Prologue
•••
Gaano ba kasarap ang mahulog sa isang nilalang? Gaano ba kasakit kapag nabuwag ang inyong pinagsamahan? Gaano ba katagal para maghilom?
Ilan lamang ang mga iyan sa tumatakbo sa isipan ko habang pinapanood ang isa sa mga sikat na romance movie ngayon.
"Pwede bang pakihinaan naman ng pagkain mo!"
Lumingon ako kay mama habang may dala-dala itong laundry basket. Nakasuot ito ng bestidang dilaw habang nasa gilid nito ang laundry basket.
Sumubo ulit ako ng chips na kabibili ko lang kanina.
Mahina akong natawa. "Hindi ko naman kasalanan kung matunog kapag kinakagat, eh," katwiran ko habang puno pa ang bibig.
Umiiling itong nagtungo sa labas ng bahay.
Nilingon ko ulit ang pinapanood. Tumaas ang kilay ko nang tumalon-talon ang lalaki habang puno ng kagalakan ang mukha matapos pumayag ng babae na magpakasal dito.
Lumunok ako saka muling kumuha ng chips.
Naniningkit ang mga mata kong pinanood silang magyakapan habang maraming taong pumapalakpak para sa kanila. Lumobo ang kanang pisngi ko habang nakakunot-noo.
Gaano ba kasarap makamtan ang ninanais mong mangyari? Gaano ba kahirap tanggapin ang pagkabigo sa pag-ibig?
Sumandal ako sa sofa. Tumingin ako sa kisami habang bagsak ang balikat.
Buong buhay ko, halos paghanga lang ang naibigay ko sa mga umaaligid sa akin. Wala kasi talaga akong magustuhan. Kaya kong tanggapin ang bad side ng isang tao depende sa kung paano ito makaaapekto sa akin at sa mga mahal ko sa buhay.
Ayaw kong pumasok sa relasyon na laro-laro lang. 'Yong walang planong ipagpatuloy ang relasyon hanggang sa pagtanda. Halata kasing gusto lang nila ng matatawag na girlfriend or boyfriend, e. 'Yong iba naman feeling mature pero toxic naman ang ugali.
Bumuntong-hininga ako.
Hindi sa nagmamadali ako sa pag-ibig. Nababahala lang ako na baka tumanda akong dalaga.
Kumunot ang noo ko.
Kailangan ba na bago mamatay ay mag-asawa't magkaanak?
Ngumuso ako saka lumingon kay mama na muling pumasok sa loob habang basa ang kamay at braso. Medyo basa na rin ang bestida nito.
"Ma," tawag ko rito saka ngumiti.
Nagpatuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa kusina. Binuksan nito ang drawer na nasa ilalim ng countertop bago nilabas ang liquid detergent.
"Kailangan ko ba mag-asawa?"
Lumingon ito sa akin habang suot-suot ang masungit na mukha.
"Aba'y mas magandang mag-asawa!" saad nito saka naglakad pabalik. "Pero paano ka ba magkakapamilya, e babae naman ang kursunada mo!" asik nito dahilan para mapahagikgik ako.
Nilapag ko ang phone sa sofa matapos pindutin ang off button. Muli akong tumingala sa kisami.
"Pwede naman mag-ampon!" bulong ko.
Ilang sandali, pinagpatuloy ko ulit ang panonood ng 1 hour movie nang may malalakas na kalabog ang muntikan nang maging dahilan ng pagkasira ng cellphone ko.
Naiirita akong mabilis na tumayo bago iniwan ang cellphone sa sofa. Binuksan ko agad ang main door habang si mama ay kinakausap ang isang lalaking hinihingal.
Si Kuya Baron pala, ang best friend ng mama ko. Mabilis ko silang nilapitan nang biglang napaupo si mama habang nakabuka ang labi at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kawalan.
Agad kumabog nang malakas ang puso ko saka tiningnan si Kuya Baron. "Bakit po?" tanong ko rito bago nilapitan si mama para alalayan.
Tinitigan ko ito. "Ma?" Tinapik-tapik ko ang pisngi nito nang bigla nitong alisin nang marahas ang mga kamay ko mula sa mukha niya.
"Si Rylie..." narinig kong bulong ni Kuya Baron.
Naiiyak akong lumingon kay kuya dahil nasaktan ako sa ginawa ni mama. Kumunot ang noo ko.
•••
BINABASA MO ANG
Love Me (Series #2)
RomancePast is past, they say. But what if that past has its own life and chase after you? ______________ ONGOING Taglish