Tinignan ko kung sinong gago ang kumuha non sakin at hindi mapigilang maasar. "Excuse me, ako ang nauna sa libro na yan." Madiing sabi ko sa kanya. Inabot ko sa kanya ang aking kamay na ready ng kunin ang librong nasa kaliwang kamay nya.
Iniwasan nya ang aking kamay at mas nilayo pa sa akin ang libro. "Paanong ikaw? Ako ang unang nakahawak!" madiing giit niya sa sinabi ko.
Wow naman 'tong isang to, mang bbwisit pa e 'no? Nakita na nga niyang kukunin ko na yung libro!
"Ako unang nakakita niyan so technically akin yan." Naiinis kong saad sa kanya at pilit na kinukuha ulit ang libro na nasa kamay niya. Pero umilag ulit sya at mas tinaasan ang taas ng libro kung saan hindi ko na maabot kahit talunin ko ito.
"Sandali Miss, wala akong panahon makipag away." Sabi niya sa akin habang binubunot ang wallet sa likod ng kanyang pantalon gamit ang kabilang kamay. Kumuha siya ng two thousand at inabot ito sa akin. "Miss, sapat na ba yan sayo?"
Sa sobrang gulat ko hindi ko sya agad nasagot kaya kala niya sumang-ayon na ako sa kanya at kinuha ang kamay ko para ilagay dito ang pera. Dali-dali ko namang iniwasan ang kamay nya at tinitigan sya ng masama.
Ang kapal ng mukha.
Kala nya ba mukha akong pera?! The audacity of this bastard! Hampas ko sa kanya yung hermes bag ko eh.
"For your information, hindi ko kailangan ang pera mo kahit isaksak mo pa yan sa baga mo." Galit kong sinabi sakanya."At isa pa, kaya ko bilhin kaluluwa mo kay satanas. Kaya ibigay mo na sakin yang librong yan."
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Type sana kita e. kaso ang taray mo." Sabi nya sakin at binaba na ang kanyang isang kamay na may hawak na libro na kanina pa nakataas.
"Well, sorry ka nalang hindi ako intrestado sa mga lalaking katulad mo!" Mataray kong sinabi sa kanya. "At kung type mo ako bakit ayaw mo ibigay sa akin yang librong yan?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.
"Because I badly need this book." Pagpapaliwanag niya. "Kanina pa ako nag iikot sa mall para mahanap 'to Miss. Kaya kung pwede, ibigay mo na 'to sakin." Sabi nya na parang nag papaawa effect pa.
I understand his situation pero kailangan ko kasi talaga yung libro para makapasa sa klase ko so I cannot sympathise him at this moment.
But looking at the way he is clenching the book hard, afraid of letting it go. I can't help but surrender. Kahit ano naman yatang sabihin ko hindi niya na ibibigay ang libro sa akin.
Napabuntong hinga na lang ako ng malalim, "Alam mo bahala ka na dyan. Sayo na yang libro." At nag umpisang mag martsya paalis.
Kung ayaw nya edi wag, may pera naman ako kaya pwede naman ako bumili ng bago o kaya mag padeliver.
Ang ganda na ng araw ko sinira pa ng mokong na yon, na stress pa tuloy ako kung saan ako bibili ng libro.
Yun na e, maganda na recitation ko kay Prof. Suarez, nakita ko pa si crush, tas biglang mawawala kasiyahan ko dahil sakanya? Dapat pala sa ibang mall na lang ako bumili kung mamomoblema lang ako.
Dahil sa nangyari, nag ikot-ikot na muna ako sa mall para makalimutan ang nangyari kanina. Mas mabuti pang enjoyin ko na lang muna ang sarili ko kaysa naman ma stress ako sa taong yon.
Lumipas ang mga oras napagod din ako kaka window shopping at napagpasyahan ko munang mag merienda sa isang cafe dito.
Bago lang ito pero mukhang masasarap yung mga pastries and drinks dahil laging pinipilahan ng mga tao. Isa na din itong mga go-to cafe sa campus namin since malapit lang itong mall na 'to.
BINABASA MO ANG
Book 1 of Lutheran Series: When The Sun Sets
RomanceThey say that when the sun sets, it's the end, Solene Callista Dela Fuego agrees, but believes that they are proof that endings can be beautiful as well. Is that, however, the case with her love story?