"Ano'ng nangyari? Bakit ayaw na mag-start?", tanong ni Milen. Nasa tono nito ang takot sa sinabi ni Aldo na baka magtawag nga ang matanda at katayin sila ng mga magda-datingang tagaroon.
Nagtatanong din ang mga mata ni Aldo nang tignan ni Butsoy.
"Ewan ko pare, kanina ay maayos naman ang takbo natin bago pa natin muntik mabundol 'yong matanda. Nakita niyo naman, 'di ba?", paliwanag ni Butsoy.
"Teka lang at titignan ko.", pagkasabi ni Butsoy ay lumabas na ito sa sasakyan. Inangat ang hood at inalam ang dahilan kung bakit ayaw mag-start ng makina. Sumunod naman agad si Aldo upang alamin din kung ano ang nangyari.
"Putsa pare! Baterya ang problema natin, drain na!'', sigaw ni Josh nang makita ang battery gauge ng sasakyan.
"Putang ina! Paano nangyari 'yan?!", napipikong tanong ni Aldo pagkatapos ay sagsag na tinignan ang sinasabi ni Josh.
"Lumuwag pala ang terminal ng baterya natin! Teka lang at hihigpitan ko.", sabi ni Butsoy na nagpalingon kay Aldo.
Bumaba na rin si Milen at Reynalyn sa sasakyan. Matapos ayusin ni Butsoy ang problema ay muli itong sumakay.
"Kakadyutin lang natin ito at okey na.", nakangiting sabi ni Butsoy sa mga kasamang naiiling na lang. Magkakatulong na itinulak ng apat ang sasakyan.
Sandaling nagngalit ang makina ngunit huminto uli.
"Isa pa!", sigaw ni Butsoy.
Kumamot ang gulong ng sasakyan...
Wroom...! Wroom...!
Nagdiwang ang magkakaibigan nang gumana na ang baterya. Nagtakbuhan na ang mga ito palapit sa sasakyang patuloy na nire-rebolusyon ni Butsoy.
Nagsakayan na ang apat. Ngunit hindi pa nakakalayo ay muling pumugak-pugak ang kanilang sinasakyan hanggang sa tuluyang huminto at muling mamatay ang makina.
"Putang ina! Ano na naman ang problema?! Akala ko ba hinigpitan mo na yung terminal ng baterya, pare?!", pikon na pikong tanong ni Aldo kay Butsoy.
"Oo, pare. Hinigpitan ko na tignan mo, kumarga na.", sagot ni Butsoy sabay turo sa gauge.
"May gasolina naman tayo! Ano'ng problema?! Di ba chi-neck mo na ang makina nito kanina?! Putang ina! Bagung-bago lang ito para magkaaberya ng ganito!", singhal na naman ni Aldo. Padabog itong lumabas mula sa loob at galit na galit na pinagtatadyakan ang katawan ng sasakyan.
Naglabasan na rin ang iba pang nakasakay na kasama ng binata.
"Pare, relax lang. Maaayos din natin ito.", saway ni Josh sa nagwawalang kaibigan.
"Bad trip...! Bad trip, pare!", umiiling na sabi ni Aldo.
"Minumulto yata tayo o kaya ay minamaligno.", biglang nasabi ni Reynalyn habang panay ang linga sa paligid. Mag-aalis sais pa lang ayon sa suot niyang orasang pambisig ngunit pakalat na ang dilim.
"Ayan ka na naman, Reynalyn! Ang multo at malignong sinasabi mo ay sa mga pelikula lang at mga komiks nag-e-exist. Mananakot ka na naman, eh!", naiinis na sabi ni Milen.
"Tama na yan! Itulak na lang natin itong sasakyan sa gilid ng kalsada at maghanap na muna tayo ng matutuluyan.", maotoridad na saway ni Aldo na agad namang sinunod ng mga kaibigan.
Bitbit ang mga gamit ay nagsilakad na ang lima matapos siguraduhing naka lock mabuti ang mga pintuan ng kanilang sasakyan.
Hindi pa masyadong nakakalayo ang magkakaibigan nang may makitang ilang kabahayan bagama't magkakalayo.
BINABASA MO ANG
Ang Bahay ng Lagim
TerrorSa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng mahal na araw sa San Ronquillo ay hindi na mapakali ang mga naninirahan dito. Pinaniniwalaang muli na namang makikita ang isang bahay kastila sa pusod ng kagubatang malapit sa kanila. Muli na naman silang maka...