They say true love exists, and I believed that. Ever since I was a kid I always wished that someday a person would just magically show up and love me unconditionally.
And I thought it was him.
Akala ko siya na ang araw na magbibigay liwanag sa madilim kong mundo. Umasa ako na siya ang lalaking hindi ako iiwan kahit lumipas pa ang gabi.
Habang naglalakad hindi ko mapigilang tingnan ang aking paligid at isipin sya. Dito niya ako dinadala kapag malungkot ako kasi sabi niya gagaan daw ang loob ko kapag nakita ko yung mga nagtataasang bundok at ang mga ibong malayang lumilipad sa kalangitan.
This used to be our favorite place to hang out, but now, this place just reminds me of a love that was never meant to be.
"Let's break up." Seryoso niyang saad na tila ba matagal niya nang planong sabihin ito sa akin.
Ang mukha nya ngayon ay walang emosyon, hindi katulad ng dati na sa araw araw naming pagkikita ay puno ng saya at higit sa lahat.. pagmamahal.
Ramdam ko ang aking luhang nang gigilid na sa aking mga mata at ang dibdib kong sobrang bigat.
Parang gusto kong magwala ng marinig ko ang sinabi nya. Sampalin at mag sabi ng mga masasamang salita. Kailanman, hindi ko naisip na sya ang unang susuko sa aming dalawa.
Ang sakit.
Sobrang sakit.
Gumuho ang aking mundo ng marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanyang mga labi. Pero wala akong magawa.
Akala ko ba mahal mo ako? Bakit ka susuko?
Kala ko ba tayo hanggang dulo?
Anong nangyari?
I gathered all of my willpower to say something. Just one word.
To make him stay.
"Bakit, Leo? May nagawa ba ako?" Pag dadahilan ko sakanya. "Please... sabihin mo sa akin." Pagsusumamo ko.
Wala na akong paki kung nag mumukha akong desperada sa tingin nya. Wala na akong paki kung ano pang iniisip nya tungkol saakin sa mga sandaling ito.
Ang mahalaga lang sakin ay maging okay ulit kami.
Abutin ang mga pangarap ng mag kasama. Gumawa ng mga masasayang ala-ala ng mag kasama. Libutin ang mundo ng mag kasama.
Lahat ng masasayang araw kung saan nag pplano kami sa kinabukasan namin ay napunta sa wala.
'Please, I need you.'
"Ano? ganun na lang 'yon? Itatapon mo na lang lahat ng pinagsamahan natin?" Hindi ko na mapigilan ang aking nararamdaman at tinanong sya na may halong inis. "I thought you wouldn't leave me? I thought you love me!"
Kapag napapagod ako, sya mismo ang unang nagpapalakas ng loob ko.
Hindi ko inasahang isa din sya sa wawasak ng puso ko.
"Please... ako na lang ulit." Pag mamakawa ko sakanya.
"'Di ko kayang mawala ka, Leo." Naiiyak kong sabi sakanya habang dahan dahang naluhod sa harap nya. "Leo, p-please." Hinawakan ko ang kaliwang kamay nya at nilagay sa pisngi kong basang basa ng luha.
For a second, I saw a hint of mercy in his eyes but it was immediately replaced by anger.
"Please, L-leo... Babaguhin ko lahat ng ayaw mo sa'kin basta tanggapin mo lang ulit ako." Pinisil ko ang kamay nyang hawak ko at tinignan sya sa kanyang mga mata, nagmamakaawang wag bumigay at alisin ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Book 1 of Lutheran Series: When The Sun Sets
RomanceThey say that when the sun sets, it's the end, Solene Callista Dela Fuego agrees, but believes that they are proof that endings can be beautiful as well. Is that, however, the case with her love story?