyang mukha. Akala ko kung anu na. Aayusin lang pala niya ang seatbelt ko.

"Kahit ako ang nagmamaneho, magseatbelt ka pa rin." Matigas niyang sabi. Napatango na lamang ako. "Bakit kasi kailangan ko pang ulitin sayo ng ilang beses?"

"Sorry na." In the end, ako pa rin ang humingi ng tawad kahit kanina ko pa hinihintay ang eksplenasyon niya.

Malalim ang buntong hininga ni Josh ng magtuon siya ulit sa manobela. Pinaandar niya ulit ang sasakyan at binaboy na naman ako ng katahimikan. Ni wala akong ideya kung saan ang tungo naming dalawa.

"We're going to meet my relatives. It's the first time you will see them." Aniya habang nagmamaneho.

I look at him with my eyes almost bulging out from the sockets. "Relatives?"

"Mom's side. They migrated in America. Kararating lang din nila."

"That's why wala ka for 3 days? Sinundo mo sila sa Manila?" Tanong ko. Tumango siya at seryosong nakapokus sa pagmamaneho.

I haven't met his relatives on his mom's side, bata pa kasi ako non at sa pagkakaalam ko, Josh's mom was not in good terms with them. Josh never mentioned them to me kaya nagtataka ako ngayon kung bakit pupuntahan namin sila. Ngayon ko lang din naintindihan kung bakit niya ako pinagbihis ng maganda.

"Don't even think na ikinahihiya kita. I just want you to look good in front of them." Sabi niya na para bang nababasa niya ang laman ng isip ko.

Sa Marc Pole Hotel pala ang punta namin ni Josh. Dito siguro niya pinatulog ang balik-bayan niyang relatives. Pagpasok palang namin sa lobby binabati na siya ng mga hotel staffs. Stockholder kasi siya at isa rin sa board members. Bihira lang akong pumunta dito at hindi rin ako nakikialam sa mga negosyo ni Josh. I grew up with him na kontento na sa mga binibigay niya. As long as kasama ko siya I wouldn't ask for more.

Sa isang engrandeng restaurant kami tumungo. Nasa sixth floor ito at may katabi ring pool. Pagpasok pa lang namin sa restaurant sumalubong na ang mahinahong tugtog ng piano sa unahan. May pianist din pala sa restaurant na to. Five star hotel ang Marc Pole kaya halos lahat andito na. Masyado ngang sosyal para sa'kin. Hindi naman ako ang mayaman. Si Josh lang. At ang kanyang pamilya.

Hinawakan ni Josh ang nanginginig kong kamay at hinila ako papunta sa isang table kung saan may nakaupong dalawang matanda. Paika-ika na ako sa paglalakad dahil sa suot kong heels. Masakit na rin yata ang paa ko pero hindi ko lang pinapahalata. Josh wants me to wear these sandals, and so I don't want to disappoint him.

"Hi uncle," unang bati ni Josh sa isang sopistikadong matandang lalaki. Makapal ang buhok nito at may parte ng mapuputi, signs of aging. Matangos ang kanyang ilong at kitang-kita ang dimples sa magkabilang pisngi. Kahit nakaupo ito masasabi ko na isa siyang matangkad na lalake. Kamukha niya si Mrs. Boaz, ang ina ni Josh, at sa tingin ko siya ang kapatid ng mama niya.

Tumango lang ang matandang lalaki, and I don't know his name yet. "Hello po," mahina kong sabi ng mapansin niya ang presensya ko sa gilid ni Josh. Sa tingin ko hindi niya narinig.

"You're blooming, tita." Binitawan ni Josh ang kamay ko para halikan sa pisngi ang tinawag niyang tita. May pagka-blonde ang buhok ng tita ni Josh. Maiksi ito at medyo kulot sa dulo. May katandaan na rin ngunit umiimabaw ang kanyang magandang mukha. I think she's a jolly old lady.

My Atheist Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon