CHAPTER 5

543 13 2
                                    

Their paths crossed, again

Sylvia Luis's POV

"I missed you, so much..."

Nanghina ang mga tuhod ko at muntik pa akong mawalan nang balanse kung hindi niya ako nasalo kaagad.

Ganito pa rin ang feelings. Ang feelings ko sa tuwing nahahawakan ko siya. May kuryenteng bumabalot sa katawan ko, may sparks pa.

'Yong mga luha ko ay bumuhos na talaga at hindi ako makapaniwalang nandito na siya.

Nandito na siya at muli ko na siyang nakita. Nakakaiyak na nakakataba ng puso. Tears of joy ba 'to? Na after all these year our paths crossed again? Oh, good God. Miss na miss ko na po talaga siya.

"T-Thom... Thomas," bigkas ko sa kanyang pangalan at mahigpit na niyakap ko siya.

Sobra-sobra ang iyak ko rito. Nakakatuwa. Parang nag-flashback sa akin ang lahat ng eksenang nangyari sa amin 20 years ago.

Akala ko hindi ko na siya makikita pa. Akala ko hindi ko na siya mayayakap nang ganitong kahigpit. Akala ko hindi ko na maririnig ang kanyang boses.

Pero ngayon, dinala siya sa akin ng Diyos. Muli ko siyang nakita at nahawakan. Napaka-sarap sa pakiramdam kaya ako naiiyak.

'Yong pinagtagpo kayo at sabay kayong gumuhit ng inyong alaala at pangarap pero sa huli ay kayo naman ay ipinaglayo.

Pinaglayo ng tadhana sa maraming panahon. Pinaiyak, sinaktan at binigyan ng pagkakataon na maranasan kung paano ang magmahal sa taong malayo na sa 'yo.

Sa taong alam mong hindi na babalik sa 'yo. Sa taong alam mong wala ng pag-asa na magtagpo pa ulit kayo.

Pero may surprise rin pala ang tadhana sa atin. May surprise si God at dininggin niya ang aking kahilingan.

Ang makita ko ulit ang aking mahal. Si Thomas A. Tan. Ang lalaking una't huli kong minahal.

"Sylvia..." bigkas niya sa pangalan ko.

Lumuluha siya, nakikita ko sa mga mata niya ang labis na galak. Nakikita kong sabik na sabik din siyang makita ako. Nakikita at nababasa ko sa mga mata niya.

"Bakit ngayon ka lang?" naiiyak na tanong ko sa kanya at mas lalo lang akong napahagulgol nang marinig ko ang mahihina niyang hikbi.

"I'm sorry, Sylvia. I'm so sorry..."

"T-Thom...na-missed kita."

"I...I m-missed you too, Sylvia. I missed you more."

kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha ko na walang awat sa pagtulo.

Sa bawat segundong nakikita ko ang mukha niya ay pumapatak ang mga luha ko. At pinupunasan lang niya ang panibagong luha na 'yon. Halos hindi ko na siya makita dahil umuulap ang paningin ko buhat nang pagluha ko.

"Thomas..." bigkas ko sa pangalan niya.

"Nandito ako, n-nandito na ako. Nandito na ang Thom mo at hindi ka na niya iiwan pa."

Siguro umabot nang isang oras ang yakapan namin habang patuloy kami sa pag-iyak. Labis-labis ang aking kasiyahan. Ang makita siyang ulit ay sobra na ang ligaya ko.

 20 Years Later (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon