[CALEB TAURUS ASTERIN]
"Her name was pretty too." Nakatulala lang ako sa litrato na tinitignan ni Sevi ngayon. I don't know if i would be happy for him or sad.. Pero umiibabaw pa din ang kirot sa puso ko lalong lalo na sa tuwing binabalikan ko ang alaala naming dalawa.
It's been six years at hanggang ngayon, hindi ko pa din siya nakakalimutan.. At patuloy na hinihintay ang kanyang pagbabalik.
"When mommy will go home?" Ayan na naman ang tanong niya na hindi ko masagot-sagot.
"I don't know when, son. I can't wait to bring her home too.." Sagot ko, tumaas ang dalawang balikat niya at ibinalik sa akin ang wallet ko.
"What if mom will not go home and she will also not lived with us together? Just like what my old parents did to me before?" Nangilid ang luha ni Sevi habang sinasabi ang mga bagay na iyon.
"I will not let that happen, Sev."
After the bonding, umuwi na kami sa bahay at parehong nagpahinga. He requested me na manood daw kami ng baby boss sa laptop ko before we go to bed.
"Daddy, bukas po ba ihahatid niyo ulit ako sa school?" Tumango ako habang binibihisan siya ng panjama. "Actually, i'll talk to your teacher bukas. I just want to excuse you because we have a big celebration tommorrow, your Tito Theo told me about it." Sagot ko naman.
At gaya nga ng sinabi ko.. Kinabukasan, kinausap ko ang Nursery Teacher ni Sevi at ipinaalam siya. And now we're at the hotel, pareho naming inaayusan ni Sevi ang isa't isa.
"And i'm telling you, Sev. Be behave. Just play with samantha habang nakikipag usap ako kila dad, is that clear?" Tumango siya sa sinambit ko. I was fixing my messy hair, for sure pupunahin na naman ako ni Theo dahil hindi na naman ako nakasuot ng American Suit.
Pagkarating namin roon sa party hall ay maraming special guests na ang nakarating including Theo's wife. Amara Genevieve.
Maganda din ang concept ng party kaysa noong isang araw, elegant ang dating dahil
Tahimik at puro classic music lang ang ipinatutugtog sa mga musicians.It's like we're at the 1800's of Spanish era.
Ilang minuto ang lumipas at maraming bisita na din ang nakikipag usap sa akin lalong lalo na 'yung mga babae and they are single.. But i don't give a care about them-----Bigla ko tuloy naalala 'yung kinuwento sa akin ni Theo nung Isang araw.
"Caleb." Napatingin ako sa bandang likuran ko, I saw Hannah grinning infront of me. Sinusubukang itago ang emosyong nararamdaman niya, mukhang namumugtong pa ang kanyang mga mata dahil siguro sa kakaiyak.
"What are you doing here?" Tanong ko. Ano nga ba kasing ginagawa niya dito? Kasama din ba siya sa mga special guests namin?
Bahagya siyang natawa dahil sa tanong ko---As in legit na tawa. "Hindi ba sinabi ng magaling mong kapatid na pupunta kami ni--- Hey!" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla akong hatakin ni Sevi papalayo sa grupo ng mga tao.
"Sevi!" Saway ko sakanya. I want to be angry of what he did earlier pero bigla nahawi ang inis na naramdaman ko nang makita ko ang excited niyang mukha.
"Daddy, daddy, I have good news!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Mom is already back!" But. Ara. Is. Already. Dead.
"Hey, dad! I said mom is already back!" It's Impossible. How can i believe to the statement of an 5 years old boy?
"Nakita ko po siya kanina! She's prettier now than before pala!" That's. Just. My son's. Imagination.
Nang mapagtanto niya na nakatulala lang ako, lumungkot ang mukha niya. "I am saying the truth, dad. I'm not lying. Manang Tinay told me not to lie.." Bumuntong hininga ako at lumuhod sakanya upang magpantay kami.
"Sevi, I'm not saying that you are lying. Hindi lang talaga ako makapaniwala na bumalik na ang mommy mo." Hindi makapaniwala o hindi talaga naniniwala?.. O napipilitan lang talagang maniwala?
Patay na si Ara at kuntento na ako roon. Matagal ko nang tinanggap 'yon at ilang beses ko na ding kinalimutan ang nararamdaman ko para sakanya. Umasa ako na babalik pa siya pero hindi din nagtagal 'yung pag asang 'yon.. Imposible naman paniwalaan na bigla nalang siyang tumayo sa puntod niya at bumalik? Mahirap mag mukhang tanga.
"Sevi.." Hinawakan ko ang dalawang balikat niya. "I still believed na babalik pa ang mommy mo. But now, she needs to rest muna." Nangilid ang luha niya sa sinabi ko.
"So.. Mommy's not gonna live with us anymore?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nasasaktan lang ako dahil sa mga isinasagot ko.
Pero wala nang mas sasakit pa nang makitang kong tumulo ang luha sa pisngi ni Sevi, para kong nakita sakanya ang sarili ko noong bata palang ako.
Ganitong ganito ang itsura ko when i saw my mom slowly dying at the hospital. And it broked my heart for my son.. At ayokong maramdaman din ni Sevi 'yon.
Parang tumigil ang mundo ko nang bigla siyang pumiglas sa braso ko at biglang kumaripas ng takbo. I called his name bago ako tumakbo para habulin siya hanggang sa madaanan namin ang mga grupo ng taong nakikipag usap sa isa't isa.
Hindi ko na nahagilap ang presensya ni Sevi nang makarating ako malapit sa grupo nila Aries. I admitted that i was scared to death na pati si Sevi ay mawala din sa akin, siya nalang ang mayroon ako.. Magkadugo man kami o hindi.
Babalik na sana ako sa dating pinagpwestuhan namin ngunit bahagya akong napatigil ng marinig ko ang iyak ng anak ko. Sinundan ko ang tunog noon hanggang sa makita ko ang isang babae na yakap-yakap si Sevi at pilit na ipinapatahan.
Tumibok ng mabilis ang puso ko nang magtama ang paningin naming dalawa.
Ang dati niyang mahabang buhok ay napalitan ng maikli na hindi lalagpas hanggang balikat. Nag iba ang kanyang pustura at porma, may nakalagay na ding kolorete sa mukha niya.
Hindi ko na makilala ang dating siya."Ara." Lumapit ako sakanya para yakapin siya pero kaagad siyang nag self defense at iniharang ang braso niya.
"Do i know you?"
_________________________________________________________________________
READ THE LDUTS BOOK 1 FIRST BEFORE THE "UNTIL THE SUN WILL RISE"
YOU ARE READING
Until The Sun will Rise
RomanceLDUTS (Book Series #2) Will Ara ever come back? Even six years ago? Even though Caleb, Aries and Hannah have graduated from senior highschool and college? Will Ara still keep her promise to Caleb?