Kabanata 2: trayangulo

16.2K 385 18
                                    

Abril 1869........

"Hindi ka maaring tumanggi sa aking kagustuhan, Irenea! Ikaw ang kabayaran sa napakalaking pagkakautang sa akin ng iyong ama! Akin ka, naiintindihan mo?!", nanlalaki ang mga matang sigaw ni Geralde. Tila asong ulol na naglalaway sa kagandahang abot kamay na lamang.

Dahan-dahan itong naglakad palapit sa dalagang nakasiksik sa sulok ng magarbong silid.

Lalo namang inakap ni Irenea ang sarili. Pilit na itinatakip ang punit na damit sa hubad na katawan.

"Hahaha..., 'yan ang lubusan kong nagustuhan sa'yo, Irenea. Isang dalagang pilipina na magdadala ng aking pangalan!", pagkasabi ay mabilis na dinaluhong ni Geralde ang nagitlang dalaga!

"Bitiwan mo ako, hayup!", pagkasabi ay kinalmot ni Irenea ang mukha ng lalaking nakahawak sa kanya.

Nabitawan ni Geralde ang dalaga at mapaklang ngumiti. Sinapo nito ang nanghahapding balat sa mukha at pagkatapos ay nagngangalit ang mga bagang na inundayan ang dalaga ng isang malakas na sampal!

Bumalandra sa sahig si Irene! Bahagyang nagdilim ang paningin nang tumama ang ulo sa hamba ng bintana.

Sinamantala ni Geralde ang pagkakataon. Marahas na sinaklit ang katawan ng dalaga at padarag na inilagay sa ibabaw ng kama. Agad nitong kinubabawan ang babaeng nagpupumiglas man ay wala na ang lakas na makapanlaban. Mahigpit na hawak ng hayuk na lalaki ang magkabila niyang pulso. Muling umahon ang galit ni Geralde nang hindi niya magawang hagkan sa labi ang umiiwas na mukha ng dalaga.

Isang nakatutulig na sampal ang muling dumapo sa mukha ni Irenea! Putok ang labi nito at inagasan ng dugo ang isang butas ng ilong.

Saglit na natigilan si Geralde! Napalitan ng maamong anyo ang mabangis na mukha.

"H-hindi ko sinasadya, Irenea. H-hindi kita nais saktan. Mahal na mahal kita. Ang nais ko lamang ay maging akin ka.", matapat na sabi ni Geralde.

"Tama na, Geralde. Nakikiusap ako. Pauwiin mo na ako. Naghihintay na sa akin si Roberto.", pautal-utal na pakiusap ni Irenea.

Sa narinig na sinabi ng babaeng labis na iniibig ay muling bumalasik ang anyo ni Geralde! Tila gutum na gutom at ayaw maagawan ng lalaking binanggit ng dalaga.

"Akin ka, Irenea. Akin!", paulit-ulit na sabi ni Geralde habang sapilitang pinaghiwalay ang magkabilang hita ng dalaga.

"Huwag, Geralde! Maawa ka sa akin! Huwag..., huwag..., huwaaaag!", sigaw ng dalaga.

Ngunit tila walang naririnig ang lalaking biningi ng labis na panibugho. Hindi ito papayag na maunahan ng karibal. Walang kaingat-ingat na pinasok ni Geralde ang naghuhumindig na pagkalalake sa lagusan ng pagkababae ni Irenea. Sabik na sabik na mamarkahan ang babaeng sinasamba.

Upang madismaya lamang!

Mabilis na umahon si Geralde mula sa pagkaka-kubabaw sa dalaga. Nanlilisik ang mga mata nito.

"Nilinlang mo ako, Irenea! Hindi ka na birhen! At kanino mo ibinigay ang iyong sarili, sa traydor kong kaibigan?!", sigaw ni Geralde.

Nag-uslian ang galit na galit na mga litid nito sa leeg at namumula ang mukha sa tindi ng poot. Hindi nito matanggap na muli siyang tinalo ng kaibigan.

"Hindi ako papayag na pagtawanang muli ni Roberto! Magsasama tayo sa ilalim ng iisang bubong. Kapag nagtangka kang tumakas ay ipapatay ko ang iyong ama at mga kapatid!", poot na poot na sigaw ni Geralde sa dalagang patuloy lamang sa pag-iyak.

Mabilis na kumalat ang balita hinggil sa pagsama ni Irenea sa mayamang si Geralde, nakarating ito sa kaalaman ni Roberto. Halos mawasak ang sawaling dingding ng kubo nito sa tindi ng poot na umaapaw sa dibdib.

Ang Bahay ng LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon