Chapter 1

22 3 19
                                    

"WHY do people attempt or commit suicide?" Bigla bigla akong nag taas ng kamay pagkatapos sabihin ng professor namin ang tanong na iyon. "Ms. Dela Fuego?" I quickly stood up when I heard my name get called and confidently answered.

Ito yung bawi ko sa absent ko kahapon kaya kailangang galingan ko dito kung hindi mag s-sinko talaga ako sa report card ko. Delikado na.

"Unfortunately, Sir, this question does not have a straightforward response. Suicide is committed for a variety of reasons," Prof. Suarez nodded to encourage me to keep going. "The majority of persons who committed suicide had a mental disease or a substance addiction problem. Suicide attempts are a sure sign that something is seriously wrong in someone's life. Depression is the most frequent underlying condition, accounting for around 60% of suicides among those suffering from depression." I said in a serious tone hoping that what I said was right.

Ramdam ko ang nginig ng kamay ko pero wala akong nagawa kundi manatiling nakatayo. Lalo na't ramdam ko ang pinupukol na titig ng aking mga kaklase sa aking naging sagot kaya mas nakaramdam ako ng kaba. But I soon felt a sense of achievement and was relieved when Prof. Suarez clapped his hands and instructed me to sit down to begin his lecture again.

"Hmm, nangangamoy uno, ha." Sabi sa akin ng seatmate ko na si Mia habang pabiro niya pa akong siniko.

Natawa rin siya ngunit pinigilan ito para hindi maagaw ang atensyon ng klase. "Gaga, chamba lang 'yon." Natatawa kong saad at muling ibinaling ang atensyon sa discussion.

Mas mabuti ng makinig para pag tinawag, may masagot agad. Kilala pa naman si Prof. Suarez bilang isang striktong professor kaya pag tinawag ka at wala kang maisagot walang pag-aalinlangan ipapahiya ka sa buong klase.

Makalipas ang ilang oras tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang aking pang huling klase. Mukhang nag over time na naman si Prof. Suarez kaya kailangan ko na namang bilisan mag ayos ng gamit

"Shit! Maiinis na naman sila sa akin." Dali dali kong binilisan ang akong mga galaw at dali daling tumakbo palabas para puntahan ang lugar kung saan kami magkikita-kita.

Nahirapan pa akong makababa dahil marami na ring kapwa estudyante sa hallway ang dumadaan habang ang iba naman ay doon tumatambay.

Ano ba naman kasi yang classroom namin, sobrang layo pa sa main gate yan tuloy lagi akong late!

Sinisisi ko talaga to sa architech na nag pagawa ng school namin, dahil sakanya napapagalitan ako.

Nahirapan pa ako hanapin sila ng makalabas na ako sa Lutheran University dahil sa sobrang daming tao na naka palibot sa mga stalls.

Ngunit naagaw ang atensyon ko sa tatlong babaeng tila nagkakagulo sa isang lugar. Alam kong sila agad yun kaya dali-dali akong pumunta para makisali na din sa usapan nila.

"Bakit ngayon ka lang?" Naudlot ang pag subo ni Xy sa kanyang fish ball ng napansin ako.

"Dahil ang tagal mo, ikaw ang mag babayad!" Sabi saakin ni Sav na dinuro duro pa ang hawak niyang stick.

Napatingin din sa akin ang aking mga kaibigan at tinaasan ng kilay.

Mukhang sumang-ayon pa silang lahat sa sinabi ni Sav.

"Tama!" Sabay-sabay silang sumang ayon kay Xy.

Napataas na lang din ako ng kilay sa sinabi niya. "Hoy, ang dami nyo ng nakain," Kunwaring pagtataray ko. "alam nating lahat na kaya niyong bayaran yang mga kinain niyo!."

"Kanina pa kami naghihintay sayo. Naka ubos na nga ng tatlong palamig si Sav, wala ka pa din." Saad ni Z habang sumusubo ng kwek kwek.

"Ang daming tao sa hallway kanina, halos bungguin ko na nga silang lahat para lang makapunta dito. Tsaka ang layo ng classroom ko dito," Sabi ko habang tumutusok na ng fishball sa stall para kainin. "Ay siya nga pala," Pagiiba ko ng topic. "yung plano natin sa Sabado wag nyong kalimutan." Paalala ko sa kanila.

Book 1 of Lutheran Series: When The Sun SetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon