Prologue

3 0 0
                                    

Sheka's Pov.

"Love!"

I suddenly stopped when I heard that sound of him. Impit na napangiti ako at unti-unti s'yang nilingon. Ganun nalang ang galak na naramdaman ko seeing him with my twins. Hindi ko inasahan na sasama pala sya sa pagsundo sa akin rito sa airport. Ang hilig nya talaga kong surpresahin.

Masayang naglakad ako palapit sa direksyon nilang tatlo.

"Jimuel.. Shera," pagtutukoy ko sa mga kakambal ko na kapwa masaya sa pagdating ko. At huling tinapunan ko ng paningin ang lalaking hindi ko inaasahan na narito. Napatuon pa ako ng pansin sa hawak n'yang boquet ng white and red roses.

How sweet naman? Tss..

"Cord."

"Uyyyyyyyyyyyy!!!" Kantyaw ng dalawa mula sa gilid ko.

"Tss. Manahinimik nga kayo." Suway ko sa kanila at nilapitan si Cord. "Tatayo ka lang ba d'yan at tutunawin ako?" prangkahang tanong ko. "Its been a long time love, na miss mo ba ako?"

Sa halip na sagutin at magsalita ay nakangiti nya akong nilapitan at binuhat na s'yang ikinagulat ko ngunit hindi ko na sya nagawa pang pigilan.

"Luh!" Natatawang si Shera.

"Edi kayo na ang sweet couple, hello? May kahihiyan naman siguro kayo 'no?" Si Jimuel na sinamaan ko ng paningin. "Nagugutom na ako Ate Sheka, mamaya na kayo maglambingan ni Kuya Cord, pwede?"

"Hanggang ngayon talaga mukha ka pa ring pagkain, Jimuel." Pagbibiro ko na ikinatawa nilang pareho, lalo na ni Shera. "Ayy nako! 20 years old na isip bata pa rin."

"B-Bakit? Bata pa naman ang 20 ah? Pss."

"Pagpasensyahan mo na Ate Sheka, sadyang gutom lang 'yan kasi mas inuna pa ang pakikipagharutan kay Trinity." Pabulong na ani Shera sa akin na ikinangiti ko.

Kaya naman pala e, nakipaglanturan na naman.

"Hoy! Narinig ko yun ah!"

"E ano naman?"

"I-Ika--"

"Tama na 'yan! Kadarating ko lang mag aasal aso't-pusa na naman kayo," suway ko.

"Etong si Shera e!"

"Nako, kuya Jimuel!"

"Aba--"

"Sabi ko tumigil na kayo! Pss. Nga pala bakit di mo kasama si Trinity?"

"Nag rereview kasi sya ngayon, may exam sila later." Nakangusong si Jimuel, lakas maka-childish. "Oh! Kuya Cord?"

Nagtatakhang nilingon ko si Cord na matalim pala ang paningin kay Jimuel.

"Kuya." Bakas ang pangamba sa tono ni Jimuel nang hindi nagsasalita si Cord at masama ang paningin sa kanya. "Kuya wag mo nga akong tignan ng ganyan!"

Unti-unting umurong si Jimuel at nagpunta sa gawing likuran ko na animoy nagtatago kay Cord.

"Alam mong nagrereview si Trins pero nilalandi mo pa? Ha?" Bakas ang pagbabanta kay Cord na naka-ambang habulin si Jimuel.

"Ate Shekaaaa."

"Halika nga ditoooooo!"

"Ate! Si Kuya oh!"

"Malilintikan ka talaga sakin, Jimuel." Si Cord.

"Pss. Nasa airport tayo kaya pwede ba? Umasal tao naman kayo? Saka na ang pagiging hayop pag nasa bahay na tayo." Suway ko at hinila na si Cord papuntang sasakyan.

Mabuti nalang at dala ng dalawa kong kambal ang sari-sarili nilang kotse kaya naman ako lang ang nakasakay sa kotse ni Cord.

"Love san mo gustong kumain?" He ask me.

"Ha? Hmmm.. Sa bahay nalang kaya?"

"Okay, Pa deliver nalang tayo."

"Okay."

Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang amuyin ang binigay nya sa aking bulaklak. Ang bango at halatang fresh pa ang mga ito.

"Do you like it?"

Nilingon ko sya. "Oo naman, ang bango at ang ganda nga e."

"Like you, mabango at maganda."

"Pss. Korni."

"Ano kamo? Korni? Ha, korni? Ha korni?, korni kamo ah?"

"Cord naman e!". Aniko nang kilitiin nya ako sa leeg ko. Napatigil sya at bakas ang saya sa mga labi. Dahan-dahan akong sumandal sa balikat nya at nag-angat ng paningin sa kanya. "Bukas na bukas rin ay magsisimula na ang taping ng bago naming series.." Panimula ko. "Gusto ko sanan---"

"Wala ka na naman time for us."

"No!" Giit ko.

He smile. "Yes".

Hindi ko intensyon na pasamain ang loob nya pero ayoko namang umasa sya na tuluyan ko nang tatalikuran ang career na gusto ko. "I mean, bukas na yung simula ng taping kaya---" He cut my words again.

"Ayos lang. I understand." Nakapokus sa daan ang pansin nito. "Paniguradong nasa bahay na sina Shera at Jimuel, gusto mong mag mall muna?"

"Hmmm." Pagsang-ayon ko.







All about us(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now