When I Met You

53 8 10
                                    

Dinownload ko 'yong app na sinabi sa akin ni Kysha, naawa daw kasi siya sakin kasi wala pa akong lovelife. Ang bait talaga niya kung hindi lang namin sugar daddy si Charles matagal ko na silang isinumpa. Pero swerte nga ng babae na 'yon, mahal na mahal nila ang isa't isa tapos palagi pa binibigyan ng allowance pero ako 'yong mas nakikinabang hehe. Umupo ako sa kama ko at sinearch ang 'Cupido', ang laki naman ng storage ng app na 'to, mag dedelete nanaman ba ako? Ang hustle naman! Ang dami talagang sagabal, pangit ba ako? kapalit-palit ba ako? Bakit parang minamalas ako pagdating sa lovelife
ko? Paalam Pinterest, magkikita ulit tayo sa next life. Binuwis ko ang buhay ni Pinterest sana naman may pakinabang na itong si Cupido.

Bumungad sakin ang App na may nakasulat na Cupido at kulay pula 'yong theme at may mga design na heart na nakapana. Lumabas rin 'yong pagpipilian kung saan ako mag lolog-in. Pinili ko 'yong Meta since wala lang kasi gusto ko lang. Pumili na rin ako ng gagawin ko na profile, pinili ko 'yong naka swim suit ako kasi feeling ko ang ganda at sexy ko doon tiyak marami akong mapabighani dito. Nilagay ko rin na 18 na kuno ako kahit 17 pa lang ako, syempre baka i-ban ako kasi minor pa ako. Tapos gender ko na rin, pero hindi pa pala tapos aish! Inaantok na ako pero bumungad sakin ang mga questions tungkol sa anong tipo ko sa lalaki, mga 15 questions ang nasagutan ko.

Sa wakas natapos ko na rin i-set yong profile ko! Lumabas 'yong mga iba't ibang profiles ng mga lalaki, swipe right daw if bet tapos left naman kung panget. May mga na swipe right na ako pero mas marami akong na swipe left, pota hindi ko sila bet karamihan dito mga Arabo.

Kinukusot-kusot ko 'yong mata ko dahil tinatamaan na ako ng antok. Mag eexit na sana ako sa Cupido pero aksidente ko napindot 'yong swipe right.

'You both liked each other! Send a message to Edward Sespeñe to start your journey.'

"Pota, sino ba 'to?" Siya 'yong una na nag swipe right sa akin.

"Bukas kana nga!" Mag-cchat na sana ako pero hindi ko na kaya, antok na antok na ako kaya inoff ko nalang 'yong phone ko tsaka natulog.

_

Read at your own risks. This story contains typographical and grammatical errors. Hindi ako masyadong maalam sa kaibahan ng (ng, nang, rin, din) so please bear with me.

When I Met You Where stories live. Discover now